Chapter 30 - Tears

44 4 0
                                    

"I'm sorry hija, but you need to do it. You don't have a choice. Don't worry I prepared everything you and your mom need there. I'm sorry hija at nadamay ka pa dito. But you are a Perez. Lahat ng Perez ay damay dito. Even your cousins. Lalo na't bata pa kayo kaya kailangan habang maaga ay malaman niyo ang meron sa business. Hindi biro ang business wars. Kapag alam nilang importante ka sa isang kumpanya, ikaw ang pupuntiryahin nila. Kung hindi lang sana madumi makipag laro ang mga Brigaza ay hindi na 'to mangyayari. They all planned this. Ang pabagsakin ang company ng mga Perez. Dahil alam nilang malaki ang shares nila sa 'tin. Kaya isang hatakan lang nila ay maiiwan tayong kaawa-awa. At sigurado akong pati si Christian ay damay dito. At pipilitin nilang makipag hiwalay siya sa 'yo. At ang magiging kalabasan ay magiging kaawa awa ang mga Perez. Kaya bago pa nila tayo maunahan, tayo na ang maunang gagawa ng move. Tomorrow evening Nika, i-pipick-up kayo ng isa sa mga body guards namin patungo ng airport. I'm so sorry Nika. I'm also doing this for you. Mas gugustuhin mo bang ikaw ang maunang saktan at iwan ni Christian? I'm so sorry hija. Someday you'll undertand everything."

I turned around and started walking as the tears I've been trying to hold the whole conversation started to fall.

Why does this have to happen?

I tried to wipe out my tears but they won't just stop from falling.

Sana naman nung una pa lang binalaan na nila ako na hindi ako pwedeng ma fall kay Christian para maaga pa lang na control ko na yung sarili ko. Sana maaga pa lang sinabi na nila na paghihiwalayin din nila kami sa huli. Hindi yung ganitong ginagawa nila kaming mga laruan. Parang ganun lang kadali sa kanila ang galawin kami. Hindi manlang nila naisip na may nararamdam kami.

For the first time sinusumpa kong naging Perez ako. Nagagalit ako! Galit na galit! Lalong lalo na sa tatay ko! Dapat ko nga ba siya tawaging bilang tatay kung hindi naman talaga siya naging tatay sa 'kin? Nagagalit ako sa kanya! Iniwan na nga niya kami, hindi niya pa pinatahimik ang buhay namin dahil may responsibilidad ako sa pagiging Perez ko. Kailangan ko pang pumasok sa tradition ng arrange marriage! 

Yung mata ko parang gripo na hindi na uubusan ng tubig.

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

Bakit kung kailan na fall na 'ko at nagka gusto kay Christian ng sobra ay ganito pa ang mangyayari? Hindi ba pwedeng maging okay na lang kaming dalawa? Kailangan bang madawit pa kami dito?

Hindi ko alam kung ilang beses ko na ba pinunasan ang luha ko.

Ngayon, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Christian ang lahat.

Malamang, hindi ko pwede sabihin sa kanya ang totoo dahil isa siyang Brigaza. Dahil baka malaman ng lolo niya ang move na gagawin ng lolo ko.

Makikipag break ako sa kanya?

Pero paano? Anong sasabihin ko?

Sasabihin ko bang hindi ko na siya mahal? Pero alam ko sa sarili ko kung gaano ko siya ka-mahal.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ilang mga tao na rin ang napapatingin sa 'kin dahil para akong tangang umiiyak dito. Pero wala akong pakeelam. Dahil ang alam ko lang ay nasasaktan ako ng sobra-sobra.

Kagabi pa lang nung tumawag na si lolo sa 'kin ay nakaramdam na agad ako ng kaba. Pero hindi ko inexpect na 'yon pala ang gusto niyang sabihin kaya naman pala ganoon na lang ka importante.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dinala ako ng mga paa ko kung saan ako dapat makarating.

Sa simbahan.

Pumasok ako at naglakad papuntang upuan at lumuhod.

"Lord, kayo na po ang bahala samin. Lord, alam ko pong masasaktan ko si Christian sa gagawin ko. Pero 'yon po ang kailangan kong gawin eh. Kayo na po ang bahala sa kanya. Sa huli, siya parin naman po ang mahal ko. Lord, kayo lang po ang makakatulong saming dalawa. Sana po kahit anong mangyari, ganoon parin katibay ang pagmamahal namin sa isa't isa. Maaaring bata pa nga po kami. Pero  Lord, pwede po bang siya na lang? Kahit hindi pa po ngayon, pero sana po balang araw."

Love At First SightWhere stories live. Discover now