Chapter 4 - Start Of Everything

262 12 1
                                    

Nika'sPOV

It's Monday today. At nakakatamad pumasok >.<

Oo nga pala it has been 1week since nung pinakilala ako ni lolo dun sa i-aarange marriage sakin. Ayus no? Highschool pa lang ako, naka arrange marriage na 'ko. In short, nakatali na 'ko. Worse, sa taong hindi ko pa mahal. Sa taong kakakilala ko pa lang. Ang galing nga ng tadhana e. Kahit gustuhin kong mag back out, hindi pwede. May sakit daw kasi sa puso si lolo so kapag nalaman nyang gusto kong magback out at hindi sinunod yung gusto nya, baka daw atakihin ito. This guy, named Christian Brigaza. Pinagkasundo kami ng mga lolo namin. At napagkasunduan na hindi pwede malaman ng iba na inarrange marriage kami. So in short, magpapanggap kami na mag bf/gf kami in real life. Ayus no? Magpapanggap daw kami na nagkakilala kami nung summer and niligawan nya ko. The heck diba? Sumang ayon na lang din si mommy dahil nga may sakit sa puso si lolo. Paano na yung dream guy ko na, liligawan ako sa harap ng maraming tao? Yung dream guy ko na ipagsisigawan sa harap ng maraming tao kung gaano nya 'ko kamahal? Yung dream guy ko na liligawan ako with full effort? And now? Parang ganun na lang kabilis. Wala ng ligaw-ligaw. Kami na agad. At magpapanggap na nagmamahalan sa harap ng maraming tao. In short, lie and pretend.

 "Nika! Hindi ka pa ba ready? May naghihintay na sayo sa labas!" Sigaw ni mama. Mula sa labas ng kwarto ko.

 "Yes ma! Pababa na!"

Sa 1 week na nakalipas, hatid-sundo na din ako ni Christian. Ang sabi nya yun daw kasi ang iniutos ng lolo nya. Wala na din akong magagawa. Kaya sumusunod na lang din ako. Hatid-sundo, sabay mag lunch at minsan taga bitbit pa ng bag ko. Instant boyfriend! Ayus no? Boyfriend na hindi ko naman mahal.

"Kanina ka pa? Sorry ha hinanap ko pa kasi yung I.D ko" Bungad ko kay Christian pagka labas ko ng gate namin.

"Kung inaayos mo na kasi yan bago ka matulog, edi hindi ka magpapanic sa umaga. Malelate pa tayo nyan e." Oh diba! Napaka sweet ng instant boyfriend ko! Parang tatay ko lang e -__- Yung feeling na halatang napipilitan lang sya ihatid-sundo ako kasi sabi ng lolo nya. Pati yung pagsasabay namin tuwing lunch. Para daw halata na kami talaga.

"Sorry." 

"Sige na. Pumasok ka na sa loob." Sagot nya at pumasok na ko sa loob ng sasakyan. At tumabi na sya sakin sa loob. Sa back seat kasi kami naka-upo. Syempre may driver dahil 1st year highschool pa lang kami.

Pagkarating namin sa school. Huminto yung sasakyan sa gate ng school. Nauna syang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. At inalalayan akong lumabas. Kahit na ayaw ko, iniinsist nya. Para daw halatang halata na mag bf/gf kami. Oh diba ang galing nya magpanggap. Tuwing papasok kami, laging samin naka tingin lahat. May mga nagbubulungan din.

"Ang sweet naman nung guy!!"

"Bagay sila!!"

"Ang cute nila!!!"

"Nakaka-kilig sila!"

"Grand entrance talaga?"

"1st year palang may boyfriend na?"

Ilan yan sa mga naririnig ko. Halos araw araw yan ganyan. Tapos minsan hinahawakan pa ni Christian yung kamay ko. In short, mag ka holding hands kami habang naglalakad. HHWW nga daw. Feeling ko minsan kinikilabutan ako e. Ang galing nya naman magpanggap. Expert siguro to? Pang ilang arrange marriage nya na kaya to? Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero syempre hindi ko magawa dahil hindi pa naman kami ganun ka-close. Although araw araw na kami magkasama pero syempre iba parin kasi wala pang 1 month kaming magkasama.

Love At First SightWhere stories live. Discover now