Chapter 3 - What?

249 9 0
                                    

Chapter 3 - What?

Nika's POV

It's Saturday today. Well, natapos ko na ang first week ko sa school. Okay naman. May new friends na 'ko. Lagi ko nga silang kasama eh. Nakakatuwa lang.

Nandito kami ngayon ni mama sa mall. Bibili daw kami ng dress para bukas. Para saan? Hindi ko alam. Ayaw niya sabihin eh. Mamaya na lang daw. May nabili na kaming color blue na mini dress na tube tapos may malaking ribbon below the breast tapos pa balloon. (A/N: Use your imagination guys! Haha x)

Ewan ko dito kay mama at nag iikot pa kami. Sabi nya red naman daw yung bibilhin namin para may pagpipilian. Haynako! Ano ba kasing meron bukas? I don't have a clue.

Kagagaling lang namin sa isang boutique. Isang red na cocktail dress naman yung binili ni mommy. Mas type ko yung red kesa sa blue kanina. Masyado kasing maikli yung blue. Yung red kasi parang covered sya ng black pero see-through tapos may maliit na ribon sa waist part. (A/N: I-imagine nyo na lang po x) Mas elegant tingnan yun para sakin kasi hindi masyadong show off.

Natapos din kami at dumeretso sa greenwich para magmeryenda. Mga 5pm na din kasi. Grabe 1 kami umalis sa bahay e.

Pagkatapos kumain, dumeretso na kami sa bahay at agad kong tinanong si mama.

"Ma!"

"Oh?"

"Ano ba talagang meron bukas?"

"Hindi ko pa masasagot yang tanong mo anak ngayon eh."

"Ma naman!"

"Sige na nga. May Party tayong pupuntahan bukas." Party? Nino? At bakit kailangan pang maghanda masyado? Eh meron naman ako sa closet ko. Ang gulo!

"Kaninong party ma? Saan?"

Tiningnan muna ako ni mama sa mata tsaka sumagot, "Ng lolo mo."

Ni lolo? Teka! Sinong lolo? Ang gulo gulo naman! Imposible na yung papa ni mama yun kasi patay na yun. Don't tell me......

YUNG PAPA NI PAPA?

WHAT?

-

Maaga akong ginising ni mama para daw makapag ayos ng sarili para daw sa party.

Still, clueless parin ako. Kapag naman tinatanong ko si mama about that sinong lolo ko, iniiba nya yung topic. So ayaw nya lang talagang pag-usapan yun.

3pm na nga pala. Kakauwi lang namin ni mama galing sa parlor. Nagpa-ayos pa talaga ako. I don't know why. Magpahinga muna daw ako sabi ni mama kasi magbibihis na ko mamayang bandang 4 kasi 5 daw aalis na kami kasi medyo malayo yung pupuntahan namin.

Saan ba talaga? Kanino? Lolo? Sino? Bakit? Kailangan pa ba?

Mas lalo lang akong naguguluhan.

*5pm

Nag-aabang na kami ngayon ni mama ng taxi para papunta sa event. Yung red na cocktail dress yung suot ko ngayon with matching red 2-inch heels. Hindi ko naman kasi kailangan ng masyado mataas kasi matangkad na 'ko and hindi ako masyado sanay.

Huminto yung taxi sa harap ng malaking bahay.

Or should I say MANSYON?

OMG. CASTLE?

Narinig ko na ang lakas ng tugtog sa loob.

Pagkabayad ni mama kay manong driver nginitian nya 'ko na parang sinasabing umayos-ka-maging-normal-ka-muna

Love At First SightWhere stories live. Discover now