Chapter 2 - First Day

266 11 4
                                    

Nika's POV

"Nika! Anong oras na oh! Bumangon ka na!"

Aww. Oo nga pala. Papasok na 'ko!

"Opo ma! Babangon na!" Sigaw ko kay mama.

Pagka-bangon ko, nakita ko si mommy nagluluto ng breakfast. Actually, na-miss ko si mommy. Kasi ang tagal na din naming hindi nagkasama. Dati nung nasa Nueva Ecija ako sa cellphone lang kami nagkakausap. Tapos tuwing may occassion lang sya umuuwi. Sobra ko talaga syang na-miss :(

"Oh Nika! Maligo ka na. Tapos kumain ka na."

I went straight to the s.r para maligo then after kumain na 'ko ng breakfast.

Sabay kaming kumakain ngayon ni mommy.

"Ma?"

"Hmm?"

"Sasamahan mo po ba 'ko sa school?"

"Hmm. Ihahatid lang kita tapos ikaw na bahala pumunta sa room mo"

"Ha? Eh ma di ko pa alam yun eh."

"Kaya magtanong tanong ka. Alam mo namang may trabaho pa din ako." Naiintindihan ko naman si mommy eh. Sabagay may pasok nga din pala siya. So I really need to be independent.

"Sige na! Dalian mo na. Ayusin mo na yung gamit mo. Aalis na tayo."

Tumango na ko at kinuha yung bag ko.

Then dumeretso na kami sa school.

"Oh Nika mauuna na ko ah? Ikaw na bahala. Magtanong tanong kana lang. Male-late na din ako." Biglang sabi ni mama pagkapasok namin dito sa school.

Aw. Ang daming tao. Kinakabahan talaga ako.

Sana naman marami akong maging friends.

Nagdere-deretso na ko sa nakita kong hagdanan. May nakita akong mga parang teachers din yata 'to? O mga assistant? I don't know.

Tinanong nila kung anong grade na 'ko tapos tinuro na nila yung room.

Pagpasok ko. Ang tahimik. Siguro mga transferee lang din sila.

Umupo na 'ko sa harap.

Pinaka madami yung lalaki.

*After few hours

Uwian na namin ngayon. Half day lang naman daw kasi kami ngayon. Pero bukas whole day na.

Medyo marami na rin nangyari ngayong araw.

May nakasundo naman agad akong mga kaklase ko. Ang sarap lang sa feeling na may new friends na 'ko.

And syempre dahil first daw namin ngayon merong Introduce yourself which is hate ko. Nakakahiya kasi eh. Ewan ko ba. Nakaka-ilang. Lalo na kanina na may isang guy na nakatitig talaga sakin. I mean lahat naman sila nakatingin sakin kasi syempre na sa 'kin yung attention nila kasi nga ako yung nagsasalita sa gitna. Pero yung guy na yun iba yung tingin sa 'kin eh. Deretso sa mata 'ko yung tingin nya. Nung napatingin sya sa 'kin parang may laser yung mata nya. Well, chinito kasi siya. So talagang kinilabutan ako nung tinitigan nya 'ko. Di ko masyado narinig yung pangalan nya nung nag introduce sya eh. Kahit nga makatingin sa kanya hindi ko magawa. Feeling ko mapapaso yung mata ko pag tiningnan ko sya. Ang weird noh? Ewan ko ba. Kinikilabutan ako. Pati kanina nung palabas na kami ng room. Nagtama yung mga mata namin at nagulat ako nung nginitian niya 'ko. Sa ngiti nyang yun, lalong lumiit yung chinito nyang mga mata. At bigla akong kinabahan. At dahil sa kaba, nag half smile na lang ako sabay iwas ng tingin. I was thinking kung kanina pa sya nakatingin sa 'kin kasi di naman magtatama yung mga mata namin kung hindi sya nakatingin sa 'kin.

Haaaayyyyy. First day pa lang may gumugulo na agad sa isip ko. Nakaka stress pala ang Manila.

Kagagaling lang namin sa Jollibee. Nagkayayaan kasi sila. Well, inaya na din nila ako. Birthday daw kasi ng isa namin classmate eh. Specifically, si Anna. Katamtaman yung tangkad pati yung kulay and cute yung ilong niya. Haha! (If you know what I mean xx)

Masaya yung first day 'ko. Ang saya kasi ng mga nakasama ko eh. Although may strange things pero ayos na din.

I am so happy! :)

---

END OF CHAPTER 2

A/N: Sino kaya yung chinito na yun? Hm. ;))) Just wait for my update xx

FOLLOW ME ON TWITTER: @HeeeeyAngelique

VOTE! COMMENT! SHARE!

Love At First SightDonde viven las historias. Descúbrelo ahora