Chapter 22

3.9K 130 16
                                    

Chapter 22 - Magigising din siya

"May nangyari kay Franz. We need to go to the hospital!" nagmamadaling sabi ni Tita matapos niya ibaba ang kanyang cellphone. Nanginginig na ang kanyang katawan at tumutulo na ang kanyang luha.

Tumulo na rin ang luha ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kahit na hindi ko pa talaga alam kung ano ang nangyayari.

Tiningnan ko si mama at papa. Puno na rin ng pag alala ang kanilang mga mukha. Tumango sila sa akin.

"Oh sige na! Mauna na kayo dun! Susunod na lang kami!" sabi ni mama.

Dali dali kaming sumakay sa kotse ni Tito. Sa likod ako naupo habang si Tita naman ay sa passenger seat.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Walang nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o talagang nawala lang kakayahan kong magsalita dahil sa kaba.

Punong puno na rin ang isip ko na mga posibleng nangyari kay Franz. Siyempre, hospital! Ano bang dinadala sa hospital? Baka kung ano ng nangyari at base sa reaksiyon ni Tita mukhang hindi ko rin magugustuhan.

Dumating kami sa hospital. Hindi ko alam kung sadya ba talagang maraming tao sa hospital na ito at nagkakagulo sila o nagiimagine lang ako dahil sa kaba at takot sa kung anong nangyari sa mahal ko.

"Franz Gonzalez!" humahangos na tanong ni Tita sa front desk ng mga nurse.

"Yung naaksidente po? Nasa ER po siya ngayon. Kumanan lang po kayo jan" turo ng nurse sa amin.

Mistulang tumigil ang mundo ko. Ano daw? Ano ang nangyari kay Franz? Parang biglang naging puro white ang paligid ko. Parang napunta ako sa kawalan. Naaksidente? Naaksidente si Franz?

Tuloy tuloy na naumagos ang luha ko. Kaya pala ganoon na lang ang reaksiyon ni tita kanina.

"Franz!" mahina kong sambit habang tinungo naming tatlo ang kanang bahagi na itinuro ng nurse.

"Sorry po pero bawal pa kayo dito" sabi ng nurse ng hawiin ko ang kurtinang green na nagsilbing harang upang makita ko si Franz.

Mas lalo pang tumulo ang luha ko sa nakita kong kalagayan ni Franz. Kahit na pinigilan kami ay nakita ko parin siya.

"Franz! My son!" tawag ni Tita kay Franz habang umiiyak. Hawak siya ni Tito na sa tingin ko ay ginagawa rin ang lahat para huminahon.

"Upo muna kayo doon" sabi ng nurse na nasa tabi ko.

Umupo nga kami sa mga hanay ng upuan. May papalapit na pulis sa kinakaupuan namin.

"Kayo po ba ang pamilya ng naaksidente?" tanong nito sa amin. Tumango naman ang dalawang magasawa.

"Ano po bang nangyari?" mahinahon na tanong ni Tito dahil mukhang shock parin.si Tita kaya hindi nakapagsalita.

"Sa intersection po, nagkabanggaan po sila ng isa pang sasakyan" sabi ng pulis.

"Kita po namin sa CCTV na medyo mabilis po ang pagpapatakbo ng anak niyo at hindi napansin ang isa pang kotse. Wala pong masyadong nangyari sa sakay ng isang kotse. Napuruhan lang po talaga ang anak niyo dahil sa pag iwas niya kaya bumunggo siya sa gilid ng kalsada" dagdag pa niya.

Nagmamadali siguro si Franz dahil sa dinner namin. Kaya siya naaksidente. Tiningnan ko si Tita at Tito.

"Gusto ko makausap yung pamilya ng nakabanggaan ng anak ko" ani Tita.

"Nasa 2nd wing po sila ng hospital. Samahan ko na po kayo" ani ng pulis.

Tatayo na sana kami ng biglang may lumabas na doctor mula sa emergency room. Agad kaming lumapit sa kanya.

Childhood Kiss (boyxboy)Where stories live. Discover now