Chapter 14

5.2K 150 1
                                    

Chapter 14 - Sorry

Nang pumasok kami ni Nicole ng Monday ay kakaibang saya at excitement ang naramdaman ko na makikita ko na ulit si Franz. Isang araw ko pa lang siya hindi nakita ay nakaramdam na ako agad ng pagkamiss rito. Hindi kasi kami nagkausap o nagkatext man lang nitong linggo kaya ganoon na lang ang naramdaman ko.

Kuminang ang mata ko ng makita ko siyang nakaupo sa upuan nito nang pumasok kami sa loob ng room. Ngumiti ito sa akin ng makita ako kaya halos manghina ang tuhod ko.

"Ang saya mo ata?" anito. Gusto ko sanang sagutin ito ng, siyemre nakita na kita pero pinagpatuloy ko na lang ang pagngiti dito.

"Maganda lang ang gising ko" ang sagot ko na lang sa kanya. Naaamoy ko na naman ang nakakaaddict nitong pabango kaya lumapit pa ako ng kaonti sa kanya.

Hindi ko talaga mapigilang titigan ito habang nagkaklase kami, ang maamo niyang mukha, matangos niyang ilong, mapupula niyang labi at ang cute niyang mga dimples kapag ngumingiti ito. Attracted ako sa physical traits niya pero minahal ko ang mga katangian bumubuo sa kanya. Ang pagiging maaalahanin, maalaga nito sa akin.

Ilang araw din ang mga lumipas ay madalas kami magakasabay ng lunch, ihahatid ako sa bahay at magkuwentuhan, minsan kasama ang mga kaibigan namin. Simula kasi ng mag-open up ito sa akin noong sabado ay mas naging vocal at open pa ito sa akin, minsan nga ay naipakita niya sa akin ang litrato ng kanyang ex girlfriend. Humanga naman ako sa babaeng nakita ko sa litrato, hindi mo maitatanggi ang angking kagandahan nito, ang tan nitong balat, ang maamo niyang heart-shaped na mukha at kahit nasa picture lang ay makikita mo na mataas ang tindig nito marahil ay kasing tangkad namin ni Franz. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng insecurity sa katawan nang sinabi nito kung paano nito hinangaan ng sobra ang babae dati.

"Napansin ko siya noong isang game ko, kasama niya noon ang mga kaibigan niya para suportahan ang team namin para sa school. Unang kita ko pa lang sa kanya nagandahan na talaga ako, naalala ko pa nga ang pakiramdam ko noon, para akong naglaro ng sampung sunud sunod na game sa bilis ng tibok ng puso ko" nakangiti niyang sabi sa akin," tapos iyon niligawan ko na siya at naging kami"

Masakit na marinig ito mula sa kanya. Masakit isipin na iyong taong lihim mong mahal ay may minahal ng ganoon ng sobra pero katulad ng madalas na ginagawa ko ay sinasakyan ko na lang ito.

"Ang ganda nga niya parang model" ani ko habang hawak ang isang picture ng kanyang ex.

Naisip kong pumunta sa office ni papa at kuya ng wala akong magawa sa bahay ng sumunod na araw. Gusto ko silang dalawin at gusto ko ring pumunta dahil matagal na rin akong hindi nakakabisita roon.

"Oh bunso?" ani papa sa akin ng pumasok ako sa opisina nito. Mayroon itong hawak na ballpen at mukhang may mga pinipirmahan.

"Hi pa, bumibisita lang ako" ani ko habang hinalikan ako nito sa aking pisngi, ramdam ko tuloy ang kaonting stubble nito, nakakakiliti.

"Oo nga, matagal kanang hindi dumadalaw dito" anito na animo'y nagtatampo at inilibot ang mata sa kanyang office na punong puno ng picture naming magpamilya sa mga dingding. Umupo ako sa kulay gray nitong couch at inayos ng kaonti ang mga fresh na bulaklak sa mini table nitong para sa mga bisita.

Si mama ang may kagustuhan ng mga fresh flowers na ito dahil nakakaganda raw at natural ang scent.

"Papa naman eh, alam mong busy ako at kaya nga ako dumadalaw ngayon oh" sabi ko ng pabiro sa kanya. Nagkuwentuhan pa kami ng ilang sandali bago ako nagpaalam sa kanya na si Kuya naman ang pupuntahan ko.

Naabutan ko namang itong umiinom ng kape habang nanonood ng TV sa loob ng kanyang opisina. Napailing naman ako sa naabutan.

Tsk! Tsk! TV na naman.

Childhood Kiss (boyxboy)Where stories live. Discover now