Chapter 2

7.1K 197 22
                                    

Chapter 2 - First day

Riing! Riiing! Riiiing!

Binuksan ko na ang mata ko ng marinig ang alarm clock ko. First day of school ngayon.

Oh yeah! College life, here I come!

Kinuha ko kaagad ang aking towel at dali daling naligo. Pagkatapos ng pag-aayos ko ng lahat at bihis na ako, Im ready.

Tiningnan ko ang orasan, 7:00AM pa lang pala. 8:00AM pa naman ang first class namin, parehong Business Ad. ang kinukuha naming magbestfriends.

"Kain kana anak, mukhang excited kana talaga ah" sabi ni mama pagkababa ko.

"Oo mama, nakakaexcite talaga!" ani ko at ngumiti naman siya habang nagsasandok ako ng hotdog at fried rice.

"Basta pagbutihin mo ang pag-aaral anak" singit naman ni papa.

"Opo pa, para sa inyo" at nginitian ko naman siya.

"Sabay na ba kayong papasok ni Nicole?" tanong ni mama sa kin.

"Opo ma, siya na daw magsusundo sakin tapos sabay na kami" sagot.ko naman.

Natapos na rin kaming kumain si mama nagliligpit sa kusina, si papa naman umalis na rin.

Ako naman nanonood ng TV habang hinihintay si Nicole, maaga pa naman.

"Oh bunso? Hindi kapa ba aalis? Sabay kana sakin" sabi ni kuya Cris, kapatid ko.

"Hindi na Kuya, hinihintay ko na lang si Nicole eh, salamat na lang" tumango naman siya.

Nagtatrabaho na siya sa company namin. Kakagraduate niya palang, tinitrain na siya ni papa. Siya ang magmamana ng business eh.

"Ah kung ganun sige, mauuna nabako. Ingat na lang bunso"paalala niya habang naglalakad palabas.

"Sige ingat ka din Kuya" pahabol ko habang sumasakay siya sa kotse niya.

Si papa naman sobrang sipag niyan minsan nga ang aga pumasok sa work kaya hindi ko na siya naabutan.

Pero mapagmahal yan maalaga, understanding kaya nga tinanggap niya ako eh basta masaya daw ako.

"Den, tara na! Alis na tayo!" biglang sabi ni Nicole mula sa aking likuran, nakatalikod kasi ang sofa sa pintuan.

Hindi na yan nahihiya samin. Labas masok na yan sa bahay. Pamilya na nga siya diba.

"Ah sige tara na nga, tagal mo kaya" magcocommute pa kami papuntang school.

Wala naman kami parehong sasakyan. Pero marunong kami magdrive ha, nagpaturo ako kay Kuya.

"Mama, alis na po kami" sabi ko kay mama, "Opo alis na kami tita" ani ni Nicole.

"Sige magiingat kayo" palala naman ni mama.

Umalis na kami at sumakay ng jeep, isang sakayan lang naman eh.

Nakarating na kami sa school. Agad naman naming nahanap ang room namin.

Pumasok na kami sa room. Marami na ring estudyante, nagdadaldalan. Nakapili na rin kami ng upuan at doon na umupo.

"Best nadala mo ba yung folder ni papa Franz?" tanong ni Nicole sa akin.

Oo nga pala. Buti naalala ko ito kanina.

"Oo Best, pag makita natin mamaya saka na lang natin ibibigay" paninigurado ko naman.

Narinig ata ng mga kababaihan kaya nadako ang tingin sa amin. Malamang nagtaka sikat yung tao eh.

Bigla naman dumating yung professor namin. Wow ang gwapo ni sir at mukhang bata pa.

Childhood Kiss (boyxboy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang