Chapter 18

5.2K 131 5
                                    

Chapter 18 - Ex girlfriend

"Clayden Loise Vergara, will you be my boyfriend?" ani Franz.

"Oo, siyempre Franz mahal na mahal kita" ani ko.

"Alam ko, mahal na mahal din kita" anito at inilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako kaya naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking mga labi.

Pinaandar na niya ang kotse at nagsimula ng magmaneho pauwi. Bakas sa mga mukha namin ang mga kasiyahan. Alam kong maraming kaming pagsubok na kakaharapin pero kakayanin ko ito para sa pagmamahal ko kay Franz.

Nakarating na kami sa harap ng gate. Nagpaalam na sa isa't isa.

"Sunduin kita ulit bukas huh?" anito habang kinikiss ako sa noo. Niyakap ko naman siya. Mahilig talaga kasi akong yumakap. I love to cuddle!

"Oh sige na, text na lang. I love you" aniya na ikinangiti ko.

"Yes, I love you too, ingat sa pagdrive" ani ko. Isinarado ko na ang pinto ngunit hindi parin ito umaalis. Maya maya ay bumukas ang bintana.

"Pasok kana, hintayin kitang makapasok" sabi niya. Umiling ako.

"Hindi, gusto kong nakikita ka" ani ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Sige po, ikaw talaga, pag alis ko pumasok kana huh" aniya. Tumango naman ako at tuluyan na nga akong naiwan sa harap ng gate namin na nag iisa.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ganito ba talaga ito? Na kaagad kong namiss si Franz. Nakakaramdam din ako na parang hindi ako buo. Hinayaan ko na lang muna ito at inalala ang nangyari kanina kaya naging masaya na ako.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kuwarto ko. Nagbihis ako at pumuntang kusina. Naabutan ko nga si Manang doon na nanonood ng Tv na nasa ibabaw ng ref.

"Si mama, manang?" tanong ko rito.

"Nasa kuwarto niya. Gusto mo kumain?" sabi niya at inalok ako ng kanyang kinakain. Tumanggi naman ako at agad na pumanhik sa kuwarto ng mga magulang ko.

"Oh Den?" ani mama ng buksan ko ang pinto pagkatapos kumatok. Balak kong sabihin kay mama ang mga nangyari. Ayaw kong maglihim, at least sa kaniya.

"Ma, may sasabihin ako" ani ko. Umupo ako sa kama katabi niya.

"Ano iyon?" pagtatakang sabi nito.

"Ma, ahm, ano, si Franz" sabi ko na hindi matuluy tuloy dahil naghihiya ako.

"Ano si Franz?" ani to.

"Boyfriend ko na po siya" ani kong nakayuko dahil takot akong tingnan ako mukha niya.

"Wow, fina- Oh good to hear that!" ani mama na may sasabihin ata noong una pero hindi na itinuloy.

Itinaas ko na ang aking ulo at tiningnan si mama. Ngumiti ito bilang pagpapakita na masaya ito para sa akin kaya agad akong pumulupot sa kanya at yumakap.

"Thank you, thank you ma" pasasalamat ko rito," ma, tulungan mo akong sabihin kay kuya at papa ito, alam mo naman ang mga iyon"

Tumawa si mama at niyakap rin ako.

"Of course Den, pero hindi lahat ibibigay mo ha, mga bata pa kayo" aniya sa seryosong tono. Hindi ko alam kung anong lahat ang tinutukoy ni mama pero green ang pumasok sa utak ko kaya namula ako.

"Oh not that na 'lahat', ang ibig kong sabihin ay magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo dahil hindi natin alam ang mga mangyayari. Maging matapang ka" anito. Kumabog naman ang dibdib ko sa sinabi ni mama. Hindi ko maimagine kung kaya ko bang wala si Franz sa piling ko.

Childhood Kiss (boyxboy)Where stories live. Discover now