Chapter 20

4.3K 128 4
                                    

Chapter 20 - Found love

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Kaagad kong tiningnan ang oras. Malalim na pala ang gabi at hindi pa ako nakakain. Ito siguro marahil ang dahilan kung bakit malakas ang katok ng kung sino mang taong kumakatok.

"Sandali, bubuksan ko na!" ani ko habang binubuksan ang lock ng pinto. Bumungad naman sa akin ang nagaalalang mukha ni Kuya.

"Hindi kapa kumakain? Anong nangyari?" aniya sa akin na pinaupo ako balik sa kama ko.

"Ah kakain ako. Na sobrahan lang ako ng tulog" ani ko sa kanya. Hindi naman umaalis ang tingin nito sa mukha ko.

"Umiyak kaba?" anito.

Sunod sunod naman nagflashback saken ang mga nangyari kanina. Ang narinig kong usapan ni Chelsea at Franz.

Over acting ba ako? Siguro dapat ay kinausap ko muna sila bago nagconclude. I deserve an explaination.

Nakita niya ako kanina? Alam niya ba ang walkout incident ko kanina? Hindi niya ba alam na pupunta ako sa kanila? Hindi ba siya nagtaka kung bakit wala ako? Hindi niya ba ako sinundan?

Nasi-stress ako. Pero imbes na sumagot kay kuya ng totoo ngumiti lang ako sa kanya at sabay tayo.

"Hindi ah. Siyempre bagong gising lag ako, ganyan talaga" ani ko at hinila siya palabas ng kuwarto para kumain diretso sa kusina. Actually naramdaman ko na nga ang gutom ng tinanong ako ni Kuya.

"Okay, sige sabay tayong kumain" anito ng nakangiti habang kumukuha ng pinggan at inilagay sa mesa.

"Tulog na sila mama at papa?" tanong ko habang kumakain kami.

"Hindi ko alam e" aniya sa akin.

Pagtapos namin kumain ay kaagad akong naghugas ng pinagkainan namin. Pumasok ako sa kuwarto at nagligpit ng pinagtulugan ko. Hindi ako inaatok kaya naupo lang ako sa kama at tumingin sa kawalan.

Okay na ako. Hindi na magulo ang utak ko. Napagdesisyunan kong puntahan bukas si Franz para makausap siya at maliwanagan ako.

Kasalanan ko din e. Kaagad akong umiyak. Malay mo hindi naman pala iyon. At may tiwala ako kay Franz na mahal niya ako.

Humiga ako sa kama. Hindi ko akalain na makakatulog ako kahit na wala akong nararamdamang antok.

Nagising ako ng umaga dahil sa alarm clock ko. Pumunta kaagad ako sa banyo para maligo. Rinig ko na rin ang tawag ni mama na magalmusal na raw ako kaya matapos ang lahat ng pagaayos para sa school ay bumaba na ako.

"Good morning Den!" bati ni mama.

Umupo ako katabi niya at naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Wala na si Kuya, si papa naman ay nakita kong papasok ng kusina.

"Hi pa" sabi ko ng makaupo ito sa pwesto niya.

Tahimik lang ako habang kumakain, silang dalawa lang ang naguusap. Hindi naman ako nakikinig dahil iniisip ko kung paano ko iaaproach si Franz mamaya.

"Kahapon nang tulog ka dumating si Franz, sabi niya ay huwag na daw kitang gisingin" ani mama na nagpabalik sa ulirat ko. Pumunta pala si Franz sa dito? Sinundan niya pala ako.

"Ano po ang sabi?" tanong ko.

"Kailangan niyo daw magusap" aniya sa akin.

Peep! Peep!

Busina ng sasakyan sa labas. Kaya kaagad akong napalingon. Tumayo ako at pumuntang gate. Kinakabahan ako, mukhang alam ko na kung sino ito.

Dahan dahan ang lakad ko. Alam ko para akong tanga dahil maliliit na hakbang ang ginagawa ko pero ano magagawa ko. Kinakabahan ako.

Childhood Kiss (boyxboy)Onde histórias criam vida. Descubra agora