Chapter 6

5.4K 168 0
                                    

Chapter 6 - Project

Makalipas ang mga ilang linggo ay maayos naman ang mga nangyayari.

Naging kaibigan ko pa lalo si Franz pero hindi naman gaano kami nagsasama.

Parati parin kami sabay ni Nicole, minsan ay hinahatid ako ni Kuya o di kaya ni papa. Papasok na ako ngayon sa school kasabay si Nicole.

Marami naring naging kaibigan si Nicole minsan ay sumasama ako sa hang-outs nila, pero ako ay sina Geuel at Jodi lang talaga ang naging kaClose ko.

Nagsasalita na ang isa kong prof ngayon, gagawa raw kami ng project by partner.

"Gagawa kayo ng isang music video presentation, any genre of song basta ang kailangan ko ay makita kayo ng partner niyo sa video na yun" ani prof.

Hindi naman ako masyadong kinakabahan dahil maayos lang ang boses ko at hindi sintunado. Bumibirit nga ako sa videoke.

At hulaan niyo ang naging kapartner ko kung mamalasin ba o sinuswertehin ako. Si Franz lang naman kaya nitong mga nakaraan araw ay may time kaming nag-memeet para magpractice ng project na yun.

Wala naman masyadong mga nangyayari, minsan ay nagbiburuan kami. Nagtatanungan ng hindi naman masyadong personal tulad nalang ng tanungin niya ako about my lovelife.

"May boyfriend kaba?" tanong niya.

Nanlaki ang mata ko at napabuga ako sa juice na iniinom ko dahil sa tanong niya. All of the sudden?

"HUh!? Wala ah!, NBSB pa ako!" ani ko.

Kaya tumango na lang siya at nagchange topic na lang kami.

Kumakain kami ng merienda ngayon, nasa bahay kami, malayo kasi ang bahay nila kaya parating dito sa bahay ang practice namin.

Napagdesisyon naming dalawa na sa bahay narin namin ifafinalize ang MV na yun kaya eto kami ngayon sa Veranda. Maganda kasi ang view kaya dito na lang ang background namin.

"Oh sige, ready kana?" aniya.

Nakaupo ako sa tabi ng upuan niya. Siya kasi ay mag-gigitara ako ay kakanta lang. Magcocover lang kami ng isang song.

"Kung hindi ikaw" ni James Wright ang kakantahin namin, iyon bang OST ng My Destiny sa GMA.

"Okay na, Im ready" ani ko.

Kaya ilang sandali lang ay nagsimula na kaming magrecord. May mga ilang pagkakamali kami kaya inuulit at sabi niya siya na daw bahala sa mga yun, i-eedit na lang daw niya.

Nang dumating ang araw ng presentation ay kabado ako pawis na pawis ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit basta sa tingin ko mapapahiya ako.

"Okay next, Gonzales and Vergara" ani prof.

Kaya inihanda na nga ni Franz ang sa amin. Nagsimula na itong tumugtog.

Minsan ay nawalay ka

Tila kulang ang buhay

Ang sandali ay kay lungkot

Dahil walang kulay

Ayoko ng maulit pa

Kapag nawala ka ay

Di ko makakaya

Pinapanood kong mabuti ang video sa mga oras na iyon, ang boses lang namin ni Franz ang naririnig ko sa kabila ng mga kaklase kong komento ng komento.

Nakapikit pa akong kumakanta sa video kaya tingin ko ay feel na feel ko ito habang si Franz naman ay nakatingin sa akin habang kumakanta.

Kung hindi ikaw

Childhood Kiss (boyxboy)Where stories live. Discover now