Chapter 8

4.8K 174 2
                                    

Chapter 8 - New Friend

Nakikinig ako ngayon ng music habang nagbabasa ng mga news feed sa facebook.

Katatapos ko pa lang gawin ang assignment ko, mabuti na lang at isang subject lang ito kaya agad kong natapos.

Naalala ko pa noong isang araw ang naging date namin ni Franz. Date talaga? Haha. Kinabukasan kaso noon ay masyado kaming naging abala sa mga pinagagawa ng mga guro kaya hindi kami masyado nakapag-usap.

Sandali, ano yun? Mayroong nahagip ang mga mata ko. Si Franz!

Nakatag siya sa isang classmate namin. Oo nga ano, hindi ko pa pala nakikita Facebook niya. Nakablue siyang poloshirt kasama ang mga boys kong kakalase. Ang gwapo niyang ngumiti!

Binuksan ko agad ang profile niya at saka in-add. Walang pag-alinlangan eh!

Ang gwapo din niya sa profile pic niya, half body shot lang na simple gray v-neck t-shirt lang ang suot at naka two-thumbs up sign siya.

Agad namang akong nagkaroon ng notification kaya tiningnan ko ito. Pagkatingin ko ay tinag lang pala ako ni Geuel sa status niya. Akala ko si Franz na.

Napagpasyahan ko ng matulog dahil na rin sa inaatok na ako at wala ng gagawin ngunit ng humiga na ako, hindi naman ako makatulog kaya nag facebook na lang ulit ako sa phone.

Pagka-open ko ay nakita ko namang may notification kaya agad kong pinindot iyon.

Inaccept na pala ako ni Franz kaya dali-dali kong tiningnan ang online list ko kaso may nakasulat sa gilid ng name niya na 30m eh. Tss, dibale na.

Kaya nagpost na lamng ako sa timeline niya ng pasasalamat sa pagaccept niya.

Kinabukasan nagising na lang ako ng medyo late na kaya nagmadali akong naligo at nagalmusal kaya tamang tama rin lang pagkarating ko sa school ay dun na tumunog ang bell.

Matapos ang klase gusto ko sanang pumuntang sa isang fastfood chain dahil ayoko ngpagkain sa cafeteria at total may malapit naman dito sa school para kumain dahil nga sa konti lang ang nakain ko kaninang umaga kaso inutusan pa akong pumuntang faculty para dalhin yung pinapadala ng isa kong teacher.

Kaya lakad takbo ang ginawa ko papunta roon at dahil dito hindi ko sinasadyang makabangga ng tao.

Aray! Hindi naman ako natumba o ano basta masakit parin dahil sa impact namin ng lalaking nakabangga ko at nahulog ang mga papers na dala ko.

"Sorry, sorry nagmamadali kasi ako" ani ko sa lalaking inaayos ang uniporme niya na medyo nagusot dahil sa nangyari.

Lumuhod ito at kinuha ang mga nagkalat na papel kaya hindi ko nakita ang itsura niya.

Agad rin naman akong tumulong sa pagpupulot.

"Okay lang, kasalanan ko din naman hindi ako nakatingin" sabi niya sabay abot sa akin ng mga papel.

Kinuha ko ito at tiningnan siya. Napatulala ako sa nakita ko hindi dahil sa nakatakot kundi dahil sa kagwapuhan ng lalaking ito.

Matangkad siya, maputi, tisoy, matangos ang ilong, ang mga mata niyang medyo bluish black kaya napagtanto kong may lahi ito, ang maskulado ng  kaniyang katawan kaya siguro ako nasaktan kanina.

"Hey, okay ka lang? Akala ko nagmamadali ka?" aniya na nagpabalik sa ulirat ko, ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko dalil sa hiya kaya napatango na lang ako pagkatapos sabihin ng pautal ang 'oo'.

"O-oo nga pala! Sorry ulit" napatakbo na ako dahil sa hiya at nararamdaman kong gutom simula pa kanina.

Ano kaya pangalan niya? God, ang gwapo niya. Hahaha. Napatawa naman ako sa sarili ko dahil sa pinagsasabi ko dahil ang totoo minsan lang talaga ako humanga sa mga lalaki.

Si Franz pa la-- Oo nga pala! Si Franz. Para naman akong nakaramdam ng pagtataksil rito dahil sa pinagsabi ko pero hinayaan ko na lang dahil sigurado  akong magpapagulo lang sa utak ko iyon.

Hindi na ako nakapunta sa dapat na kakainan ko dahil paniguradong malelate ako kung tutuloy pa ako roon.

Pagkarating ko rito agad din naman akong bumili ng pagkain, footlong and isang coke in can.

Kumakain na ako ng may naglapag ng tray sa harap ko kaya napatingin naman ako sa taong yun, lumaki naman ang mata kong si Kuyang nakabangga ko pala iyon kanina.

"Hi, puwede ba akong umupo?" tanong niya. Napatango na lamang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Sorru ulit kanina ha, I'm Louie Cruz" aniya bago kumagat ng kaniyang order na burger.

"Okay lang, sorry din. Ako naman si Clayden Vergara, Denden for short" nahihiya kong sagot sa kaniya dahil nakatingin ito ng diretso sa akin.

"Okay, so we're new friends now?" aniya ng nakangiti sa akin.

"Ofcourse, why not. Friends" ani ko na nagpangiti pa sa kanya lalo.

Nagkuwentuhan pa kami ng kung anu-ano tungkol sa mga sarili namin. Nalaman kong first year college rin siya katulad ko, civil engineering ang course na kinukuha niya, may kapatid daw siyang dalawang babae at siya panganay.

Matapos namin kumain ay naghiwalay na kami at pumasok sa kani-kaning klase. At dahil nga lahat ng klase ko ay classmate ko si Nicole, agad ko naman siyang nakitang busy-ing nagaayos ng kaniyang mukha.

Pinauna ko na ito kanina dahil nga sa utos sa akin kanina at ng hanapin ko naman ito ay hindi ko siya makita kaya iyon ang nangyari.

-PrinceRaiRai

Votes and comments are highly appreciated. Thank you!

Childhood Kiss (boyxboy)Место, где живут истории. Откройте их для себя