Chapter 9

5.4K 169 2
                                    

Chapter 9 - Dinner

Ilang araw na rin ng makilala ko si Louie. Nagkakausap kami dahil narin sabi niya magkaibigan na kami kaya kinuha niya ang number ko at minsan ay tinitreat niya ako sa cafeteria o hindi kaya naman sa mga fastfood chain na malapit. Sinasabi ko naman sa kanya na ako naman ang manglilibre sa kanya pero mukhang motto niya at ang 'No, I insist' eh kaya wala akong magawa.

Pinakilala ko narin sila ni Nicole sa isa't isa ng minsan hinatid ako no Louie sa room at alam mo na ang naging reaksiyon niya. Bigla niya akong hinila sa loob ng classroom at doon siya nagpalabas ng kilig. Ang gwapo raw at ang tangkad at kung anu ano pang compliment na magpapalaki sa ulo ng lalaki.

Agad din naman ako lumabas para pormal na makapagpaalam kay Louie na halatang natuwa sa reaksiyon ng kaibigan ko.

Si Franz naman madalas rin kaming magkausap pero kapag nasa pareho lang kaming klase dahil hindi naman kami nagkikita sa labas ng school.

Naging busy kami sa mga school project namin ngayong buwan. May mga nakilala akong mga kaklase ko dahil sa mga group project namin.

Isa na dito si Rilee, yeah, bisexual siya, guwapo, matangkad, tama lang ang tangos ng ilong at may pagkamoreno, maporma rin siyang manamit.

Naikuwento niya sa akin ang problem niya ng minsang matapos na naming gawin ang project at wala ng gagawin kaya nagdecide kaming kumain.sa labas kasama ang iba naming kagrupo pero kami lang talaga ang nagkakausap. Masaya siyang kausap at hindi mo mahahalata sa kanya na isa siyang katokayo.

Meron siyang gusto kaklase niya noong highschool pa hanggang ngayong college. Patay na patay nga raw siya roon eh.

Straight ang kaibigan niyang yun at ito pa, alam ni Tristan, iyan ang pangalan ng gusto niya, na gusto siya ni Rilee. Ang problem ay gusto ng magmove- on ni Rilee kaso di niya alam ang gagawin para mag move on rito lalo na't araw araw niya itong kasama.

Nasasaktan na raw kasi siya kapag may nililigawan si Tristan at isa pa hinihingi nito ang opinyon ni Rilee sa mga ito dahil nga sa magkaibigan raw sila.

Sa isip ko, ang sama naman ng ugali ng Tristan na yan, alam niya namang may gusto yung tao sa kanya ganun pa ang gagawin niya.

Kaya pinayuhan ko siyang kausapin niya si Tristan para malaman niya kung ano talaga siya lalaking iyon at para na din sa closure at kung pwedeng bigyan siya ng space para makapagmove on kung ayaw talaga ni Tristan sa kanya. Sinabihan ko pa siya ng isang quotes na, "It's hard to move on but it's harder when you keep holding on".

Para sa akin kase malaking tulong ang closure sa mga taong nagmomove on para mapabilis ito, base narin sa mga nababasa kong stories sa Wattpad, yeah, I read WP stories.

Sinigurado naman sa akin ni Rilee na gagawin niya ang sinabi ko at nagpasalamat siya sa akin.

Weew! Naging instant love guru pa ako doon, ni wala pa nga akong sariling lovelife.

Nakaupo ako ngayon sa bench, nagpapahinga lang, katatapos lang ng mga klase ko sa araw na ito. Si Nicole ay may ginawa pang project with her groupmates kaya di ko siya kasama.

May umupo sa tabi ko, pagtingin ko ay si Franz pala. Nitong mga nakaraang araw ay wala na kaming masyadong ginagawa kaya medyo may free time na kaya nagsasama kami minsan para kumain.

"Hello, bakit nandito kapa?" tanong niya sa akin.

"Wala lang gusto ko lang magpahinga, ang busy kasi natin nitong mga nakaraan" ani ko na nakatingin sa kanya.

Hindi ko talaga mapigilin ang humanga sa lalaking ito, nakakapanghina ng tuhod, ang matatangos niyang ilong, ang maamo niyang mukha, ang nakakahumaling na ngiti niya at higit sa lahat ang pinakapaborito ko sa kanya ang mga brown niyang mata na kapag tinitingnan ako ay nakapagdudulot ng kung ano sa tiyan ko.

Childhood Kiss (boyxboy)Where stories live. Discover now