Chapter 11

5.1K 181 2
                                    

Chapter 11 - His Parents

Maaga akong nagising ng Monday para pumasok sa eskuwela, nitong weekend matapos kong gawin ang mga school works ay wala na akong ibang ginawa kundi ang magsurf sa internet, magmovie marathon with Nicole or either magbasa ng mga stories sa Wattpad. I'm not in the mood to go out kaya ganoon.

Dahil nga ito sa pag-admit kong mahal ko na talaga si Franz. Hindi siya mawala sa isip ko at ang nangyari noong Friday kaya naglibang ako, naghahanap ng diversion but hell, it just can't.

Masakit parin maalala iyong nangyari noong Friday. Masakit sa pakiramdam na hindi kami pwede. Masakit isipin na baka wala talaga akong pag-asa sa kanya pero isiniwalang bahala ko na muna iyon, hindi naman natin alam ang mga mangyayari.

Hindi ko rin mainitindihan ang puso ko, paano ko siya nagustuhan sa maikling panahon ngunit gaanon nga talaga ang love, it comes when you least expect it.

Hindi ko pa ito sinabi kay Nicole pero sooner or later alam kong malalaman niya rin ito.

Tinanong niya rin ako kung ano raw ba ang nangyari sa akin noong nasa corridor kami.

Sinagot ko naman siya ng 'wala yun medyo nahilo lang ako' but I know na alam niya ang tunay na dahilan. Kilala kasi ako nito na pag ayaw kong pag-usapan ay ayaw ko talaga kaya siguro she didn't push me.

Pagkapasok ko sa room ay binati naman ako agad ng mga kaibigan kong si Jodi and Geuel, sila kasi ang malapit sa pintuan, si Nicole naman ay masaya akong niyakap at agad niyang ikinuwento sa akin ang isang nursing student na nakilala niya raw kanina. Sa mabait daw, matangkad at kung anu-ano pa.

Mamaya maya ay dumating narin si Franz na nagpatuyo sa lalamunan ko dahil sa suot niyang uniform na half-buttoned pa siguro dahil sa pagmamadali niya medyo oras na rin kasi. Ang hot niya!

Parang bulang biglang nawala yung sakit na naramdaman ko ng ngumiti ito sa akin.

Umupo naman ito sa tabi ko at tiningnan ako kaya napabawi agad ako nang tingin. God, his eyes!

"Good morning!" masayang bati niya sa akin sabay wiggle pa ng kanyang kilay at binobutton ang kanyang polo.

"Good morning din" sabi kong hindi siya tinitingnan dahil alam kong matutunaw lang ako kapag tumingin sa kanya pero hindi ko napigilan ang sarili kong sulyapan siya pero ng tiningnan ko na ito ay nakakunot noo.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit? Ikaw kaya parang may nag-iba sayo" I stared him in wide eyes, halata bang gustong gusto siya, halata bang inamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya.

Oh god! Relax! Hindi siya psychic!

"Anong iba? Wala naman ah" pag-iwas ko ng tingin sa kanya dahil tiyak akong namumula na ako.

"Hmm? Wala ba? Imagination ko lang siguro" sagot niya sa akin, napalingon naman ito sa isa kong kaklase na may itinanong sa kanya about sa isang video game.

Well, wala pa rin naman ang prof namin, he's 5 minutes late kaya naman puro daldalan lang ang ginagawa ng halos lahat ng kaklase ko.

Sa wakas ay dumating din ang hinihintay naming prof na may ginawa raw sa office kaya hindi agad nakarating.

Hours had passed at natapos narin ang mga klase ko this day with Nicole at dumating na ang hapon.

Naglalakad kami papuntang gate ni Nicole, Jodi, Geuel at ni Mark na boyfriend ni Geuel na nakilala ko lang last week, their almost a year together sabi nila, magkaklase daw sila high school palang.

Childhood Kiss (boyxboy)Where stories live. Discover now