Chapter 13

5.6K 163 4
                                    

Chapter 13 - Malay mo

Naghahanda na ako ngayon para sa bonding naming magkakaibigan. Simple lang naman ang suot ko, isang fitted dark brown jeans na pinartner ko sa blue violet Monster design T-shirt ko. Kumikinang ang neon green scratch ng Monster na trademark nito sa damit ko kaya mas lalo ko itong nagustuhan.

Nakapag-almusal na rin ako ng toast bread na pinalamanan ko ng mayonnaise at bacon at uminom ng gatas, wala kasi akong ganang kumain ng kanin.

Hindi ko pa nakikita si mama  siguro ay tulog pa ito o kaya may ginagawa sa kuwarto.

May sinasabi ito sa akin kagabi na may pupuntahan raw sila ngayon araw ngunit hindi ko na masyadong naintindihan dahil may kaChat akong kaklase ko na pinag-uusapan namin ang isang project na deadline na sa Tuesday.

Kanina ko pa hinihintay si Nicole dahil ang sabi nito ay siya raw pupunta sa akin ngunit nangangalahating oras na akong nakaupo sa harap ng TV pero wala parin ito kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang pupunta sa kanila dahil sobrang nakakainip na.

Pagkapasok ko ay kita ko na agad ang crystal chandelier nila sa living room. Ang light brown nilang tiles na nagbeblend sa mga wood furniture nilang galing sa ibang bansa. Ang kanyang mama ang may gusto nito dahil mahilig raw ito sa makikinang na bagay.

Hindi ko na kailangan magdoorbell o kumatok dahil kung gaano kawelcome si Nicole sa amin ay ganoon rin naman ako sa kanila. Dumiretso ako sa kanilang kusina para bumati kay Tita Roxanne na kanyang mommy na sigurado akong naroon. Naabutan kong natatakpan ng apron nito ang suot niyang white blouse at black leggings, mukhang nagluluto ito ng fried rice na may kung anu-anong sangkap ng tingnan ko.

"Hello tita Rox! Saan na si Nicole?" ani ko, hindi ata ako naramdaman dahil mukhang nagulat pa ito sa biglang pagsasalita ko.

"Phew! Den naman akala ko naman kung sino. Nandon siya sa kuwarto niya kanina pa iyon doon, tawagin mo na para mag-almusal na tayo" anito.

Kaagad ko namang tinungo ang kuwarto ng bestfriend ko. Hindi nakasara ang pintuan kaya pumasok na ako agad. Bumungad sa akin ang kalat-kalat nitong damit sa kanyang kama na sa tingin ko ay pinagpipilian pa nito, nakatayo naman ito sa paanan ng kanyang kama at mukhang nag iisip.

"Best! Ang tagal mo. Hindi ka pa nakakapili ng damit?" sabi ko, tumingin naman ito sa akin at bigla na lang tumili pero mahina lang dahil alam niyang nasa ibaba lang ang kanyang ina.

"Iieehhh! Best! Sasama siya! Sasama siya! Diko alam susuotin ko" aniya. Nagtaka naman ako kung sino ang sasama. May inimbitahan ba siyang iba?

"Sinong sasama? Marami na tayong kasama ah"

"Si Nathan Best, nagtext kasi kami ngayong umaga tapos nasabi kong aalis tayo. Tapos tinanong niya kung puwede raw ba siyang sumama. Siyempre kaagad naman ako umoo. Best excited na ako! Kaso hindi ko alam ang susuotin ko" aniya.

Sinabi na nga sa akin ni Nicole noong isang araw na gusto niya itong si Nathan. Palagay ko rin naman ay may gusto rito si Nathan kaya hindi na ako magugulat kong isang araw ay malaman ko na lang na sila na.

"Oo nga pala. Hindi mo ininvite si Louie?" ani to sa akin na nakataas ang isang kilay.

Actually ay alam din ni Louie ang lakad naming ito. Gusto niya sanang sumama kaso ay sobrang busy nito dahil sa maraming projects at bukod pa sa mga ito ay sumasali pa ito sa varsity ng Engineering Department kaya wala na siyang oras. Ang sabi niya ay next time na lang daw.

"Hindi daw siya puwede" sagot ko, hindi naman nagtanong si Nicole ng kasunod pa kaya tumahimik na lang rin ako.

Tinulungan ko naman itong pumili ng kanyang damit. Sa dami ng pinagpilian namin ay nauwi kami sa isang color pastel na dress na hanggang tuhod niya.

Childhood Kiss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon