Chapter 5

5.4K 174 0
                                    

Chapter 5 - Lunch

Napamulat kaagad ako ng mabasa ko kung sino ang nagtext.

Ano kaya kailangan nito sakin?

Bakit kaya siya nagtetext?

Ako:

Good Evening din?

Bati kong patanong dahil siyempre hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya.

Siya:

Whats with the question mark? Akala ko tulog kana. Nakaistorbo ba ako?

Nagtaka siguro siya kung bakit patanong yun. Eh bakit ba naman kasi siya nagtetext sakin?

Ako:

Actually matutulog na sana ako pero okay lang yun. Ano pala kailangan mo bakit ka nagtetext?

Siya:

Makikipagkaibigan lang, okay lang ba?

Ako:

Oo naman. Friends na tayo.

Marami pa kaming napagusapan. Hanggang makatulog na ako at hindi na nakareply. Magsosorry na lang ako bukas.

--

Paggising ko sa umaga, kaagad naman akong nagready para sa school.

Pagkatapos kong gawin ang mga morning rituals ko ay bumaba na ako.

"Good morning ma at pa!" bati ko kay mama na kumakain na kasabay ni papa sa mesa.

"Good morning din Den, kain kana baka malate ka pa" sagot naman ni mama sakin habang tumango naman si papa.

Kaya kumain na rin ako. Naguusap na lang kami ng kung anu-ano ng dumating si kuya.

"Good morning ma, pa at bunso" sabay halik sa akin sa noo. Ang sweet niya talaga.

Naiisip ko tuloy wala pa kaya siyang napupusuan o kaya girlfriend. Swerte talaga non, panigurado.

"Good morning din kuya"

"May maghahatid na ba sayo, sabay kana sakin?" tanong ni kuya habang kumakain kami.

Tamang tama naman na nagtanong siya ay dumating ang text ni Nicole na hindi na naman raw siya makakasabay sa akin dahil ang mommy niya raw ang maghahatid sa kanya.

"Sige ba kuya, hindi ko rin naman makakasabay si Nicole"

Ng matapos na kami kumain. Nagpaalam na kami kina mama at papa na aalis na kami.

"Tara na bunso" sabi sa akin ni kuya habang papasok siya sa kotse kaya sumakay na rin ako.

Pagkarating namin sa school, bumaba na ako at nagpaalam kay kuya. Didiretso na daw siya sa Supermarket.

Pagkapasok ko sa room nandiyan na si Nicole. Nakita ko rin katabi ng upuan ko si Franz.

"Morning!" bati niya sa akin ng nakangiti. Binati ko rin siya at ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko bigla hindi ko alam kung bakit.

"Sorry kagabi, nakatulog na ako" pagpapaumanhin ko sa kanya ng makaupo na ako sa tabi niya.

"Okay lang yun" ngiti niya sa akin.

Mamaya maya ay dumating na ang si prof. at  nagsimula  na kaming magklase.

Matapos ang first subject ay dumiretso na kami sa next subject namin at pagkalipas ng ilang oras ay vacant na namin kaya kwentuhan na lang ang ginawa namin ni Nicole kasama si Geuel at Jodi sa bench malapit sa fountain ng school.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at meron na kaming papasukang subject.

Matapos ang subject na yun ay lunch na kaya lumabas na kami papuntang cafeteria.

Bumili na kami ng pagkain at naupo sa mga bakanteng upuan.

"Mukhang close na kayo ni Franz best ah" Aba! Ano na namang topic ito.

"Hindi naman, nagkikipagkaibigan lang" sagot ka naman sa kanya.

Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na nakakatext ko si Franz kaya wala pa siyang ideya malamang papaulanan ako nito ng mga tanong pag malaman niya.

Pero ayoko namang magtago sa kanya ng secret.

"At saka nakakatext ko lang naman siya" sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"What!? Textmate ang peg? ano sabi niya? ano pinaguusapan niyo?" sunod sunod niyang tanong sa akin.

"Wala naman, yun nga nakikipagkaibigan lang naman siya" sabi ko sa kanya.

Alam ko na kung ano ang mga iniisip ni Nicole ngayon. Noong high school palang kasi ay lapitin na talaga ako ng mga lalaki. Hindi naman sa pagmamayabang. Naranasan ko na ang mga ganyn pero ni isa sa kanila ay wala akong inentertain dahil wala talaga akong interest at baka nakatrip lang, masaktan lang ako.

Pero itong kay Franz, alam ko sa loob ko na nagaassume ako pero pinipigilan ko dahil sigurado baka trip lang ito o di kaya ay pakikipagkaibigan lang talaga ang gusto niya.

"Speaking of the devil" napabalik ako sa wisyo ng magsalita si Nicole at may nagtapik sa likuran ko. Paglingon ko ay si Franz may dalang tray ng pagkain.

"Hi, pwede bang makisabay?" nakangiti niyang tanong sa amin.

"O-Oo naman! Why not" sagot ni Nicole dahil hindi ako agad nakasagot dahil parang may kung ano sa lalamunan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Thanks" at umupo na siya sa tabi ko. Pinagtitinginan naman kami ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. Sikat nga pala talaga ang isang 'to.

"Kamusta Den?" biglang tanong ni Franz at sumulyap sa akin.

"Maayos naman, ikaw ba?"sagot ko naman sa kanya.

Nacoconcious kasi ako hindi sa mga nakapaligid kundi sa kanya mismo. Ewan ko bakit, katabi ko lang naman siya kanina. Hm!

"Ayos lang din" ngumiti naman siya. At bumalik kami sa pagiging tahimik.

"Hindi mo ba ako papakilala Best? Ano 'to deadma ako?" basag ni Nicole sa awkward moment. Hala! Sa sobrang pagiisip ko nakalimuatan ko na siya.

"Ay! Oo nga pala, Nicole si Franz ka-kaibigan ko kilala mo naman siya diba, Franz si Nicole pala Bestfriend ko" pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you, Nicole" sabi ni Franz kay Nicole ng nakangiti.

"Sayo rin, kaibigan mo pala ang bestfriend ko?"napatingin naman ako sa kanya.

"Oo, kaibigan ko siya" sagot niya. Napapansin ko lang bakit parang ang liliit ng mga sagot niya kapag kausap mo siya.

"Buti naman, kung ano man ang intensyon mo, siguraduhin mo lang na hindi masasaktan ang Bestfriend ko" NapakaStraightforward naman nito parang wala lang ako dito ah.

"Hey! Clayden's here oh!" pagpapapansin ko.

"Oo naman, malinis ang intensyon ko kaya huwag ka mag alala" sagot ni Franz sa kanya at ngumiti sa akin.

Matapos ang lunch ay umalis na rin siya patungong next class niya.

"Hey! Ano na naman pinagsasabi mo dun sa tao, nakakahiya.. mamaya sabihin assuming tayo" ani ko kay Nicole.

"Don't worry best, I know what I'm doin', just relax" sagot niya naman sa akin with matching kindat pa.

"Hay! Bahala ka nga" pagtatapos ko ng usapan namin.

Matapos ang aming mga klase ngayong araw ay umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay ay ginawa ko na ang aking mga assignments.

-PrinceRai

Childhood Kiss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon