"Chill! dude. Oo, kilala ko yun. Pinsan yun ni Sully, si Sam." sagot niya. "Ano relasyon niya kay Akira?" tanong ko. He shrugged.

"Hindi ko alam. Baka nga boyfriend siya ni Akira. Di naman malabo mangyari yun. Magkababata rin ata sila e." sabe niya. Tsk! Wtf?!

"Nako! Nag-iba nanaman aura ni Jiro. Patay tayo jan." sabe ni Rain. Tumayo ako sa pagkakaupo at kumuha ng inumin sa ref. Nandito nga pala kami sa condo ko.

"Sino ba yung Sam na yun? Bukod sa pinsan siya ni Sully?" rinig kong tanong ni Lucas kay Rain. Uminom ako ng tubig. Nag-iinit ang ulo ko! Nakakainis! Binalik ko yung pitsel sa ref at naglakad na pabalik dun sa dalawa.

"Si Sam? Well... kilala siya sa school naten. Kahit sa ibang school. Ang alam ko... bago kami magbreak ni Sully e bumalik yun ng states. Hindi naman playboy yun e. Actually, matino si Sam. Pero hindi ko lang alam kung ano papel niya sa buhay ni Akira." sabe niya.

"Kilala sa school? Pano nangyari yun? E diba nga sabe mo sa states tumira yun?" tanong ko.

"I don't know. Baka rin sa family nila and baka dahil sa model siya." Tsk. Model? Psh.

"Masyado kang nagaalala, Jiro. Baka naman kasi kaibigan lang. Oo nga may possibility na sila ni Akira pero... ikaw, isipin mo. Ikaw lang naman kasi nakakakilala sa kanya." sabe ni Lucas.

Oo tama. Baka naman hindi. Kilala ko si Akira. Hindi siya basta basta nagpapaligaw. I know her very well. Kahit 1 and a half year lang naging kami.

Pero... I still can't stop curiosity . Yung Sam na yun. The way he looks at Akira. It seems na may gusto siya sa kanya. At nagpahawak ng kamay si Akira sa kanya. Ibig sabihin... special yung Sam na yun kay Akira. No one can hold Akira's hand hangga't hindi mo pa nakukuha ang loob niya.

Ugh! Ginulo ko yung buhok ko. Nababaliw na ako kakaisip!



Kakaisip ko kay Akira di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay nila. I don't know what's got in to me kung bakit ako nandito. Baka mas lalo lang niya akong kamuhian kapag nagpakita ako ngayon. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

*creeekk*

"Jiro?" napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa tumawag sakin. Anong ginagawa niya sa bahay nila Akira?!

"Jiro, right?" tanong niya.

"Sino ka?" tanong ko.

"I'm Sam. Cousin of Sully. Ikaw si Kyle Jiro Santiago, tama ba?" tanong niya. Pano niya nalaman ang buong pangalan ko?

"Stalker ka?" nakakainis to ah. Pa-cool?! Tsk.

He chuckled. "I just know you. At ikaw din ang lalakeng gumago kay Akira." biglang nagdilim ang paningin ko sa sinabe niya. Kaya agad ko siyang nasuntok.

"Gago ka, ah! Wala kang alam!" sigaw ko. He managed to maintain his balance.

"Tsk. Oo nga wala ako nung nangyari yun, pero masasabe ko paring gago ka! Sinaktan mo ang taong pinahalagahan ko ng ilang taon. Ikaw lang ang nakasakit sa kanya ng ganun." natahimik ako sa sinabe niya. Tsk.

"I protected her and took care of her for so many years. Magkababata kami. I love Akira and for the past years, never ko siyang nakitang ganung nasaktan. Ewan ko ba kung bakit ka iniyakan ni Akira ng sobra e hindi ka naman deserving." he paused. "I won't let you take her. Hinding hindi ko na hahayaang saktan mo siya. I didn't gave up on her para lang saktan mo. I'll do everything for her to love me back. And I won't let you touch her or even go near her." nagkasukatan kami ng tingin.

Sweet Despair Where stories live. Discover now