chapter 15-sam and lance part 2

Start from the beginning
                                    

“ahh ganun ba!” tumango tango naman ako sa kanya.

“pero kung may gagawin ka naman ayos lang , magbyabyahe na lang ako.” sabi ko sa kanya

“ahh no,no I don’t have any plans today, so sure ihahatid kita!” wala syang pupuntan ngayon at mahahatid nya ako? paano na yung usapan nila kanina na meetup? nakapagusap na sila?

bigla naman ng ring ang cellphone nya, may nagtext ata.

nagsasalubong naman ang mga kilay nya habang binabasa nya ang text sa kanya. oo nga pala iba na ang cellphone nya ngayon, remember tinapon nya kanina yung phone nya siguro naman kinuha man lang nya ang sim nya.

at base sa itsura ngayon feeling ko yung hired killer ang nagtext sa kanya ngayon.

“sorry babe! but something came up ang it’s urgent! I will just call ryan, our driver to bring you…”

“hindi, hindi wag na. okay lang ako, kaya ko na!” confirm! hindi pa nga sila nagkikita ng kausap nya at may pagkakataon pa ako ngayon na sundan sila.

“Are you sure?” mabait naman talaga si lance ewan ko ba dyan kay benji kung bakit laging sinisiraan itong si lance.

“oo ayos na ako, alis ka na baka importante yan nagtext sayo!sige shooo!shoo! alis na!”pagpapaalis ko sa kanya.

“sige ingat ka din sa pagbyahe mo ha! bye babe!” akmang hahalikan nya ako ng ipinakita ko ulit sa kanya ang kamao ko kaya ginulo na lang nya ang buhok ko bago umalis.

pagpalabas nya sa gym at tumakbo na din ako papalabas at nagmamadaling sumakay sa taxi.

“kuya sundan nyo po iyong pulang kotse na yun!” sabi ko kay manong driver.

makalipas ng 30 minutes tumigil ang kotse ni lance sa isang park.

“manong magkano ho?” tanong ko kay manong driver habang nakatingin kay lance na mukhang may hinahanap. hinahanap na nya siguro ang katagpuan nya ngayon.

“100 po!” MAGKANO!?

“magkano po?” nabingi ata ako dun.

“sabi kop o P100” sagot ni manong.

“ahh eto ho manong!” matagal tagal na rin akong hindi na kasakay sa taxi at mukhang matatagalan ulit ang sunod. grabe ang mahal! 7 lang yan sa jeep! nakatipid sana ako ng 93. sana worth it yung 93 pesos ko at may mapala ako dito sa pagsunod kay lance.

nagtago naman ako sa may puno malapit kay lance. hindi nya dapat ako makita dahil baka di ko na naman makita ang posibleng pumatay kay benji.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now