Napapikit ako ng mariin at marahas na piniglas ang kamay ko upang mabitiwan ako. "Ayaw mong magkawatak-watak ang pamilya natin pero pinaalis mo ako. Ayaw mo akong masaktan? Kailan ba ako hindi nasaktan? Anak mo lang kasi ako kaya hindi ako ang pinili mo. Hindi mo ako mahal."

Umiling-iling siya. "Hindi mo naiintindihan."

"Kailan ko ba talaga maiintindihan?! Paulit-ulit na lang pero hindi ko pa rin maintindihan!"

"Hindi mo ako naiintindihan," madiin ang dahan-dahan niyang pag-ulit sa tinuran.

Dinuro ko siya. "Ikaw ang hindi nakakaintindi! Ayaw ko nang marinig ang kahit anong sasabihin mo. Wala na rin akong kahit na anong sasabihin pa. Dahil kahit kailan hindi mo ako inintindi! Makasarili ka!!!"

Tumakbo ako palayo sa kanya. Wala akong pakialam sa mga nabubunggo ko sa daan. Basta sa ngayon ay nais kong makalayo sa kanya. Ayoko na siyang makita pa.

Lumagpas ako sa kanto ng sumunod na kalye—kung saan naroon ang mga tindahan, karinderya at computer shops. Huminto ako sa ilalim ng puno na nakatirik sa sidewalk. Itinukod ko ang mga kamay ko sa katawan niyon. Hindi ko napigilang pakawalan ang mga luha ko. Ano bang pakay niya para puntahan ako rito? Parang wala naman siyang balak baguhin ang sitwasyon. Gusto niya pa ring mahirapan kami pare-pareho.

"I don't have handkerchief but I hope this one will wipe away not just your tears... but as well your pain."

Napabaling ako sa nagsalita—si Spencer na may nilalahad na sachet ng tissue.

Sisitahin ko sana ang presensya niya nang maramdaman kong tumutulo na ang uhog ko kaya napilitan akong kunin ang tissue at nagmadaling binuksan ko iyon para kumuha ng piraso at ipunas sa ilong ko.

"Umalis na siya. You can go back to campus anytime."

Tinutukoy niya yata ang kausap ko kani-kanina lang. Usisero pala ang asungot na ito.

Tinignan ko ng masama si Spencer.

"I saw that. Would you like to talk about it?" aniya.

"Bakit interesado ka ngayon? Nakita mo na nga 'yun dati, 'di ba? Bakit ngayon ka lang magtatanong?"

Nagkibit-balikat siya. "Well, if you don't want a drama..." Ngumisi siya. "help me with my school activities instead,"  ungot niya.

Napantastikuhan ako sa sinabi niya. "Ang kapal talaga ng mukha mo, eh, 'no?"

"Please, I'll pay you." Nagmamakaawa ang mukha niya.

"Anong akala mo sa 'kin?! Mukhang pera?" sikmat ko.

"Yes."

Naggiritan ang ngipin ko at mas sumama ang tingin ko sa kanya.

Nang wala akong sinabi ay naglabas siya ng perang papel at iniabot sa akin.

Napatitig ako sa pera. Biglang nangiginig ang kalamnan ko. Pinipigilan ko ang sarili ko pero hindi ako nakatiis. Kinuha ko ang pera.

"Sige. Mamaya. 'Wag mo 'tong sasabihin sa iba," pikit-matang pagpayag ko. "Umalis ka na."

"Yes!!!" Tumawa si Spencer. "See you later." Tumalikod na siya bago kumaway habang naglalakad palayo.

Sa inis ko sa kanya ay naibato ko ang tissue sa puno.

UNTI-UNTING lumalim ang kunot sa noo ko dahil sa binabasa. Nakatayo ako habang nakatuon ang pansin sa librong nakalapag sa pagitan ng nakatukod kong mga kamay sa mesa. Hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit ng ulo ay napahampas ako sa mesa. "Eh, tungkol naman 'to sa business, eh!" sikmat ko kay Spencer. "Hindi naman ako business minded."

Napabaling siya sa akin mula sa sinusulatan. Seryoso ang mukha niya. Parang genius na nag-aaral ng mabuti. "I'll take care of that. You can do my History homework." Muli siyang bumalik sa ginagawa habang nakaupo.

Napaingos ako. Ang kapal talaga ng mukha. Ang lakas makapag-utos. Kung hindi lang niya ako nabayaran ay hindi ako magpapadikta sa kanyang tumuloy sa condominium unit niya upang tulungan siya sa school requirements. Desperado na nga talaga siya.

Kahit ganoon ang ugali niya ay nais naman niyang magpatuloy sa pag-aaral. Dahil sa class suspension niya ay nag-alangan ang grades niya dahil sa nakaligtaang mga aktibidad sa mga klase. Magtatapos na ang semestre at sa dami ng gawain ay posible ngang hindi niya magawa ang lahat ng iyon at hindi maipasa. Tiyak na hindi sapat ang ilang araw para sa mga iyon kung siya lang mag-isa. Hangga't maaari ay tatapusin ko agad ang mga kaya kong subject ngayong gabi para hindi ko na siya makasama sa susunod na mga araw. Syempre ay hindi alam ni Michael kung nasaan ako ngayon. Nagpaalam akong nasa trabaho at mag-o-overtime na sa katunayan ay naka-leave pa rin ako sa work nang ilang araw na. Sariling school activities ko naman ang dahilan ng pag-leave ko noong mga nakaraang araw.

Hindi ako regular na empleyado kaya no work no pay ako. Ilang araw din akong walang pera sa susunod na cut off. Mas mahihirapan ako kung hindi ako nakikituloy sa bahay ni Michael. Lahat libre pati pagkain at panggastos ko sa eskwelahan, sinagot pa niya. Pero ayaw ko namang maging pabigat sa kanya. Binabaan ko talaga ang dignidad ko ngayon at nagpabayad kay Spencer para sagipin ang kolehiyo niya.

Habang nag-iisip ng isasagot sa mga tanong sa homework ay nahuli ko ang mataman na pagkakatitig sa akin ni Spencer. Namumungay ang mata niya at nanatili ang ganoong tingin niya bago ko ibalik ang atensyon sa ginagawa. Gusto kong bigyan ng malisya ang kung paano niya ako pagmasdan dahil kamali-malisya talaga siya. Pero ayoko na siyang husgahan kahit kahusga-husga siya, marahil ay naniniguro lang siya sa ginagawa ko.

Nangangalahati na ako sa sinasagutan ko. Madali na lang ito sa akin dahil nakakuha naman na ako dati ng History subject.

Wala sa sariling muli akong napabaling kay Spencer. Nasindak na lang ako sa nasaksihang ari ni Spencer na nakalabas habang binabate niya.

"Tangina! Itigil mo yan!!!" sita ko sa kanya nang makahuma ako.

"But I 'm horny," usal niya." And as a man, I need this. I shouldn't stop myself."

Napasabunot ako sa buhok ko't napapikit ng mariin. "Gawin mo 'yan ng pribado!" singhal ko.

"But you already saw this."

"Mahiya ka naman paminsan-minsan."

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang patuloy sa ginagawa. Tinataas-baba ang nakapalupot na mga daliri sa kahabaan niyang pataas na nakatutok sa akin na tila nanduduro.

"Touch me," aniya pagkahinto sa harap ko.

"Ano?!" bulalas ko, namilog ang mga mata ko.

Kinuha niya ang kamay ko at inihawak sa alaga niya.

Hindi na ako makakilos sa sobrang pagkabigla. May umusbong na pamilyar na pakiramdam sa hindi ko malaman saang banda ng bahagi ko namumuo. Napakainit ng ipinulupot ng mga daliri ko.

"Your hand is so warm," anas niya. "So soft. It feels good... Ohh... Move your hand up and down."

Nang hindi ako gumalaw ay iginiya niya ang kamay ko pababa-taas sa pagkalalaki niya.

Umungol ulit siya.

Napalunok ako. May nakapa akong kakaibang damdamin sa loob ko habang patuloy kong ginagawa ang gusto ng lalaking ito. Napapaligaya ko siya sa paghawak ko sa kanya. Parang nabilib ako sa sarili ko sa isiping iyon.

"Ami... I want you. I want you so bad."

Bago pa rumehistro sa utak ko ang sinaad niya ay nakayuko na siya't sakop na ng bibig niya ang labi ko't hindi na ako nakapalag pa.

ExhibitionWhere stories live. Discover now