3rd: Saliva, Why?

9.3K 86 7
                                    

3rd: Saliva, Why?

"AMI!"

Napapitlag ako nang tawagin ako ng manager habang pinupunasan ko ang mesang kinaalisan ng customer kani-kanina lang. "Po?" Lumapit ako sa kanya na nasa kabilang table lang nakatayong nakahalukipkip.

"Wala lang." At agad siyang tumalikod.

Hindi ko pinahalatang naaasar ako. Bwisit talaga 'tong gurang na 'to. Ako na naman ang napagtripan. Kung hindi ko lang amo ito ay sinapak ko na ito. Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho sinupalpal ko na sa mukha ng babaeng iyon ang basahang hawak ko.

Palibhasa ay isa lamang akong all around worker sa semi sosyaling restaurant na ito. Walang specific na katawagan sa ginagawa ko. Pwede akong janitress, waitress, cashier, dishwasher, welcomer ng banyo. Multi-tasking lang ang peg pero maliit lang naman ang sahod ko. Hustisya talaga mas mahirap hanapin kaysa sa forever.

Pagbalik ko ng tingin sa mesa ay may nakaupo na roon. Ibinalik ko ang basahan sa lababo at binalikan iyong kararating na lalaki.

"Ano pong order niyo, sir?" masiglang tanong ko na saglit tinapunan siya ng tingin saka nilipat-lipat ng pahina ang paglilistahan ng order.

"You," aniya na kahit hindi ko siya direktang tinitignan ay alam kong sa akin siya nakabaling hindi sa book menu.

"Kung ako, sir, io-order ko po 'yung Quenelles of Pike with Lobster Sauce and for dessert, Profiteroles, cream puffs po siya, filled with vanilla ice cream and topped with hot chocolate sauce." Ang sarap pakinggan pero hindi pa ako nakakakain ng mga iyon. Kahit ilang buwan na ako sa restaurant na ito ay hindi ko pa iyon natitikman kahit tira-tira. Ang damot kasi ng boss namin.

"Ikaw ang gusto kong i-order."

Tumawa na lang ako. Sinakyan ko na lang ang biro niya. Trying hard mag-joke at mambola ang lalaking 'to. Gasgas na.

"Ano pong io-order niyo, sir?" ulit ko. Pagtingin ko sa kanya nang matagalan ay namukhaan ko siya agad. Natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko at tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Shet. Siya iyong exhibitionist! Bakit siya nandito? Alam ko, kakain siya. Pero bakit dito? Sana hindi niya ako matandaan.

"Ikaw nga ang io-order ko." Itinukod niya ang mga siko niya sa mesa at nangalumbaba siya.

Agad naman akong naging kaswal. Tumikhim ako. "Sir, hindi po ako kasama sa menu."

"Magkano ka ba?"

"One-million." More than that. Every woman worth more than what we think.

Napapantastikuhang natawa siya. "Outrageous. Look at yourself. Do you look expensive?"

"Sir, restaurant po ito, hindi bar."

"Do you know that 'customer is always right'?"

"Yes, sir. Alam ko. Pero the last time I check, hindi kasama ang babaeng tao sa binebenta. Labag po iyon sa batas at tinatawag po iyon na human trafficking."

"Good evening, Sir," sabat ng manager ko na lumapit sa kinaroroonan namin. Siniko ako ni ma'am at bumulong. "Bilisan mo na ang paglalandi sa kanya nang maka-order na siya. Kanina pa 'yan"

Tinuro ako niyong lalaki. "I 'm going to take her out."

Nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran niya.

Tumawa ng pabebe si ma'am na may pahawi pa ng buhok. "Okay, Sir. She's free, Sir. You can do anything you want to do with her."

Agad tumayo ang lalaki at kinaladkad ako palabas ng restaurant.

Sumigaw ang manager namin. "Sir! Nagdyo-joke lang ako! Naku, bawas na nga empleyado namin dito, wala pa kaming kita."

Narinig ko pa ang mga huling sinabi ni boss kahit mahina na sa pandinig ko. Bwisit ka! Inisip mo pa 'yung kikitain.

"Ano ba'ng ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!" Pilit akong nagpumiglas pero nagawa pa rin niya akong madala sa parking lot na walang katao-tao.

"Where's the video?" mariing bulong niya na kahit madilim ay nakikita ko ang pagtatagis ng mga ngipin niya.

"Huh?" Namukhaan niya ako?

"Where's the video???" ulit niya, niyugyog na niya ako. Mahigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Bakit mo hinahanap?"

"Give it to me."

Ang gago naman nito. Naiwan ko nga sa locker room ang phone ko kung saan doon ko v-in-ideo ang kalokohan niya. "Anong ibibigay ko lang sa 'yo? May bayad 'yon, oy."

Kumunot lalo ang noo niya. "Bina-black mail mo ba ako?"

"Hindi pa. Iba-black mail pa lang." Since, you gave me an idea. Baka yumaman ako dahil sa 'yo.

Kinaladkad na naman niya ako bigla.

Wala akong magawa dahil lalaki siya 't malakas siya. Napasigaw ako sa sakit dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin.

Pwersahan niya akong ipinasok sa kotse at itinulak kaya napasubsob ako.

Sinara niya ang pinto pagkapasok niya.

"Ano ba'ng gagawin mo sa 'kin?" Papatayin niya ba ako? Agad? Bata pa ako. Hindi pa ako nakaka-graduate. Sayang ang paghihirap ng magulang kong gawin ako kung mawawala lang din ako agad. Natatakot ako. Marami pa akong pangarap kahit wala. Basta ayaw ko pang mamatay!

Sinubukan kong buksan ang kabilang pinto pero agad niyang hinigit ang mga braso ko.

Pilit niya akong inihiga saka siya pumatong sa akin. Baka gahasain niya ako. Virgin pa ako. Paano ako makakapag-asawa ng perpektong lalaki kung kulang-kulang na ako? Pero ang pinakamalaking tanong sa akin... bakit kung manlaban ako effortless? Wala akong lakas! Mahina ako. Babae ako, eh! pagdepensa ko sa utak kong kwestyunable.

"Bitiwan mo 'ko! Ano ba?!"

Nilapit niya ang mukha niya sa akin na may ngisi sa labi. "You, naughty girl. I will eat you."

Napasinghap ako. Shet! Cannibal pa yata siya. Kakainin niya raw ako. Paano ako makakatakas ngayon? 

Nilihis ko ang mukha ko saka ako napatili.

"Shut up!" asik ng lalaki.

Nang hindi ako tumigil kahit tinatakpan niya ang bibig ko ay hinawakan niya ang panga ko at binaling sa mukha niya at bigla na lang sinakop ng mga labi niya ang bibig ko.

Yuck, 'yung laway niya basa. Lumilipat sa bunganga ko. 'Takte, eto ba 'yung kiss? Eto na 'yung first kiss ko? Bakit ganito?

ExhibitionWhere stories live. Discover now