13th: OA Instinct

2.8K 33 0
                                    

13th: OA Instinct

"A-ANONG ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Michael matapos nilang sambitin ni Hina ng sabay ang pangalan ko pagkakita sa akin.

Parang gusto kong hilingin na sana higupin ako ng drainage pagkabukas ng pinto. Hindi lang dahil sa nahihiya akong nahuli nila akong nakita sila sa ginagawa nila, masakit din sa akin ang nasaksikhan ko na dapat naman ay hindi ko maramdaman. Wala akong karapatan, at bilang sila na magnobyo ay natural lang na gawin nila ang kalokohang iyon.

Kayo ang dapat tanungin ko. Bakit niyo ginagawa 'yan dito? —–gusto kong sambitin pero nananaig ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko kaya tila may bumabara sa lalamunan ko. Sa halip ay nagmadali akong kunin ang mga gamit ko at lumabas ng shower room.

Sinundan pala ako ni Hina palabas ng gym. Pauli-ulit niyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon.

Hinigit niya ang braso ko, saka lang ako napaharap sa kanya. Bahagya ng maayos ang hitsura niya.

"I 've been searching for you these past few days," aniya.

"T-tapusin niyo muna 'yung ginagawa niyo ni Michael. Masakit sa puson ng lalaki ang mabitin," sabi ko na lang upang makaiwas na makausap siya. Ayokong makipagplastikan sa kanya. Baka kapag hindi pa siya umalis sa harapan ko at kapag hindi ko na mapigilan ay kutyain ko pa ang pagkatao niya.

Hindi man lang siya nahiyang makita ako matapos nang nangyari. Kunsabagay, hindi naman iyon ang unang beses na nakita ko siyang nakikipagsiping sa lalaki.

"Okay," aniya. "I 'm horny na kasi, eh. But I 'll talk to you." At bumalik na siya sa shower room.

Ako naman ay habang hinihintay ko ang klase ko ay tumambay muna ako ng library at pinilit mag-aral hanggang sa sumapit ang oras ng class ko today ay lumabas na ako.

Hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Michael sa pasilyo.

Ngumiti siya pero nagpatay-malisya lang ako ngunit nang makalagpas ako sa kanya ay hinawakan niya ako sa braso.

"May klase pa ako," sabi ko upang tuluyang makaiwas sa kanya. Binawi ko ang braso ko at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Natapos na ang mga klase ko. Pumasok na ako sa trabaho hanggang sa natapos din ang shift ko, ngayon ay pinoproblema ko kung saan ako matutulog. Madilim na at sarado na ang restaurant pero nanatili pa rin ako sa labas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman sapat ang pera ko ngayon para makapagrenta. Ganoon din naman kapag nag-hotel ako. Ayaw ko naman maging makapal sa mga kakilala ko at alam kong hindi rin nila ako matutulungan.

Naglakad-lakad na lang ako bitbit ang gamit ko at bahala na kung ano man ang mangyari saan man ako mapadpad.

May tumigil na sasakyan sa nilalakaran ko. Hindi ko sana papansinin kahit na bumaba pa ang windshield niyon pero narinig kong may tumawag ng pangalan ko.

Napahinto ako.

"Ami, what are doing here? Gabi na, ah," saad ni Hina.

Hindi ako tumugon. Ni hindi rin ako bumaling sa kanya. Bakit hindi niya itanong iyan sa sarili  niya? Gabing-gabi, gumagala siya. Natiyempuhan pa ako. Pagkakataon nga naman.

"Kanina ko pa napansin na may dala kang malaking bag."

Nang hindi ako makasagot ay bumaba siya sa sasakyan.

"Naglayas ka ba?"

Nanahimik pa rin ako. Actually, hindi talaga ako sanay na magkuwento sa iba. Lahat, tinatago ko. Lalo na sa kanya. Pero kahit ganyan siya ay alam kong mapagkakatiwalaan siya, makikinig siya kahit hindi siya nakaka-relate. Pero hindi talaga ako ang tipong mahilig maglabas ng nararamdaman ko.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon