29th: Just For You

1.9K 30 4
                                    

29th: Just For You

HABANG suspended si Spencer kahit walang klase ay tumutungo siya sa ekwelahan upang ilaan ang mga oras sa pagiging student assistant at community service nang makonsumo niya agad ang sanction hours bago matapos ang semester. Kapag may pending siyang corrective action ay baka hindi siya maka-enroll sa susunod na semester.

Ilang araw na lang at makakabalik na siya sa regular niyang klase at matatapos na rin ang kanyang community service.

Sa araw na ito ay ilang oras na siyang nakatoka sa paglilinis ng campus at mayamaya lang ay maaari na siyang makauwi.

Habang nagwawalis siya sa gilid ng daan ay hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang magnobyang sina Ami at Michael. Nakayakap ang dalaga sa braso ng kasintahan at hindi maikakaila ang pagmamahalan sa isa't-isa. He wants to ignore them but he's unable to escape from the immediate stare of the guy. He does not even blink at sa kung paano tumutok ang mata nito sa kanya ay tila nais siya nitong silaban ng buhay.

Napabaling din sa kanya si Ami. Nagsalubong ang kanilang mga mata.

May tila lumukob sa kanyang kalooban at hindi niya gusto ang nararamdamang iyon. Bakit ganoon ang idinudulot sa kanya ng babae sa tuwing nakikita niya ito matapos nitong ideklarang hindi na siya pwedeng lumapit dito? Hindi na rin niya nagugustuhan ang pakiramdam sa tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. Kahit iwasan niya ang mga ito tulad ng nais ni Ami ay paano kung nasa iisang eskwelahan lang sila? Nakikita niya lagi sa library ang magnobya na magkaakbay, nadadaan-daanan niya kapag nagwawalis siya sa tabi-tabi, namamataan niya sa hardin kapag nag-aayos siya ng mga halaman, madalas niyang makasalubong ang mga ito sa entrada, magkahawak-kamay, nagsusubuan ng pagkain kapag nagmemeryenda ang mga ito sa cafeteria.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Ami sa kanila ni Salazar.

Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad at nang matapat ang mga ito kay Spencer ay may inihulog na plastic si Michael sa sahig.

Bumaba ang tingin niya roon saka niya binalik ang tingin sa dalawa nang makalagpas na. Nahuli niya pa ang paglingon ni Ami sa kanya saka ito bumaling kay Michael.

Hindi na siya masyadong nag-react pa at niligpit na lang ang basurang galing sa lalaki.

Hindi niya alam kung saan siya humuhugot ng mahabang pasensya. Kinaya niyang magtimpi ngunit nakakapagtakang ni hindi na siya nag-abalang uyamin ang lalaki. Pero hanggang kailan pa?

Itinuon na lang niya ang atensyon sa ginagawa at nang matapos ay dumiretso muna siya sa shower room ng gym upang maligo't magpalit ng damit.

He didn't go home yet. Dumiretso siya sa club na madalas niyang tambayan kapag nais niyang mag-unwind.

Sa labas pa lang ay umaalingawngaw na ang malakas na tugtog ng electronic trance music. Pagpasok niya sa bungad ng entrada ay nag-iindakan na mga tao sunod sa saliw ng musika. Lantaran ang mga suot ng mga babae, halos kita na ang mga kaluluwa. Ang iba ay habang sumasayaw ay halos makipagniig sa kapareha-nagyayapusan, naghahalikan at naghahaplusan.

Pumwesto siya sa pang-solo na high table at nag-order ng Espresso Martini. Nakainom na siya ng ilang baso at habang sumisimsim sa kasalukuyang hawak niya ay may babaeng sumulpot sa harap niya. Nakatukod ang mga siko nito sa mesa at ang isang kamay ay ipinangalumbaba nito. Maganda ang mukha nitong may napakakulay na make-up at pulang-pula ang lipstick sa labi, her all side lace up open tube dress with choker emphasized the shape of her body.

"I'm available tonight," out of the blue na sabi nito sa pilit na basic Filipino-English accent, seductively smiling. She traced her forefinger inside his neckline upward to his neck then caressed his cheek.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon