4th: Tag

7.7K 74 0
                                    

4th: Tag

"UY, BAKA mahulog ka sa hagdan."

Hagkan?

"Balik ka rito."

Halik?

"Alam mo ba? Na-miss kita."

Kiss?

Tulala akong naglalakad mula pa nang pagkababa ko ng jeep hanggang sa paglalakad ko papuntang room. Pero hindi ko maiwasang mapraning sa tuwing makakarinig ng mga salitang katunog niyon. Pinapaalala ang nangyari na hindi ko malimot-limot. Ang kaganapang makailang ulit na gumagambala sa isip ko. Mababaliw na yata ako dahil lang doon. Ang karanasang iyon na hindi ko akalaing ganoon.

PILIT niya akong inihiga sa likurang parte ng kotse saka siya pumatong sa akin. Pero bakit kung manlaban ako effortless?

"Bitiwan mo 'ko! Ano ba?!"

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at saka siya ngumisi. "You, naughty girl. I will eat you."

Nilihis ko ang mukha ko saka ako napatili.

"Shut up!" asik ng lalaki.

Nang hindi ako tumigil kahit tinatakpan niya ang bibig ko ay hinawakan niya ang panga ko at iniharap sa mukha niya at bigla na lang sinakop ng mga labi niya ang bibig ko.

Noon na ako natigilan. Hindi makapaniwala sa ginawa niya. Nanlalaki ang mga mata ko at napigil ang aking hininga. Maging ang aking katawan ay hindi makakilos.

Ang unang halik. Bakit sa ganitong paraan ko pa mae-experience? Hindi man lang romantic. Hindi man lang nakakakilig. Hindi pa sa boyfriend ko at hindi ko pa inaasahan.

Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang marahas na paggalaw ng mga labi niya. Naramdaman ko ang dila niyang dumadampi sa nakasara kong labi.

Wala sa sariling naibuka ko ang bibig ko at noon niya pinasok ang dila niya at naglaro sa loob pati ang sarili kong dila ay pinapakialaman. Ang mas inaalala ko 'yung laway niya. Makakatikim pala ako ng litro-litrong laway ng iba. Ngunit bakit hinahayaan ko lang siya sa nangyayaring ito? Baka kung saan ito umabot.

Pero nasasabik ako sa bawat paggalaw niya. Mainit sa pakiramdam. Tila may sumasabog na sensasyon sa isang parte ko papunta sa buong katawan ko.

Matagal bago siya tuluyang huminto. Sa wakas ay inilayo na niya ang mukha niya sa akin pero bakit parang gusto kong magprotesta?

Diretso siyang tumingin sa mga mata ko habang pareho kaming hinihingal.

"You're not a good kisser."

Tila natauhan ako sa sinabi niyang iyon. Hinampas ko ang mukha niya ng ubod ng lakas saka ako nakalabas ng kotse.

PABAGSAK akong napaupo sa silya at sumubsob sa desk. Sinabihan pa niya akong hindi ako marunong humalik, eh first kiss ko nga iyon. Mas naging big deal pa yata sa akin ang halik kaysa noong nakita ko ang ari niya. Sa tanang buhay ko, kahit ganito ako ay hindi pa ako lumalandi. Wala akong time para magpa-devirginize.

"Para kang ni-rape, ah," komento ng katabi kong si Harold.

"Hindi, 'no!" mataas ang boses kong pagkakasagot sa kanya. Parang masyado namang defensive ang naging tugon ko.

"Tingnan mo kaya ang hitsura mo. Sa hilatsa ng mukha mo parang ang tindi ng pinagdaanan mo."

Hindi ko na lang siya pinansin. Rape agad? Hindi ba pwedeng hinalikan lang?

Nagsimula na ang klase. Wala akong ganang nakinig sa professor. Well, boring naman talagang magturo itong nasa harap. Pinagtiyatiyagaan na lang naming pakinggan at trying hard mag-aral dahil wala kaming naintindihan sa sinabi niya.

Pagka-dismiss ay agad akong lumabas ng classroom.

Nai-stress ako. Ang gulo ng utak ko. Ano kayang pwedeng gawin para ma-relax ko ang sarili ko?

Biglang may humawak sa braso ko at mabilis na pumihit ang katawan ko.

Hindi yata ako makakapag-relax. Sa sobrang gulo ng isip ko ay hindi ko man lang napansing makakasalubong ko siya sa corridor. Itong exhibitionist. Na matiim kung makatingin sa akin nang diretso.

Nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Where's the video?"

Kikilabutan sana ako sa pagdampi ng hininga niya sa tainga ko kung hindi lang dahil sa tanong niya. Agad nawala sa isip ko ang pananamantala niya sa akin.

"Ilibre mo muna ako sa canteen."

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Dead-hungry."

Napakunot ang noo ko. "Dead-hungry?"

Binitiwan niya ako. "Patay-gutom."

Bigla akong napabulanghit ng tawa. Iyon pala 'yon, ang slow ko. "Ang galing ng joke mo!" Napahampas pa ako sa braso niya.

"I 'm not joking. I 'm insulting you."

Nahinto ako sa paghalakhak saka ako napatirik ng mata. "Whatever. Yayaman din naman ako, 'no. Atleast, hindi ako gumawa ng..." Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Tulad ng ginawa mo." Mas kahiya-hiya iyon.

Napabuga siya ng hangin. "What do you want to eat?"

Ang bilis magbago ng isip. Kailangan pang takutin.

Pumunta agad kami ng canteen at tinuro ko ang mga nasa tray na gustong-gusto kong kainin dahil sa sobrang sarap pero once per sem ko lang makain dahil sa mahal na presyo ng mga iyon. At heto na nga sa wakas, literal na nasa dulo na ng dila ko. Kilig na napapikit ako pagkasubo ng salad. Ang sarap talaga.

"Where's the video?"

Napadilat ako bigla. Ano ba? Panira ng moment. Paulit-ulit na lang siya ng sinasabi. "Hindi pa ako tapos kumain. Mag-hentai ka nga muna," aniko na puno pa ng laman ang bibig.

"Disgusting."

Inirapan ko na lang siya. Ikaw ba naman minsan lang makakain ng masarap. Hindi mo mapipigilang sumubo nang sumubo kung bihira lang ang pagkakataong ito.

"Ano nga palang pangalan mo?" out of the blue na tanong ko sa pagitan ng pagkain.

Humalukipkip siya. "Why're you asking?"

"Masama bang magtanong?"

"Are we gonna meet again?"

"Schoolmate tayo, 'di ba?"

"Will we have business relation in the future?"

"Bakit ba binabalik mo ang tanong?"

Ipinilig niya ang ulo niya. "Hmm. We could have a kind of relation," malayong tugon niya mula sa sinabi ko.

Natigilan ako sa pagkain. Relation? What kind of relation? Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "Ulul." As if naman magkakaroon kami ng klase ng relasyon na tulad ng iniisip niya.

Tumawa siya at mabilis din siyang naging kaswal. "I'm Spencer Olano."

"Okay. Now I know. Mata-tag na kita sa porn site." Bintiwan ko ang kubyertos saka exagerated na napa-hand gesture. "'Spencer Olano, the Hot and Handsome Guy Masturbating on the Jeepney'. Ang ganda ng title. Mapupukaw agad ang pansin ng mga porn addict. Naku! Sisikat ka. Yayaman naman ako."

"Enough, or I 'll kiss you... again." Dumukwang siya sa akin.

Kinabahan naman ako. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin. "S-subukan mo." Nilabas ko ang phone ko. "Ia-upload ko ang video mo. Isang pindot lang 'to. Sikat ka na."

Nanahimik naman na siya pero nakikita ko ang pagtatagis ng panga niya.

Napahalakhak ako sa loob-loob ko. Natakot naman siya, wala naman akong internet ngayon.

Matapos kong kumain ay sumibat agad ako ng cafeteria. Siya naman ay hinabol ako.

Dumiretso ako ng ladies' room at hindi niya ako pwedeng mapasok doon. Ano siya sinusuwerte... agad? Pagti-tripan ko pa muna siya... At peperahan.

ExhibitionWhere stories live. Discover now