26th: I Want You

3.6K 58 16
                                    

26th: I Want You

NAGISING na lang akong nasa kuwarto na pala ni Michael. Ang huling natatandaan ko bago ako mawalan ng malay dahil sa natamo kong pukpok ng walis sa ulo ay inihiga niya ako sa sofa at ginamot ang mga galos ko. Marahil ay inilipat niya ako rito para mas makapagpahinga ako nang mabuti.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahilata sa kama, wala ng saplot ang pang-itaas na katawan ko. Pisil-pisil ni Michael ang dibdib ko habang salitang sinisipsip ang mga utong ko.

Agad na nagising ang kamalayan ko at mabilis na binalot ng init ang katawan ko dahil sa ginagawa niya.

"Uhh... Michael..." daing ko, halos kinakapos ng hininga habang pinanonood ko siya.

Ungol lang din ang tinugon niya saka bumaba ang mga halik niya hanggang tuluyang tumbukin niya ang sunod na pakay niya.

Hinubad niya ang pang-ibabang suot ko at ibinuka ang mga hita ko.

Saksi ko kung paano siya namangha sa nasilayan at tila ayaw na niyang magpatumpik pa.

Pero bago dumampi ang sabik na bibig niya sa pagkababae ko ay pinigil ko ang pagbaba ng ulo niya.

Isinara ko ang mga binti ko. Hindi ko alam kung ano'ng sumagi sa isip ko at hindi ko siya pinatuloy sa pagpapaligaya sa akin. Oo nga 't unang beses naming dalawa at hindi pa ganoon katagal ang relasyon namin upang gawin namin ang bagay na ito pero naranasan ko na rin ito kay Spencer kaya hindi na ako dapat manibago. At saka, boyfriend ko naman si Michael, kumpyansa na akong siya ang makakatuluyan ko dahilan para hindi na ako dapat mag-alangang isuko ang puri ko.

Umupo ako at tinakluban ko ng kumot ang katawan ko.

"Sorry," sabay na usal namin pareho. Hindi makatingin ng diretso sa isa 't-isa.

"Sorry, pinigilan kita."

Napahimas siya sa batok. "Hindi. Ako ang dapat na mag-sorry. Masyado pang maaga para gawin natin 'to."

"Oo nga. Sa gabi na lang." Hindi ko naiwasang magbiro.

Matabang na natawa siya. Umisod siya sa tabi ko at niyakap ako. Hinalikan niya ang tainga ko at bumulong. "I love you."

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Ninamnam ko ang init ng pagkakayapos niya sa akin. Damang-dama ko kung gaano niya ako kamahal. "I love you, too."

Ilang saglit lang ay kumalas na siya sa akin saka siya tumayo. "Magbihis ka na. Kakain na tayo," bilin niya bago siya lumabas ng kuwarto.

Sinuot ko na ang mga damit ko at nag-ayos ng kaunti saka lumiban na rin ng silid.

Madali kong nahanap ang dining area kung saan naabutan ko roon si Michael na nakaupo. Naroon din ang mommy niyang naghahanda sa mesa. Tahimik lang ang dalawa at walang nagkikibuan.

"Hello po, ma'am," nahihiyang bati ko sa ginang.

Magiliw na ngumiti ito. "Good morning, hija. Hali ka na rito 't kumain."

Hindi na ako tumanggi 't nagpaunlak agad.

Si Michael naman ay pinaupo ako sa tabi niya.

"Pasensya ka na, hija, sa nagawa ko kanina, ha," sinserong paghingi ng tawad ng ginang habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa. "Ang sakit pa naman n'ung mga ginawa ko. Nagkasugat ka tuloy."

"Wala po 'yon," ani ko. Kung ako nga naman ang nasa posisyon niya, magugulat din ako kung may makita akong estranghero sa sarili kong pamamahay at iisipin kong pakay nitong magnakaw.

"Simula ngayon dito na siya titira," singit ni Michael, may bakas nang lamig sa boses niya habang kumukuha ng sinangag na kanin. "Kaya 'wag kang magtaka kung makikita mo siya sa bahay na 'to lagi."

ExhibitionWhere stories live. Discover now