33rd: Pagsuko

3.9K 60 15
                                    

33rd: Pagsuko

HINDI ko namalayang pangko na ako ni Spencer at dinadala sa kung saan habang patuloy na hinahagkan ang isa't-isa. Oo, mabilis na sumuko ang katawan ko. Hindi makawala sa pagkakabihag dulot ng kanyang kamunduhan. Umuungot makamit ang kalayaang hindi batid ang kahihinatnan.

Naramdaman ko na lang ang likod ko na lumapag sa malambot na kama samantalang siya ay pumatong sa akin.

Hindi siya nag-atubili sa mga sumunod niyang kilos. Tinuklas niya ang hiwaga sa loob ng aking kasuotan. Nilakbay ng bibig niya ang katawan ko pababa. Umabot sa iba't-ibang sulok ko ang mga kamay niya. Nakarating sa bawat bahagi ko ang dila niya. Mapangahas ang mga kilos niyang nagpapawala sa aking sarili. Niligaw ang landas ko't napadpad sa kawalan, nagpapahibang sa aking kamalayan na nagdudulot sa aking umabot sa mga tugatog ng sukdulan.

Nanginginig ang katawan ko matapos matagumpay si Spencer sa pagkamkam sa pag-aari ko.

Umibabaw siyang muli sa akin, tinitigan ako sa mata at ikulong ng dalawang kamay ang mukha ko. "Did you like that?"

Hindi ako sumagot at napaiwas ako ng tingin.

Bahagya siyang tumawa at ipinaling ang mukha ko katapat muli sa kanya at agad na ginawaran niya ako ng mainit na halik kasabay ng dila niyang mapusok na gumalugad sa bibig ko't nakipagsagupaan sa dila ko.

Naramdaman ko na lang na hinahagod niya pababa-taas ang ulo ng pagkalalaki niya sa hiwa ko. Hindi pa nakakahuma ang katawan ko sa sarap na dulot ng paglasap niya sa pagkababae ko't pumipiksi-piksi pa ako. Wala na akong pakialam sa kung ano pang pagpapakagilas niya. Nababaliw na ako sa pinaggagagawa niya.

Mayamaya ay napatili na lang ako't napaigik sa naramdaman kong hapdi sa loob ko nang pumasok na siya. Tila may napunit.

"Ang sakit!" daing ko. Ang sikip ng pakiramdam sa pagitan ko gayong hindi ko tiyak kung iyon na ba ang buong ari ni Spencer. Mas masakit ito sa una noong ang daliri niya ang pinasok niya.

"Sshhh... Relax," paos ang boses niyang pagpapakalma sa akin saka niya pinupog ng mga halik ang mukha ko. "This will be alright." Hinaplos niya ang dibdib ko at nilapirot ang nipples ko.

Nagsabay ang sensasyon sa dibdib ko't kirot sa pagitan ko. Ngunit nakatulong ang paglalaro niya sa ibabaw ko upang mawala ang atensyon ko sa sakit.

Mayamaya ay dahan-dahan siyang umulos. May maipapasok pa pala siya. Ganoon pa rin ang sakit pero hindi naman nadagdagan. Kahit paano'y naibsan ang unang hapdi. Kalaunan ay naglalabas-pasok na siya't lumalalim na ang mga galaw niya.

Unti-unti nang nawawala ang sakit at napapalitan na iyon ng sarap. Ang ungol na dahilan ng hapdi ay nagiging halinghing na ng hindi inaasahang sensasyon. Pagkuwan ay bumibilis ang galaw niya. Napapasigaw na ako sa luwalhati. Hindi na matahimik ang bibig kong umaalingawngaw sa buong silid.

Hanggang sa ang masikip na kalooban ko ay lalong kumikipot, kumikislot gayong patuloy na tinatanggap ang pumapasok. Naghantong sa aking mahaling at magpalipad ng ulirat ko sa alapaap kasabay ng mahabang hiyaw.

"Aaahhh-!!!"

Sunod na napasinghal si Spencer saka nanginig ang katawan matapos ng mabibilis na maririing pagbaon sa akin. Hinihingal na nalupapay siya sa ibabaw ko.

"Shit, Ami, you're so hot! That's so fucking amazing."

Tila saka lang ako bumalik sa huwisyo. Nahimasmasan sa katatapos lang na kagagahan ko. Ano ba 'tong ginawa ko?

Tinulak ko si Spencer paalis sa ibabaw ko at tumayo ako upang hagilapin ang mga damit ko. Hindi na ako nag-abalang takpan ang katawan ko. Nakita na niya lahat. Nahawakan na niya lahat.

"Hey!" untag ni Spencer.

"Bakit ba 'ko nagpadala sa yo? Ang tanga ko."

Hindi siya umimik.

Nang makuha ko na ang lahat ng uniporme ko't panloob ay tumungo ako palabas ng pinto.

"Sorry... L-let's act it didn't happen."

Napahinto ako. Napailing-iling ako saka sarkastikong napatawa. "Wow, ha. Napakadali naman para sa 'yo. Libog ka lang siguro kaya ginawa mo 'kong parausan ngayong gabi."

"No. Let me explain," hiling niya.

Hinarap ko siya. "Ano'ng explaination mo, ha?!" Nagtatagis na ang ngipin ko dahil sa panggagalaiti.

Tumayo siya mula sa kama. "Ahm... Ami... I'm... Ah..."

"Anong klaseng explaination 'yan?! Hindi ko naintindihan!" Nabuo ang luha sa mga mata ko.

Bumuntong-hininga siya't napayuko. "Wear you clothes now. But, please... stay."

Mabilis na umalis ako ng kuwarto habang nagbibihis. Bago pa ako tuluyang makalabas ng unit ay hinagip niya ang braso ko.

"I dont know what to explain, Ami. But it's not what you think. Please, stay. I need your help."

Piniglas ko ang braso ko upang mabitiwan niya ako.

Matagal akong nag-isip. Napakakaswal naman niya matapos magpainit. Akala ba niya ganoon din ako mag-isip? Kunsabagay, ano bang gusto kong mangyari pagkatapos? Dapat talaga hindi ito nangyari. Pero tapos na. Hindi mababago ang tapos nang nangyari.

Napilitan akong manatili dahil binayaran niya naman ako. Gusto ko mang isauli ang pera niya ay kailangan ko pa rin 'yun.

Magdamag kaming walang kibuan. Buti at kakamadaling-araw pa lang ay natapos ko na ang mga requirements niya. Ang mga natira ay kaya na niya. Hindi na ako nagpaalam nang lumisan ako sa condo niya.

MAINGAT ang bawat galaw ko pagpasok ng bahay para hindi makalikha ng ingay. Ilang oras na lang bago mag-umaga at ngayon lang ako nakauwi.

Patingkayad akong tumungo ng kuwarto at dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagkasara ko niyon ay napapitlag ako sa biglang nagsalita.

"Saan ka nanggaling?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan. Hindi ako makasagot. Nangamba ako sa hilatsa ng mukha niya. Hindi lang silid ang madilim, mas madilim pa ang mukha niya. Nakaupo siya sa kama at diretsong nakatingin sa akin-matalim ang mga mata. Nahihirapan tuloy akong mag-isip ng idadahilan ko.

"Pumunta ako sa restaurant at ang sabi ng katrabaho mo, hindi ka raw pumasok dahil naka-leave ka pa."

"Gumawa kami ng report," sa wakas ay nairason ko. Kahit paano ay totoo naman. Para sa ibang tao nga lang.

"Ang sabi mo sa 'kin, papasok ka sa trabaho," panunukol niya.

"Pumasok naman ako, eh. Saka ko lang nalaman na naka-leave pa rin ako," pagsisinungaling ko na ang totoo ay dumiretso agad ako sa condo unit ni Spencer matapos ng huling klase ko. At ang sumunod ng umpisang iyon ay hindi maaaring malaman ni Michael ang kahit na anong katiting na detalye niyon. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Sino'ng kasama mo?"

"'Yung kasama ko sa report."

"Sino?"

"Bakit ang dami mong tanong?" balik-tanong ko sa kanya. Bakit ba siya umaaktong imbestigador ngayon?

"Bakit paiba-iba ka ng sinasabi?"

Natameme ako.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko," demand niya.

"Si Harold 'yung kasama ko kanina."

"Si Harold?!" bulyaw niya. "Hanggang ganitong oras kasama mo ang lalaking 'yon? Mas madalas pa yata kayong magkasama, ah."

Napabuga ako ng hangin. "Ano bang pinagpuputok ng butsi mo?!" Tumaas na rin ang boses ko.

Napatayo na siya't lumapit sa akin. "Ang pinagpuputok ng butsi ko ay hindi ka pwedeng maglalalapit sa ibang lalaki!"

Inis na napasuklay ako sa buhok ko sabay talikod palayo sa kanya.

"Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos makipag-usap sa 'yo!"

"Saka na tayo mag-usap kapag hindi na mainit ang ulo mo. Sa sala na lang ako matutulog." Sinara ko ang pinto at hindi sinasadyang pabagsak kong ipininid iyon dahilan upang maingay na kumalabog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ExhibitionWhere stories live. Discover now