31st

1.7K 30 1
                                    

31st

MULA sa pagkakahilata ko sa kama habang nakatutok ako sa cellphone ay napabangon ako pagkapasok ni Michael sa kuwarto. Agad na sinalubong ko siya ng yakap.

Kahit huli akong umalis ng bahay ay ako ang naunang nakauwi. Late nang dumating si Michael dahil sa dami ng activities niya ngayon sa school.

Niyapos ko siya ng mahigpit at agad din naman niyang pinaikot ang mga bisig sa akin.

Tinapat ko ang mukha ko sa kanya. "Kumusta?"

"Okay naman ako."

Naginhawaan ako sa narinig. Nakikita ko nga sa hitsura nya na hindi na mainit ang ulo niya hindi gaya kanina nang masilayan niya si Hina. Nang nahatid ko ito sa clinic ay agad kong binalikan si Michael para sabay kaming mag-lunch. Nakabusangot pa rin ang mukha. Wala naman siyang sinasabi at 'yun na nga ang nakaka-bother. Literal na wala siyang sinasabi. Hindi niya ako kinakausap. Kahit noong nagpaalam siya bago ako maunang umuwi ay wala pa rin siya sa mood.

Tila may epekto pa rin sa kanya ang ex niya. Hindi ko alam kung may feelings pa siya rito o bitter lang siya. Hindi maganda ang naging closure nila dahil na-two time na nga siya, na-ghosting pa. Tila double meaning pa ang pagkakasabi niya rito na kung hindi ba ito nasasaktan sa ginagawa nito. Siya ang nasasaktan dito o ito ang nasasaktan kay Spencer?

Parang may concern pa rin siya rito. Nadomina lang ng galit nang marinig mula sa bibig ni Hina ang dahilan ng paghihiwalay nila. Alam kong hindi pa ganoon katagal noong huling naging sila kaya uunawain ko kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya rito. Marami pang time mag-move on.

"Kumain ka na?" tanong ko ulit.

"Oo. Kumain na 'ko sa school." Kumunot ang noo niya at ipinilig ang ulo. "Kanina lang tayo nagkita bago ka umuwi, ang lambing mo yata ngayon?"

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Iniyuko ko ang ulo niya nang lalong mapalapit ang mukha ko sa kanya. Ngumisi ako. "Ayaw mo ba?"

Tila bumigat ang paghinga niya.Bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Gusto," hingal na anas niya.

Dinampi ko ang labi ko sa bibig niya. Sa gagawin kong ito, titiyakin kong mapapawi ang mga hindi kanais-nais na damdamin sa kalooban niya. Ipaparamdam kong hindi siya nag-iisa. Ako ang magbibigay ng pagmamahal na hindi niya naramdaman mula sa mga magulang niya at dating kasintahan.

Iminwestra ko siya pahiga sa kama nang hindi napapatid ang paghahalikan namin. Umibabaw ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niyang inilapat ko sa magkabilang gilid ng ulo niya. Ipinaghinang ko ang mga daliri namin. Masuyo, matamis, at puno ng pagmamahal. Sana magdulot itong makalimot ng mga pinagdaanang pasakit.

Hindi ako sigurado sa mga susunod kong gagawin. Patuloy lang naming hinahagkan ang isa't-isa. Pero hindi man lang siya kumawala sa paghawak ko sa kanya para man lang  haplus-haplusin ako. Ano ba, Michael?! Gahasain mo 'ko!!!! Ano? Ako gagalaw?

Nang hindi ako makapagtimpi. Nilakasan ko ang loob ko. Ako na nga lang ang bahala!

Tinanggal ko sa pagkakabutones ang uniporme niya. Hinaplos ko ang dibdib niya patungo sa tiyan niya habang kinikintalan ng halik ang pisngi niya, mabibilis at maliliit na halik sa magkabilaan. Hanggang sa lalong pagkasabik ko, ang mga halik na iyon ay naging masibasib. Pababa sa kanyang panga, leeg at bahagyang nagtagal sa adam's apple niya.

Lalong naging marahas ang mga paghinga ni Michael.

Sunod na binagtas ng aking bibig ang utong niya. Halinhinang nilalasap, pinanggigilan.

Nag-init lalo ang katawan ko nang marinig ko ang ungol niya. Ang sarap sa pandinig lalo't ang isiping ako ang dulot ng ligaya niya. Ganito ba ang nararamdaman niya kapag nasasaksihan niya kung paano ako mabaliw sa ginagawa niya? Puwes, kailangan kong gantihan iyon at tiyaking magsisisi siya kung bakit nagpakatanga siya kay Hina.

ExhibitionWhere stories live. Discover now