25th: Price Your Lust

3.1K 40 2
                                    

25th: Price Your Lust

"SALAZAR?" nagtatakang sambit ni Olano pagkakita sa akin. Tumambad ang katawan niyang tanging boxer lang ang suot pagkabukas niya ng pinto.

Parang may mapapatid na ugat sa leeg ko dahil sa lumukob na silakbo sa loob ko. Marahas na napahinga ako. Kasama ni Ami ngayon si Olano sa condo unit na ito? Na ganoon ang hitsura ng lalaki? Sinasabi ko na nga ba, may kalokohang nagaganap.

Tinabig ko si Olano at walang paalam na pumasok ako sa unit. Napahinto ako pagkakita kay Ami na nag-aayos ng mesa.

"Ami!" nagtatagis ang mga ngipin kong tinawag ang pangalan niya. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya.

Gulantang na napalingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata. "Michael!"

Gigil na sinaklit ko ang braso niya pagkalapit ko sa kanya. "Bakit ka nandito?"

Napalunok siya. Parang nahintakutan nang makita ako.

Nang nainip ako sa paghihintay ng sagot niya ay napabulyaw ako. "Ano 'ng ginagawa mo rito?!"

Umiwas siya ng tingin at napayuko siya. "N-nakikitira ako r-rito. P-pinalayas kasi ako sa amin."

Napahilot ako sa sentido at pilit kinalma ang sarili ko. "Dapat sinabi mo na sa akin noong una. Eh, 'di sana roon na lang kita pinatira sa bahay."

Umiling siya. "H-hindi na. Paalis na rin naman ako sa bahay na 'to. Ayokong maging abala sa 'yo."

"Ayaw mong maging abala sa akin pero kay Olano nang-aabala ka?"

Hindi siya kumibo.

"Ano ba talaga'ng meron sa inyo ni Olano?! May nangyayari ba sa inyo habang nandito ka?"

Napaangat siya ng tingin at lumarawan ang hinanakit sa mga mata niya. "Pinagdududahan mo ba ako?"

"Oo! Dahil imposibleng may makasamang babae 'yang si Olano nang walang nangyayari!"

Padarag na binawi niya ang braso niya. "Oo na! Aamin na ako! Natatandaan mo ba 'ng sinabi ko na may utang ako sa kanya? Hanggang ngayon hindi ko pa 'yon nababayaran kaya nagkatulong ako sa kanya para makabayad ako. Hindi ko masabi sa 'yo dahil ayokong maging abala sa 'yo, ayokong mag-alala ka."

Natahimik ako, umusbong ang awa sa damdamin ko. Ang sama kong boyfriend. Pinagbibintangan ko agad siya nang hindi hinihingi ang paliwanag niya samantalang hindi na pala maayos ang kalagayan niya.

Hinila ko siya palabas ng condo. "Doon ka na sa bahay tumira."

Napahinto ako nang hindi na nagpatianod si Ami sa paghila ko sa kanya. Paglingon ko ay hawak pala siya ni Olano sa kabilang braso.

"'Please, don 't leave yet."

Inalis ko ang kamay niya kay Ami. "Bitiwan mo siya! Wala kang karapatan sa girlfriend ko."

"Salazar..."

Ipinuwesto ko si Ami sa likod ko at mapanghamong hinarap ang gago. "Magkano ba ang utang ni Ami? Ako na ang magbabayad."

Umiling siya. "N-no need."

"Sabihin mo! Presyuhan mo 'yang kalibugan mo sa girlfriend ko! Babayaran kita, para wala nang obligasyon sa 'yo si Ami."

Mapait na ngumisi siya. "How much can you pay? You think, you can pay more than I could?"

Tinulak ko siya at inambaang susuntukin. Ang yabang ng tarantandong 'to. Oo, hindi ako kasing yaman ng pamilya ni Olano pero sa tingin niya ba sa pera makukuha si Ami?

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon