Changgala, ngayon ko lang nakita 'yong mga ganito kong side.

Pero wala narin namang kaso, ano? Mag-asawa naman na kami ni Zander at ramdam ko, 'yong totoo niyang nararamdaman para sa akin.

Napa pitlag ako nang niyakap ako ni Zander mula sa likod at inilagay niya ang ulo niya sa may bandang leeg ko.

Naramdaman kong inaamoy niya ako kaya napangiti ako at tumingin siya sa salamin. Kumunot ang noo ko nang bumuntong hininga siya at pumikit nang mariin nang ibalik niya ang sarili niya sa leegan ko.

"You're so beautiful. Parang ayoko nang ituloy ito." Natatawa kong hinampas siya. Enebe.

"Magtigil ka nga, naka ayos na ako oh!" Iyong dress na suot ko ay isang tube dress na black. May pocket ito sa loob na dalawa, lagayan ng baril. Pero dahil kailangan ko pang i-angat ang laylayan ng dress ko para makuha 'yong baril, nagsuot ako cycling.

Meron din akong lagayan ng baril sa braso, magkabilang braso. Kasi itong asawa ko, hindi naman daw papayag ng naka tube akong lalabas doon ano? Kaya nakahanda na 'yong suit niya riyan para pangtakip sa mga braso ko mamaya.

"Lets go, hubby," Malumanay kong sabi dahil nakikita kong tinatamad na siya.

Inangat niya ang ulo niya ngunit agad ding binalik at isiniksik muli sa leegan ko.

"Wag na tayo tumuloy, Wifey..." Himbis na mainis ako o ano, napangiti ako sa inaakto niya.

Parang hindi si Zander na masungit itong nasa tabi ko ngayon...

"Tara na hubby! Sayang outfit ko, ang mahal pa naman nito..." Alam niyo ba na itong dress ay one hundred thousand? Tapos 'yong heels hindi ko alam pero mukhang mamahalin din.

Jusmeyo. Kung ako lang, hindi ako bibili ng mga ganitong bagay.

Plus may accesories pa! Ayoko nang alamin 'yong presyo, nawiwindang ako. Anak ng pitongput puting tupa nalang.

Ilang segundo lang din ay tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. "Lets go," aniya.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto hanggang sa pagbaba. Nahihiya nga ako kaya sinubukan kong bumitaw sa kamay niya kaso, kumunot ang noo niya plus ang sama kaagad ng tingin. Huhuhu.

"Whoa. Ang hot ni Miss Athena," saad ni Joshua.

"Si Miss Athena ba 'yan o Rosegun?" Si Andrew na nahinto sa pagsubo ng chips niya.

*Wit Wiw* "Hi Miss Athena! Ang ganda mo naman!" Si Gray at kaagad na sumang-ayon sa kaniya si Jackson.

"Oh, Dan bakit tahimik ka? Napipe kana ba sa ganda ni Ma'am Athena?" Si Jackson habang nakangisi. Umiling si Dan sa kanilang lahat.

"Tsk. Tsk. Kasi nakikita ko si Bossing na masama ang tingin sa inyo habang may hawak na baril sa kamay."

Bago pa sila makalingon kay Zander na nasa tabi ko ay isang sigaw na ang nagpa talon sa kanila.

"RUN ASSHOLES! OR I WILL KILL YOU RIGHT NOW!" Isang putok ng baril ay nagsipag takbuhan at taguan na ang mga tauhan ni Zander.

"Tangina niyo, takbo! Bili- ano ba yan Joshua! Madadapa ka pang gago ka!" Narinig ko pang sigaw ni Jackson. Natatawa nalang akong napapailing sa kanila.

"Why are laughing?" Nilingon ko si Zander na may nakakunot na noo sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Why? Masama ba?" Agad na nagbago ang ekspresyon niya.

"Ofcourse not. How i love to hear your laugh," saad niya at hinalikan ako sa noo.

Sus! Bola!

Lumabas na kami ni Zander ng bahay at nakahanda na sa harap ang kotse niya. Nagtaka ako ng ibang kotse ang nasa harap ko ngayon.

Mask Off, Rosegun.Where stories live. Discover now