🔹31 : Demon's Attack🔹

440 20 29
                                    


Harper's POV

Lumapag ang mga paa ko mula sa ere. Nanghihina ng bahagya ang katawan ko dahil sa pwersa na kanina ay humigop sa'min. Iniluwa kami ng portal sa tapat mismo ng Academy ng Madelaide.

Nanguna si Brion at Gunner sa unahan nang bigla nalang sumulpit si Reev at ang iilan na kasama nito na nakasuot ng kulay itim.

"What do you want this time, Reev Marcus?" Tanong ni Gunner sa malamig na tono.

Ngumisi siya at sumilip sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko naman ma lumapit sa'kin sina Imogen.

I'm just so thankful na hindi nila ako pinapabayaan kahit sa mga ganitong sitwasyon.

Lutang pa rin ang isip simula nang iwan namin ang kambal na mag isang lumalaban. Alam ko at may tiwala akong kaya nilang dalawa iyon dahil parehas silang malakas pero nakakapag alala pa rin dahil may mga bagay pa rin na hindi mo masasabi na pwedeng mangyari.

"Funny how clueless you are right now. Hindi niyo alam na ang taong pinoprotektahan niyo ay siyang nakatakdang tumapos sa nilalang na halos alayan ninyo ng buhay." sabi Reev nang hindi inaalis ang tingin sa'kin.

Hindi nagpatinag sina Brion. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa na parang nang iinsulto.

"We're not as slow as you think. We're not as stupid as you are." Huminto si Brion at bumaling sa katabing si Gunner, "We still have Gunner Hendrix here. Everyone in our society knows his ability and capability plus we have the twins. Gunner maybe more than enough but we have the two of the remaining purebloods. Think before you speak dumb*ss."

Dahil sa sinabing iyon ni Brion ay hindi nakapagpigil na umatake si Reev. Leaving him in his own trap dahil mas mabilis si Brion kung pagkukumparahin sila.

Hawak hawak ni Brion ang kamay nito sa likod na nakapulupot habang ang braso niya ay nakapulupot naman sa leeg ni Reev.

Nanlilisik at at nanggangalit ang mga pangil ni Reev sa galit.

"Now let me rephrase it. Think before you attack." Brion said and push him on the ground with a loud thud.

Kahit saan ko tingnan ay hindi talaga uubra si Reev sa kahit sino kay Brion at Gunner knowing the background of him na isa lang naman sa turn vampires na gumagala gala sa paligid. He holds no power.

Sunod sunod ng umatake ang mga kasama niya. Nagkalay sina Kira sa buong lugar habang ako ay ginagawa din ang makakaya para makatulong na labanan ang kaaway.

"Imogen, harangan mo ang entrance at buong harapan ng building A. Make sure na walang makakapasok na kahit isa sa kanila!" Gunner yelled.

Walang pagdadalawang isip na sumunod si Imogen. Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere at gumalaq ito na para bang may hinuhulma sa kawalan. Maya maya lamang ay nabalot ng mga itim na ugat ang entrance at buong pader ng building. Maitim na umuusok at mukhang mapanganib.

"Stay focus, Mackenzie!" Rinig kong sigaw ni Harlow kasabay ng pag atake sa'kin ng isang bampira na hindi ko napaghandaan.

Napakagat ako sa aking labi sa pagkaskas ng likod ko sa lupa dahil sa pwersa ng bampirang nakadagan sa'kin. Punit ang damit ko sa likuran. Ramdam na ramdam ko sa balat ko ang sariwang dugo doon na lalo lang nagpasama ng sitwasyon.

"Get her now!" I heard Gunner's voice at kasunod 'nun ang ay paggaan ng pakiramdam ko na para bang wala ng nakadagan sa'kin at ang pag angat ng katawan ko sa ere.

"Are you trying to kill yourself?!" Rinig kong sermon sa'kin ni Harlow.

Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko.

Nakaramdam ako ng matigas sa likod na hula ko ay pader. Nakaupo ako doon habang naririnig ko ang pagpapalitan ng sigawan nina Brion. Nakapikit ako pero rinig ko rin ang bawat salita ni Harlow at Imogen sa harapan ko habang dinidispatsa ang mga bampirang gustong lumapit sa kinatatayuan ko.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Luminga linga ako sa gilid ko at nakita ko si Reev na papalapit sa'kin. Nanlalabo man ang paningin ko pero sigurado akong siya iyon.

Ibinuka ko ang bibig ko pero walang salitang lumalabas. Tanging ang nakatalikod lang na Imogen at Harlow ang nakikita. Gustuhin ko man humingi ng tulong pero walang nalabas na boses sa bibig ko.

Imbis na makatulong ako ay mas lumala pa ang sitwasyon namin dahil sa amoy ng dugo ko.

Palapit ng palapit ang nakangising mukha ni Reev sa'kin. Pinilit kong tumayo para makaalis sa kinauupuan ko pero sobra ang tama sa aking likuran na sa sobrang sakit ay nanghihina ang buong katawan ko.

"No one will protect you this time, Harper." Reev said.

Sinubukan kong pumiglas nang buhatin niya 'ko pero kulang ang lakas ko. Lalong humapdi ang likod ko nang dumikit doon ang tela ng suot niyang jacket doon.

Kitang kita ko sa malabo kong paningin ang nanlilisik niyang mga matang nakatitig sa'kin.

"Some are meant to cover up with lies so they will live." Reev said. Hindi ko siya pinansin.

"And that's what I'm going to do."

"What?" I asked breathless. Barely breathing because of pain.

"Adam est Allistair. Et Allistair a tué votre mère." he said and I black out.

__

Try to read my new series book Aragon Brothers. It's now on my profile! Thank youuu.

For those who love vampire stories. Read also The Untold Story Of Vladimir's Grandsons ^^

Vampire SlayerWhere stories live. Discover now