🔹07 : Tiny Arrow Of Pain🔹

686 50 66
                                    

🔹🔹🔹

Harper's POV

Pagkatapos nung nangyari kanina sa gym, ngayon naman nag insist siyang sabay na kaming pumunta ng field para sa training. Hindi ako nakatanggi ng sabihin niya 'yon kanina dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang hiya.

Katatapos ko lang magpalit ng trainig suit. Paglabas ko palang ng locker room ay bumungad agad siya na nakasandal sa railings ng hallway. May kung anong pinagkakaabalahan siya sa phone na hawak niya. He's wearing a dark blue sweat pants and shirt.

Pumeke ako ng ubo para maagaw ang atensyon niya. He look at me for the first seconds and after ay naglakad na kami parehas.

Nakayuko ako habang sabay kami dahil hindi ko alam kung maa-awkward ako o makiki go with the flow nalang. Hindi ko lang talaga mapigilan kabahan kapag siya ang kasama o kaharap ko. Nawawala ang tapang ko sa sarili whenever he's around. Ang gusto ko lang naman talagang mangyari ay maging magkaibigan kami just like how Harlow and I treat each other. Natatameme ako kapag malapit na siya sa'kin.

"Are we.... are we friends?" alanganing tanong ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng hindi man lang siya sumagot o tumigil para tingnan ako. Ni hindi man lang niya ako nilingon para tingnan.

Hindi na ako ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa field. Nandoon na ang halos lahat ng mga kasama namin. Lumihis ako ng direksyon ng papalapit kami doon. Hinanap ko si Imogen at Harlow pero naalala kong wala nga pala sila ngayon dahil sa mahalagang bagay na ipinagpaalam nila. Hindi naman ako mausisang kaibigan as long as sinabihan nila ako, hindi ko na pipilitin na malaman kung anong dahilan. Invading someone's privacy isn't my thing.

Napairap agad ako ng matanaw ko sa harap ng pila si Reev na malawak ang ngisi sa'kin. Pasimple niyang tinuro si Adam na nasa kabilang linya lang. Pumwesto ako sa likuran ni Reev dahil wala naman akong choice kundi ang dumikit sa kanya ngayong wala ang dalawa kong kaibigan.

"Utang na loob, lubayan mo ko" inis na bulong ko sa kanya ng makalapit ako.

Humarap siya sa'kin ng hindi naalis ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya, "First, I didn't do anything wrong and last, wala akong utang na loob sa'yo"

Inambahan ko siya ng suntok pero tinawanan niya lang ako. Natigil lang siya sa pang aasar ng dumating ang instructor namin na may kasamang--

"Hot"

Rinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko. Tiningnan ko siya at halatang freshmen sila ng mga kasama niya at bagong pasok sa pagiging slayer.

"Why is everyone here look so fine including me?" I heard Reev's comment while staring at the new face infront of us.

"Excuse me? Including who?" I hissed.

Alam niyang gwapo at may ipagmamayabang siya kaya ang lakas ng loob niyang gumanyan lalo na kapag may kaharap siyang mga babae. Minsan ko nalang talaga siya makitang seryoso at kapag nasa misyon pa kami pero infairness naman kay Reev, wala pa akong nababalitaan na naging girlfriend niya sa school or outside.

Napatitig ako sa kanya at napaisip. Kinalabit ko siya at naniningkit ang mga mga tinitigan.

"What's with the look?" He raised his brow.

"Are you gay?" I bluntly asked.

Kitang kita ko ang gulat at pinaghalong inis sa mukha niya.

"What?! Who is the what?"

I lifted my hands in surrender and make a piece sign to him. Natawa pa ako ng umirap siya na parang babae.

"Attention slayers, we have your new instructor. ", Our superior gestured the man to proceed infront then continued his speech, "Starting today, he will be in charge to train you the difficult part of being a slayer. His name is Brion Schnieder, he had the best slayed records for the last 4 years. He is an outside recruit and second of our top slayers of all"

Everyone gasps in surprised when they hear that.

Tinanguan niya ang lalaki senyales para magsalita ito.

The guy roam his eyes on us, checking every member he was going to handle. I must admit that he emits the same aura like Adam. He look dark and cold outside. He has slanted eyes and his lips are thick. Hindi gaano katangusan ang maliit nitong ilong.

"Glad to finally meet you all. Just Brion, Bry or whatever you want to call me." Nagsimula itong maglakad papaikot sa'min na para bang mga tauhan niya talaga kami. "I only have this one rule that you need to follow"

Huminto siya kung sa mismong tapat ni Adam. Gumuhit ang ngisi sa mga labi niya nang magtama ang mga mata nila.

"Susundin niyo lahat ng gusto ko"

May kakaiba sa tinginan nilang dalawa na parang sila lang ang nakakaalam.

"I'll leave everything to him." umalis na ang superior namin.

Bumalik si Brion sa harap. Nanatili itong nakatalikod at halos lahat kami ay nagulat ng bigla nalang siyang bumato ng patalim sa kung saan.


"You should be always alert. Hindi niyo alam kung kailan aatake ang kalaban" kaswal na sabi niya.

Tiningnan ko ang tinamaan ng patalim. Namangha ako nang makita kong hawak iyon ni Adam sa posisyon kung paano niya ito nasalo.

"We know that already" Adam countered.

We saw how he throw the dagger back to Brion na agad namang nasalo ng daliri niya. Nakaipit ang mismong patalim sa pagitan ng dalawa niyang daliri.

"Magkakilala ba sila?" curious na bulong ko kay Reev.

Nagkibit balikat lang siya, "He already has eyes on Vander. Baka kasi alam niyang magaling"

Hindi ko nalang pinansin ang kakaiba sa kanilang dalawa.

Nawala ang focus ko sa mga sinasabi ni Brion ng may maaninag akong dalawang babaeng naglalakad palapit dito. Naningkit ang mata ko at nakilala ko si Imogen at Harlow na parang may hinahabol o hinahanap sa kawalan. Lumapit sa kanila si Brion at parang may pinag uusapan na seryoso. Kita ko ang pagsulyap ni Harlow sa mga nakapila. Nang hindi na ko makatiis ay naglakad ako palapit. Hindi ako mapalagay kapag nakikita kong ga'nun ang itsura niya dahil alam kong may problema. Hindi sila magpapaalam basta basta nalang dalawa kung hindi seryoso ang inasikaso nila.

Habang papalapit ako ay kita ko ang mukha ni Harlow na konti nalang ay babagsak na ang luha sa pisngi niya. Natigil ako nang may brasong sumangga sa'kin at pagkakita ko sa likuran ng taong 'yun ay nakilala ko agad.

Ang sumunod na nangyari ay hindi ko inexpect na makikita ko.

Kitang kita kung paano tinakbo ni Harlow ang kapirasong distansya sa pagitan nilang dalawa. How she embraced him na parang matagal silang hindi nagkita, na parang may ibig sabihin ang yakap na iyon.

Agad akong tumalikod pero ni hindi ko magawang maglakad pabalik. Naramdaman ko ang panginginig ng mga labi ko sa hindi malamang dahilan.

"Finally.." I heard her say.

Hindi ko na pansin ang bulungan ng mga tao sa paligid ko. Nang marinig ko iyon ay parang nagkaroon ako ng lakas para tumakbo palayo sa mga tao.

Finally? Finally what? Anong ibig sabihin ni Harlow doon?

May hindi ako nalalaman. Hindi ako pwedeng magkamali.

Rinig ko ang pagtawag ni Reev pero hindi ko siya nililingon.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit pakiramdam ko tinryador ako ng sarili kong kaibigan?

Strange isn't it?

Vampire SlayerWhere stories live. Discover now