🔹10 : A Piece Of Letter🔹

648 43 46
                                    


Harper's POV

Usap usapan ngayon sa Academy ang incoming Students night this month, para rin siyang prom pero ang kaibahan ay taon taon ginaganap sa lahat ng estudyante. Halos ang aanouncement na 'yon ang laman ng bulletin board. Hindi magkandaugaga ang mga babae ngayon dahil kanya kanya na silang plano ng mga isusuot nila.

"Mackenzie!" napalingon ako sa boses na tumawag sa'kin.

Awtomatikong napangiti ako ng makita ko si Harlow na tumatakbong palapit sa'kin. Hinintay ko siya hanggang sa magkasabay kaming maglakad.

Ayos na nga pala kaming dalawa. Hindi rin naman ako nakatiis na hindi siya kausapin. Nagsorry ako sa kanya at ipinaliwanag ang lahat. Simula noon ay lagi niya na akong tinutukso sa bagay na kami lang ang tanging nakakaalam.

Hindi naman basta basta masisira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa bagay na 'yon kaya ayokong masayang kung anong nabuo sa pagitan naming dalawa ni Harlow. Simula nang maging magkaibigan kami ay nagkaroon ng ibang kulay ang mundo ko. What I mean is, hindi lang puro training at dorm lang ako kapag free time. Ngayon ay nakakapamasyal na 'ko kasama sina Imogen at Harlow. Mabait naman si Imogen pero hindi lang ga'noon ka-showy ang babaeng 'yun at hindi siya ga'nun kadalas na sumama sa'min sa lakad pero kahit ga'nun ay hindi nagbabago ang samahan naming tatlo.

"Tapos na class mo?", tanong niya.

Tumango ako, "Nakakarindi mga sigawan sa loob kaya lumabas na agad ako"

Natawa siya, "Sinabi mo pa! Pati boys ay hindi matigil sa kakaplano kung paano yayayain ang mga gusto nilang makapartner"

Umawang ang labi ko ng maisip ko ang bagay na 'yon. Last year kasi ay kami lang ni Harlow ang magkasama. Nag enjoy naman ako pero gusto ko rin maranasan magkaroon ng date kahit ngayong taon lang. Gusto ko rin magkaroon ng first dance.

Napalingon ako sa kanya nang sagiin niya ang braso ko, "What?"

Gumuhit ang mga ngisi sa labi niya, "Dateless no more"

Kumunot ang noo ko, "Sino nagyaya sa'yo?"

Napaismid siya bigla at inirapan ako, "Medyo slow ka 'no? Basta! Bahala kana umintindi sa sinabi ko basta ako excited para sa'yo" tumaas baba ang kilay niya kasabay ng nakakalokong ngiti kaya lalo akong nagtaka.

Nagkibit balikat nalang ako, "Sige na. May klase pa ko. Paalam kaibigan. Hanggang sa muli" tamad kong paalam sa kanya ng hindi siya nililingon.

Rinig ko ang tawa niya bago siya sumagot, "Sige, paalam din"

Lumiko na 'ko sa may maiksing tulay na nagdudugtong sa dalawang building. Minsan sa laki ng school na 'to ay tinatamad na akong magpalipat lipat ng klase dahil sa paglalakad palang ay ubos na ang sampung minuto mo, isama mo pa ang hagdan lalo na ngayong under maintenance ang elevator sa building na 'to. Iniisip ko palang na aakyatin ko ang 5th floor nang nakaheels.

Huminto muna ko nang marating ko ang hagdanan para ilagay ang mga libro ko sa bag. Kung pwede lang talagang magpaa, ginawa ko na. Pero dahil may image akong iniingatan, sige tiis ganda para sa magandang dalagang tulad ko.

Nakakailang hakbang palang ako nang may marinig akong tawanan sa likod ko at tili ng isang babae. Halos tumirik ang mata ko sa pag irap ng makita ang isang lalake na pasan ang girlfriend niya paakyat sa hagdan.

Lord, may oras na ang bad mo sa'kin haaay.

Tinuloy ko nalang ang mahaba habang pag akyat. Paminsan minsan ay binabati ako ng mga nakakasalubong kong ibang year. Hindi naman ako suplada kagaya ni Imogen, kahit papaano ay namamansin ako at ngumingiti ako sa mga nakakasalubong ko na binabati ako. Mabait ako as long as mabait sila sa'kin. Wala akong problema 'dun.

Vampire SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon