🔹12 : Murderer's Mark🔹

570 46 39
                                    

🔹🔹🔹

Harper's POV

Adam dragged me right after the class ended so I asked him to take me somewhere instead. Hindi naman siya nagsalita buong byahe at tahimik lang din ako dahil wala naman siguro kaming pwede na pag usapan. Ni hindi niya rin naman binabanggit sa'kin ang tungkol sa students' night.

Hanggang sa makapasok kami sa gate ng cemetery kung saan dadalawin ko ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Napahinto ako sa paglakakad at napatingin sa kamay na pumigil sa'kin

Tipid ko siyang nginitian, "It's my Mom's death anniversary"

Marahan siyang tumango at sumunod na sa'kin sa paglalakad. Ito ang beses na dadalaw akong may kasama. Sanay kasi ako na kapag pupunta dito ay mag isa lang, naglalabas din kasi ako ng sama ng loob o kahit anong hinanakit na hindi ko masabi sa kahit na sino. In short, kinukwento ko kay Mama lahat ng nangyayari sa'kin na ako lang ang nakakaaalam pero ngayon parang malabo dahil nakakahiyang marinig ni Adam lahat ng hinaing ko sa buhay. Isasave ko nalang sa susunod na taon.

"Hello Ma, sorry wala akong flowers ngayon. Hayaan mo quota ka naman sa pagmamahal ko sa'yo" bungad ko sa puntod niya at bahagyang natawa.

Sinulyapan ko si Adam na tahimik na nakasandal sa puno na di kalayuan sa pwesto ko. Napangiti ako nang pulutin niya nahulog na bulaklak sa puno at parang batang tinitigan iyon sa malapitan. Inulit niya pa iyon ng ilang beses. Napapailing na ako sa itsura niya.

Mas lumapit ako sa puntod ni Mama. Kunwaring tinakpan ko ang bibig at saka bumulong sa kanya, "Ma, gwapo ng kasama ko, ano? Matinik 'tong unica ija mo. Hayaan mo, siya na ang magiging future son in law mo just trust your daughter, okay?" kumindat pa ako na parang kausap ko talaga siya.

Eksaktong pagsulyap ko ulit kay Adam ay ang lawak ng pagkakangiti niya sa hindi ko malamang dahilan. Nginitian ko nalang siya pabalik at kinausap na ng masinsinan ang puntod ng Mama ko.

Pagkatapos ng halos isang oras ay niyaya ko na si Adam na umalis. Akala ko ay uuwi na kami pero bigla siyang lumiko.

"This is not the way to Madelaide. Where are we going?" I asked, glancing outside the window.

It's almost dark outside at wala akong makita sa kalsada kundi mga nagtatasang puno sa gilid ng malawak ng kalsada. Sa Plaza pa ang mga shop kung doon kami pupunta ay siguradong gagabihin kami sa pag uwi.

"Relax. You're safe as long as you're with me" he casually said like we were friends for good days.

Hindi naman iyon ang iniisip ko. Alam ko namang safe ako at mukha namang hindi siya gagawa na ikakapahamak ko. What I am worried about is my Dad. Sigurado akong sa oras na 'to ay papunta na si Reev sa kwarto ko para i-check kung nan'doon ako para ireport sa Papa ko.

I understand my Dad about that matter. Pagkatapos ng nangyari kay mama ay hindi ko siya masisisi kung ga'noon nalang niya ako bantayan. I am an only daughter at ako nalang ang meron sa Papa ko.

And yes, speaking of the devil.

Inilabas ko mula sa bulsa ang phone kong ring ng ring. Sinulyapan ko sandali si Adam bago ko sagutin 'yon.

"Hey Miss, I just got off the girls'building. I just wanna kindly ask if where the hell are you? Why aren't you inside your messy dorm?" Nailayo ko ang phone sa tainga ko dahil sa bungad niyang sermon.

My eyes rolls heavenwards at the he called my dorm 'messy'.

"I'm outside, Mister. Just tell my Dad I'm fine and I'll be home before 10 or what. I'm safe and tell him I love him", dire diretso kong sabi sa kabilang linya.

Vampire SlayerWhere stories live. Discover now