Fourteen

27 1 0
                                    

"Ate Dee, I don't know what to do!"

"Bakit? Anong nangyayari sa'yo?"

Kasama ko ngayon si Ate Dee, ang nakakatanda kong pinsan. At 19, she's already a professional event organizer. Isa kasi sa mga business ng family nila yan.

"Ate, I like this guy, I almost love him more than friends! Pero alam kong mali kasi mahal niya girlfriend niya. But he's sending me twisted signals that he likes me and act as if he's my suitor... Help me."

"Hmm... You want to meet other guys? Kasi if you want to divert your attention from him, you have to (Tip #7:) Focus on someone else. Sometimes, the easiest way to get over someone is by getting under someone else. If you're having a really hard time distracting yourself from the one you love, try to divert your attention to someone else. It could be a rebound relationship or a bit of flirty banter for a few days. Sometimes, flirting with someone else is by far, the easiest and the most fun way to stop yourself from falling head over heels in love with a particular person. Try it."

"Paano? Saan ako pupunta? Paano ako makikipag flirt? Ihh! Ano ba yan?! Nafru-frustrate nako!"

"Ahahahaha. Don't worry, tomorrow may event akong inorganized, Speed Dating: Mating Your Way Out. Hahaha. Ano ba yan? Natatawa pa rin ako sa title na ginawa ko. Ano sama ka?"

"Ate no? Ang corny mo talaga kahit kelan! 'Mating your way out'?! HAHAHAHA! Pero sige pupunta ako. Sunduin mo ko no?"

"Syempre susunduin kita. Alam mo, para sa mga broken hearted at sa mga hopeless romantic ang event na yan. Tapos yung mga guys na makakausap mo dumaan sa screening. Sinala pa sila. That speed dating is high class. The guys are rich kids, at syempre para match pati yung girls na sasali sinala na rin namin. It's not the typical speed dating you know."

"Kung dumaan sa screening yung mga girls, bat ako hindi?"

"Duhh! Di pa ba obvious? Pinsan moko, at isa ako sa mga nagfifilter sa kanila. So... Di ka pa ba dumaan sa screening nyan? Hahahaha. Ginagamit din kasi ang utak mahal kong pinsan."

Speed Dating: Mating Your Way Out

Nasa event nako, and ang ganda nang place. Every girl may sariling couch na inuupuan. Tapos merong maliit na glass table and another couch in front of you para naman sa guy. Girls palang pinapasok sa loob, mamaya pa yung mga guys. Tama nga si ate Dee, mayayaman din yung mga babae. Pero parang may mga attitude problems yung iba. Konti lang naman, kaya okay lang.

Nasa kanya kanya kaming mga post. In fairness the place speaks out itself power, money, elegance, and sophisticated. Hmm, not bad.

"Girls, in fifteen minutes the guys will enter that door, okay?" sabay turo ni Ate Dee sa engrandeng double doors.

Yung iba nag cr para mag re-touch, yung iba naglabas lang ng mirror para i-check yung itsura nila, at ako? Eto nag lalaro sa phone ng Ichi, a mind game from the app store.

For today, I'm wearing a black peplum dress enhanced by my statement necklace and some accessories, paired with black stilletos. Kaya siguro ako tinitignan ng ibang babae, kasi yung mga suot nila colorful. May mga naka pastel colors. bold colors, yung iba monochrome, pero ako lang ang naka black. Really?

After fifteen minutes nag bukas na ang double doors, signaling the entrance of the bachelors.

"Okay guys, you get to choose who you want to date. Enjoy the day everyone!"

Honestly, natatakot ako, kinakabahan, nagwo-worry na baka walang lumapit sa akin na lalaki. Natatakot akong I'm not that attractive...

"Hi!"

First guy.

"Hey."

"I'm Sean Montemayor. 18. An Engineering student of UP Diliman. You are?"

He's a morenong chinito. Siguro mga nasa 5'6" ang height, at and katawan? Tama lang but it makes you wonder what's underneath that shirt.

"I'm Katie. 16." And ends it with a slightly timid smile

"Are you okay? Aalis na ba ako?" Hala!

"No, no no. I'm sorry. Na-offend ba kita?"

"Di naman. Para kasing may problema ka e. I can listen if you want to."

Siguro kailangan ko ding i-vent out tong mga to. He's a total stranger.

"Naranasan mo na ba yung magkaibigan kayo pero yung feeling mo may something kayo?"

Tumango tango siya. Maybe he's really a good listener, too dood di na nagsasalita. HAHAHAHAHA!

"He's really confusing the shit out of me! One time he's sweet like a lover then later acts as your brother, then clear out things na magkaibigan lang kayo, then sometimes he'll look straight into your eyes na parang may gusto siyang sabihin pero di niya sinasabi tas-- UGH!!" This makes me so furious! UGGGGGGH!!!

"Yea. That feeling sucks like hell."

. . .

"Uy, okay ka lang?"

Bakit? Umiiyak na kaya siya! My gad!

Sniff. Sniff.

"O-okay lang a-ako... Naalala ko lang kasi bestfriend ko. Akala ko kasi parehas kami ng nararamdaman... Ako lang pala."

"Anong nangyari?"

"Ayun. Nagtanong ako kung pwede ba akong manligaw kasi mahal na mahal ko siya... Di niya nga ako sinampal pero mas masakit pa rin mga salitang binitawan niya..."

"Sorry bro."

"No, okay lang. Sana ikaw, mahanap mo ang taong para sa'yo. Sige mauna na ako, may mga iba pang nakapilang gusto kang kausapin." Then he smiled at me and stood up to leave.

Ha? Nakapila?

. . .

OH MY GAD!!! ANG DAMING NAKAPILA!! SERIOUSLY?! PINIPILAHAN NILA AKO??!

"Hi."

Mahabang habang usapan ito.

. . .

Pagod nako. Ang dami nila! Sumasakit sentido ko!

Minamasahe ko ang sentido ko ng umupo na ang susunod sakanila...

"Hi Miss."

Wait! Boses ni-

"FRANK?!"

"KATIE? WOAAAH! ANONG GINAGAWA MO DITO??"

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"Isa sa mga nag organize ng event na 'to is yung Tita ko. Ewan ko ba dun bigla nalang akong hinila papunta dito. Ikaw? Bat ka nandito?"

"Yung pinsan ko yung main organizer ng event na to. Sinama niya lang din ako."

"Sino si Ate Dee?"

"Yup. Buti kilala mo?"

"Madalas sila sa bahay nila Tita ko e. Nag oorganize, brainstorming. Tapos ako, tambay sa bahay nila Tita kaya nakilala ko na rin sila.

Wait lang Katie, tutuloy mo pa bang kausapin tong mga nakapila dito?"

Kung alam mo lang Frank. Kung alam mo lang na ikaw dahilan bat ako nandito, bakit ko pinagtitiisang kausapin ang mga yan!

"Uhh... Oo e. Sayang naman effort nilang pumila. Mamaya nalang tayo mag usap Frank."

Lumapit siya sa akin at bumulong, "Wag mo nang ituloy. Wala diyan ang para sayo."

Pagkatapos nun ay umalis na siya.

Umupo na ang susunod, pero unfocused ako.

PAMBIHIRA! Ugh!!!

"Uhm, excuse me. Sorry ha? I don't want to be rude pero ayoko na. Sorry guys! Marami pang iba diyan, hanap nalang kayo ng ka-match niyo."

Great. Just great. Sa ilang oras ko dito, ni isang potential guy wala akong nakita. Great.

Avoiding The PlayerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora