Eight

26 1 0
                                    

Wala kaming prof ngayon kaya free cut kami ngayon. Ang susunod naming class ay mamaya pang 3:40. 1:30pm palang so nakatambay lang ako... I mean kami. Ni Frank..

"Uy! Katie! Magkano yung tuition fee?"

"Ha? Bakit? Uhm.. Di ako sure pero around P28k?"

Tumango tango lang siya,

"Ako na lang magbabayad ng tuition mo,

Ha??

pag-aralan mo lang akong mahalin. HAHAHAHA!"

("_ _)

Naku naman! Eto nanaman ang corny side niya!

Pero alam mo yung nakakainis? Yung ang sarap na maanghang yung sinabi niya.

Masrap kasi hinahangad niyang mahalin ko siya,

maanghang kasi in the end alam kong joke lang yun.

"HAHAHAHAHA! PAMBIHIRA! DI KA MAN LANG NATAWA?? HUY KATIE!"

FACEPALM.

But two can play this game.

"Uy, Frank. Alam mo bang pinannganak akong walang kakambal?

Kaya mahalin mokong walang karibal! HAHAHAHAHA!"

"Kahit may kakambal ka pa, ikaw lang mahal ko."

Frank naman e! Ba't ganyan ka?!!

Tip: Pag dumadamoves na siya, kahit kilig na kilig ka na, WAG NA WAG mong papakitang kinikilig ka!

"Katie, ber-months na no?"

"Oo nga e. Malapit ng mag December! Excited nako!"

"December... AY! Oo nga pala!! Bago ko makalimutan, pwedeng picturan kita?"

"Ha? Ano nanaman 'yan? Para san??"

"Kasi I want to show Santa who I exactly want for Christmas. Ayieeee! HAHAHAHAHA!"

Ugh!! Kakakilig! Kainis!! Di ka pa ba titigil?!

But I can still play this. Di ako susuko! AJA!!

"Osige. Tara mag picture tayo!"

"Talaga??!"

"Oo, para ma-develop tayo! HAHAHA!"

"Magaling Katie. Parang galing pa sa baul ni lola Basyang 'yan ah? HAHAHA!

Oh, by the way, may alam ka bang pagawaan ng relo?"

"Oo, sa mga malls. Sa SM. Bakit?"

"Sira ata relo ko e, pag ikaw kasi kasama ko... humihinto ang oras. Boom! HAHAHA!"

"Uy Frank! Nakita kong binuo mo yung 1000 puzzle pieces nung summer a?"

"Yup. Nakita mo pala yun?"

"Mabilis ka siguro bumuo ng puzzles no?

Kasi kasisimula palang ng araw ko, nabuo mo na. HAHAHAHA!"

Tumayo na kami kasi napudpod na ang pwet namin kaka-upo.

Naglalakad kami...

"Aray! Tipaklong!"

Anakngputspa naman oh! KATANGAHAN 101! Natapilok pa ako!

"Uy, Katie! Okay ka na?"

Buti nalang kasama ko si Frank, nasalo niya agad ako...

"Katie, you can fall from the sky,

you can fall fom the trees,

but the best way to fall...

is IN LOVE with ME. HAHAHA!"

"Naku Frank! Walang hiya ka! Natapilok na ako may banat ka pa rin!"

Buti naman wala akong injure. Hahahaha!

Umupo muna kami sa may malapit na upuan na bato...

"Frank! Naalala ko lang. Diba magaling ka sa algebra?"

"Huh? Bakit? May pinapasagot ba si sir satin?"

"Paki subsitute nga yung 'X' ko. HAHAHAHA!"

Pambihira! When will we ever stop? Hahahaha!

I'm enjoying this, do you?

"Oh Frank, bat nakatitig ka sa nameplate ko?"

"Hinihintay ko kasing malipat yung apelyido ko dyan e."

"Ah ganun ba? Osige, mag empake ka na!"

"Huh? Bakit ako mag e-empake?"

"Pupunta tayo sa home for the aged...

'cause I want to grow old with you."

"HAHAHAHAHAHA!"

Natawa nalang kami sa mga pinag gagagawa namin.

"Grabe Katie, anong meron satin at nag pipick up lines tayo? HAHAHAHA!"

"Ewan ko nga e! Pero nag enjoy ako, sobra!"

"Ako rin!"

"Katie, maiba tayo. Alam mo kung gagawa ako ng alak, Katherine Gail ang ipapangalan ko."

"Nakoooo! Bakit naman??"

"Ang lakas mong sumipa e,

sa puso ang tama. HAHAHAHA!"

"Haaay, when will we ever stop? Hahahahaha."

"Ewan ko . Nag eenjoy pa ako e. Hahaha!"

Ganyan naman kayong mga players e, habang nag eenjoy kayo, di pa kayo titigil. Di niyo alam kung anong nafi-feel ng pinage-enjoy-an niyo. Di nyo alam anong nafi-feel ng pinaglalaruan niyo... #Hugot

"Hehehe. Oo nga e. Ako rin, nag e-enjoy pa ko e."

"Frank, I'm starting to like you less...

because I'm starting to love you more. Ha ha Ha ha!"

At times like this, I can't avoid myself from wishing, sana totoo nalang lahat ng to.

Napatingin naman ako kay Frank, nagtataka ako at wala siyang reaction...

"Uy Frank! Uy! Napano ka? Hoy!!"

Sinundan ko ang tingin niya, di ko alam kung nakatingin lang siya sa malayo at malalim ang iniisip, o may tinititigan siya sa malayo...

"Uy Frank!"

"Ha? Wait lang, mauna ka na sa room. May pupuntahan lang ako."

Atska siya tumayo at mabilis na umalis.

Eto yung ayoko e. Masaya tapos bigla nalang magiging masakit.

Eto ang kinakatakot ko, someone will make you feel special, will make you feel great, masasanay ka dun sa cloud-nine feeling,

at kapag nasanay ka na... bigla bigla ka nalang iiwan.

Never get too attached to anyone unless they also feel the same towards you, because one sided expectations can mentally destroy you.

Kaya, Tip #4: Know how to be indifferent. Pag dumadamoves na siya, kahit kilig na kilig ka na, WAG NA WAG mong papakitang kinikilig ka! Laro laro lang diba? Kung kaya niyang makipaglaro, papatalo ka ba? Two can play this game.

Avoiding The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon