Reflection

30 2 0
                                    

Nasa mall ako ngayon ng mag isa.

Oo tama kayo ng pagkakabasa, nagmo-mall ako ng MAG ISA.

Gawain ko 'to kaya don't ya worreh! Hahahaha!

Naglalakad ako sa mall, malamang! Alangan namang gumapang ako diba?! Kaka wa poise kaya! Hahaha!

So.. yun. Naglalakad ako ng namataan ko sa malayo ang aking guy bestfriend na si Teejay kasama ang kanyang mga college friends, freshman din siya.

Habang papalapit kami sa bawat isa, nakatingin lang ako sakanya.

Hinihintay ko siyang batiin ako ngunit napatigil lamang siya ng sandali,

alam kong napansin niya ako dahil nakita ko ang munting pagkabigla sa kanyang mga mata,

batid kong natuliro siya, hindi ko alam kung bakit

(hindi ko rin alam bakit ako naging makata, anyway let's continue)

pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Napansin kong napatingin, yung tingin na na-weirduhan, ang kanyang mga kaklase sa akin.

Nadisappoint ako sa di niya pagbati sa akin...

We used to be close nung elementary kami hanggang sa kalahati ng 7th grade...

Sa other half ng 7th grade, unti unti na siyang lumayo sa akin. Siguro dahil hindi kami magkasection noon...

Masakit kasi syempre bestfriend ko siya, magkasama kami simula bata tapos ganon?!

Hindi kami nagpapansinan kahit nung 8th grade naging magkaklase na kami. Magkaklase kami hanggang sa grumaduate kami ng grade school.

Nagkakausap ulit kami nung summer this year na parang dati lang. Masaya ako kasi feeling ko unti unti nang bumabalik ang dati naming magandang relasyon.

Pag nagkikita kami ng Sundays, nagkukwentuhan kami minsan, minsan simpleng batian lang.

Ang nakakalungkot lang ay parang ikanakahiya niya ako sa ibang tao...

May mga kilala ba kayong ganun? Yung naguusap naman kayo pero pag nasa labas na kayo, yung iba na ang mga kasama niyo... daig niyo pa ang mag ex na nagprepretend na di magkakilala...

Naiinis ako!!! Nakakababa ng self-esteem yung ginagawa niyang pag ignore... Parang nakakahiya para sakanya na kilala niya ako, na magkaibigan kami... Ang sakit!

Pero iintindihin ko nalang, syempre alam ko namang gusto nilang maganda image nila sa mga bago nilang kaibigan...

Pero kayo ha? Pag ganyan ginagawa niyo sa mga kakilala niyo, 'wag na 'wag niyo sanayin yan ha?

Di niyo lang alam how much you affect a person with the actions you are doing.

Di niyo alam, inignore niyo siya nung nagkasalubungan kayo, tapos yung araw na yun puro rejections natatanggap niya. Tapos nakita ka niya and was expecting you to atleast greet that person but you didn't. Edi nadagdagan pa yung bigat na nararamdaman niya?

Smile. Kahit na di mo alam para kanino, para saan.

Minsan a smile can inspire a person. Minsan, yang smile mo na nakita ng ibang tao, nakakagaan ng mood.

Kaya ako? I see to it na nakasmile ako. Di ko man alam, but at least I'm hoping that someone would feel great or motivated by my smile.

Kaya kayo, always smile even if you don't feel to. Di kalang nakakatulong sa iba, pati mood mo napapagaan mo.

Try it. Mag smile ka ngayon.

HELLOOOOOOOOO!!!! :D Kamusta araw mo? :D I hope you've been a blessing and not a destruction to others. God bless you! ;)

Anyway, balik tayo kay Teejay.

Alam niyo, isa pang bagay na iniisip ko para maiba ang perception ko sa ginawa niyang pagiignore sakin ay ganito,

Iniisip ko nalang na baka kaya niya ko inignore dahil ayaw niyang makilala ako ng mga bago niyang kaklase tapos ligawan ako para lang paglaruan ako.

You know, typical immature guys do. Fool girls, play with their feelings, take advantage of them. Iniisip ko nalang na ganun. Diba mas magandang isipin na ganun?

Kung iniisip niyo, anong gagawin ko pag nagkasalubong ulit kami?

Edi papansinin ko siya PAG pinansin niya ako. If not, then hindi. Baka kasi masira ko diskarte niya e.

Points to Remember:

>>Always think of how would your actions affect others (Isipin niyo sa bawat aksyon na ginagawa niyo, may naapektuhan, sa mga laro laro niyo, sa mga simpleng trip at joke niyo may nasasaktan, may nalulungkot. Minsan sa mga sumosobrang gawa niyo, may nakakaisip mag suicide. Kaya 'Think before you Act'.

>>Broaden your perspective (Lawakan niyo ang inyong pagiisip. Lawakan niyo ang inyong pangunawa.)

>View things and situations in different views. Tignan niyo sa point of view niya, kung ano ang mga pwedeng rason kung bakit niya yun nagawa, mag isip kayo ano ang purpose niya bakit niya yun nagawa. Wag niyo lang tignan ang view mo. You must know, or at least have a conclusion, the story of both sides. 'wag lang sa'yo.

>>Always smile! May kasama ka o wala. Malungkot ka o hindi. Smile! Smile and inspire others to smile! Smile even when you don't feel like smiling, it helps you know? Smile kahit na masakit, its a sign na kakayanin mong lagpasan yan.

Avoiding The PlayerWhere stories live. Discover now