Chapter 63

7.2K 259 84
                                    

Luke's POV

Nandito nanaman ako sa punto ng buhay ko kung saan para nanaman akong mababaliw dahil hindi ko nanaman mahanap ang kapatid ko. Tangina talaga.

"Man, saan nanaman kaya dinala ang kapatid mo? Putakte! Pangalawang beses na 'yan." Sabi ni Brandon.

Gaya ng sabi ni Ryoga ay hinintay namin siya. I called Kennedy and Kent to come over here in my unit. I didn't call Lancie because I don't want her to get involve with this. Pero gago si Kennedy at siya mismo ang tumawag sakaniya. It's very dangerous for all of us and as long as I can, I want to protect her. I love her so much and I don't want her to get in trouble.

"Bro, ano bang nangyayari? Totoo ba 'tong sinasabi niyo? H-hindi ako makapaniwala. Paano nagawa ni Dred 'yon?"

Kennedy is already crying habang tahimik lang si Kent sa tabi. Alam kong may alam siya sa kung anong pinag gagawa ni Dred. I'm just observing him on the corner. They're bestfriends at imposibleng wala siyang alam. Sa aming magkakaibigan ay silang dalawa ang magka sanggang dikit.

Putanginang Dred na 'yan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Paano niyang nagawang saktan ang kaibigan niya? Kung hindi namin nailigtas si Evan noon? He's fucking dead now. Ganoon niya ba kamahal si Lucia? To the point he can kill someone? Damn it.

"Nakuha niyang mag pakamatay noon kaya hindi na imposibleng kaya niyang pumatay ngayon kahit kaibigan niya pa."

Naka kuyom ang mga kamay ni Evan habang naka yuko siya sa may sofa. He's friends with Dred since I don't know when at alam kong masakit itong mga nalaman niya para sakaniya. We are like real brothers and sisters in our squad.

Wala na ni isa ang nag salita sa amin. Pare pareho kaming kinakabahan. Napa tingin naman kaming lahat sa may pinto ng unit ko nang bigla itong bumukas. It's Ryoga. He looks so angry habang umiiling ito sa akin.

"Oh? Nandito pala kayong lahat?" Nilibot niya ang tingin niya sa amin at bigla itong natawa. "Wow! Nandito rin pala ang kasabwat ng traydor." Naka ngiti na sabi niya.

Alam kong si Kent ang tinutukoy niya na kasabwat. Pumwesto naman sa gitna si Ryoga at naka titig lang kaming lahat sakaniya.

"I just found out everything that we need. After we talked, pupuntahan na natin si Lucia pati ang tarantadong kaibigan niyo na nilamon na ng pag ibig. Tangina talaga. Mapapa mura ka nalang." Umiiling na sabi niya.

"What is it?" I asked. I'm trying to calm my ass down here dahil para na akong sasabog.

"Isa isahin natin." Seryoso na sabi niya. "Luke, nahanap mo na ba ang resulta ng drug test ni Evan sa Underworld na pinatake ni Jayden? Kent, bakit hindi mo itinago ang resulta noong nagpa check up si Carmela?"

"Luke? Ano 'to? Bakit may drug test?! And Kent?! What the hell?! Anong tinatago mo?!" Galit na tanong ni Lancie.

Tinignan ko si Kent at nakayuko lamang siya sa kinauupuan niya at umiiyak na ito. Putangina.

"Sinabi sa akin ni Jayden noong araw na may nangyari kay Evan at kay Carmela ay para siyang naka drugs. Yung drugs na makukuha mo lang sa Council."

"Council? What the hell is council?" 

Ipinaliwag ko naman sakanila kung ano ba ang Council at ang Underworld.

"Palihim na pina drug test ni Jayden si Evan sa Underworld. Doon mo lang kasi malalaman kung positive ba siya o hindi, dahil doon mo lang din naman makukuha ang drug sample na 'yon. Pero noong kukunin na ni Jayden ang resulta hindi niya na ito nakuha. Nawala nalang ng parang bula ang pinag abutan niya at hindi na ito nag pakita sakaniya. May duda si Jayden na dinroga si Evan at Carmela noong araw na 'yon kaya wala silang ma alala sa nangyari sakanila." Mahabang explain ko sakanila.

The Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon