Chapter 30

12.5K 264 83
                                    

Hindi pa rin ako maka move on na teacher namin si Luke. We're waiting for him now sa may parking lot para tanungin kung anong ginagawa niya dito at paano siya naging Professor. Like hello? He's a mafia boss tapos mag tuturo nalang siya dito basta basta! Hindi namin siya matanong kanina sa klase dahil napaka seryoso niya. Parang hindi niya kami kilala. Parang hindi niya ako kapatid kanina! He even asked me some questions at buti nalang naka sagot ako. I'm a sporty girl. So I know a lot about sports.

"Why do we need to wait for Luke?"

"Oo nga bakla. Hintayin nalang natin siya sa Café. Nagugutom na ako."

"Daig mo pa may dragon sa tiyan, Lancie. At ikaw naman Evan mauna ka na kung gusto mo."

"Wow bru! Kasya dragon sa tiyan niya?" Iniripan ko si Kennedy dahil ayan nanaman siya sa patangahan na sagutan niya.

"Hintayin na natin siya at excited akong malaman kung bakit siya nandito."

Nag tataka kasi ako. Hindi 'yun basta basta nalang pupunta dito at mag tuturo nang walang dahilan. He's rich at ang sweldo na makukuha niya dito sa SWU ay barya lang sakaniya. So why does he need to come here?

"Hindi kaya nag hihirap na siya bru?"

"Mag hihirap ang pamilya mo Kennedy pero si Luke hindi. Duh! He's super rich kaya." Sagot ni Lancie sakaniya.

"Bakit? May ari ba siya ng bangko?"

"Ang ingay niyo. Nagugutom na rin ako. Sana ilibre tayo ni Luke."

"Alam mo Hong isa ka ring swapang. Ang yaman yaman niyo tapos palibre ka pa ng pa libre."

"Masama ba umasa na ilibre? Mas masarap kaya kumain kapag libre."

"He's coming."

Nabaling ang tingin namin sa lalaki na paparating. Nag lalakad na papalapit sa amin si Luke habang inaayos niya ang buhok niya. FH? /Feeling hunk/
FMNS? /Feeling model ng shampoo/

"Lancie, ang gwapo ni Luke no? Hindi ka ba naga gwapuhan sakaniya?" Pabulong na tanong ni Kennedy kay Lancie pero narinig ko 'yun.

Napirmi ang tenga ko sakanilang dalawa.

"Alam mo Kennedy, nawe weirduhan na ako sa'yo. Bakit ba lagi mong tinatanong sa akin 'yan nitong mga nakaraan?"

"Wala lang. Gusto ko lang itanong. Masama ba mag tanong?"

"Oo. Lalo na kung pa ulit ulit nalang."

"Kanina pa kayo diyan?" Tanong ni Luke.

"Oo. Ito kasing si Lucia gustong hintayin ka namin. At excited daw siyang itanong sa'yo kung bakit ka nandito."

"Nabo bored kasi ako kaya gusto ko dito."

Napa kunot ang noo ko sa sagot niya. Hindi ako kumbinsido. Bored niya tatay niya. Bored niya tatay namin. SNN? /Sino niloko niya/

"Let's go. Saan ba tayo?"

"Nandito tayo sa parking lot, Evan."

"Galeng mo Kennedy. Sa café tayo Evan. Gutom na talaga ako. Gusto kong kumain."

"Boring don."

"Ang arte mo, Dred! Papa libre ka lang naman."

"Dun nalang tayo sa bar nila Kennedy."

"Oo doon nalang. May mga pagkain naman dun. Makaka kain ka, Lancie. Huwag kang mag alala."

"Okay. Let's go there, then."

Sumakay na kami sa kanya kanyang kotse namin. Hindi kami magkakasama dahil lahat kami ay may dalang sasakyan. Pumasok na ako sa kotse ko and I start the engine.

The Casanova's QueenWhere stories live. Discover now