Chapter 18

8.9K 240 18
                                    

I've been busy this past few days because of exams. Hindi kami masyadong nagkikita ni Evan now dahil exam week din nila. I don't know why but gusto ko mag focus ngayon sa pag aaral. Maybe because nabawasan na ako ng dahilan sa pag rerebelde ko dahil okay na kami ni Luke.

Epic is always texting me and asking for an update if kumain na daw ba ako or what. He wanna know all my where abouts. Araw araw ring may dumarating na grocery items sa unit ko galing sakaniya na pina deliver niya from Supermarket. Para na tuloy akong mag titinda sa dami ng mga items na pinapa dala niya. Hindi ko na nga alam kung saan ko ilalagay ang iba. Sometimes he's going to my school also just to bring lunch na pinaluto niya pa sa Mom niya. Somehow nakaka dagdag points yun para sa akin dahil 100% effort talaga. And I think this is becoming more dangerous for me. So minsan bago ako matulog I'm asking and assessing myself. Paano kung bumigay ako? Anong gagawin ko? I need to secure myself. He's handsome, he's sexy and God knows he's good at doing efforts too. I even don't know kung ano na bang nararamdaman ko towards him.

"Lalim ng iniisip mo ah."

"Bawal mag isip?"

"Hindi naman. Ano ba yang iniisip mo? Or should I say sino?"

Luke is staying here in my place but sometimes he needs to go home sa Mom niya. Nakausap niya na ang Mafia Boss ng Cecilian and settled things already. Umagree naman daw ang Mafia boss ng Cecilian at napag usapan nilang hindi na nila kami gagalawin sa pagkamatay ng isang leader nila. Ang sabi ni Luke, nadaan niya daw sa sindak yung Boss. ONA. /Oo nalang ako/
Pinag iingat nalang niya kami and he promised to put protection samin ng mga ka gang ko.

"Iniisip ko ang future ko. Kung anong magiging buhay ko sa hinaharap. Yun yon."

"Ge. Mag lokohan tayo dito. Iniisip mo siguro si Evan."

"Hindi ah! Bakit ko naman iisipin yun?"

"Umamin ka nga sa'kin, Lucia. Gusto mo ba yung mayabang na yun?"

"H-hindi!"

Bakit ba ako nag stammer? Aish!

"Weh? Mamatay?"

"Ikaw patayin ko, gusto mo?" Tinignan niya ako gamit ang mala pusa niyang mata at ini examine kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Oobserbahan kita. Aalamin ko mismo kung may gusto ka na ba sakaniya o wala. Last kang nagka gusto sa lalaki nung highschool tayo e."

Napa poker face ako nang ipa alala niya yun. Nagka gusto ako noon at nung aamin na sana yung gusto ko sa akin ay tinakot niya. Kaya napurnada ang unang kalandian ko sana. Paka kontrabida. Sayang din yun ah.

"Please lang. Huwag mo na ulit uulitin yung ginawa mo noon."

"Nag matured na'ko Lucia. Of course I won't do that anymore. Anyway, bukas na ang alis niyo papuntang Batangas hindi ba?"

"Oo. Susunduin niya raw ako dito ng maaga kaya kung pwede lang umuwi ka na sa inyo ngayon. Baka mamaya pumunta pa yun dito issue nanaman 'to."

"Bakit? Kapatid mo ako."

"Alam niya bang magkapatid tayo? E ayaw mo nga pasabi diba? E kung sinabi kong kapatid kita kahit makita niya tayong natutulog sa iisang kwarto walang malisya yun. E kaso hindi niya alam. Kaya may malisya sakaniya kahit magkasama lang tayong dalawa dito at nag uusap lang!"

"Oo na. Sige na. Una na pala ako. Kitain ko nalang kayo bukas doon sa resort. Sabihin mo kay Kennedy sabay na kami."

"Okay. Bye."

Hinalikan niya muna ako sa ulo bago siya lumabas ng unit ko. My brother is so sweet to me pero mailap siya pagdating sa mga babae. FGAH. /Feeling gwapo at habulin/

The Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon