Chapter 54

6.9K 240 60
                                    

"Anong nangyari sa'yo?" Seryosong tanong ni Kennedy sa akin.

Inupo ako ni Dred sa may sofa at sinandal ko ang likod ko doon at pinikit ko ang mga mata ko. Pinunasan ko ang mga mata kong may mga luha pa habang naka pikit ako.

"Bru." Naramdaman ko ang kamay ni Kennedy sa mukha ko habang pinupunasan ang mga luha ko na patuloy pa rin sa pag bagsak.

"Kennedy, bakit ganon? Diba mahal na mahal niya ako? Mahal niya ako bru e. Hindi ko na alam kung anong sagot ang ibibigay ko sa sarili ko matanggap lang ang pang gagago na ginawa nila."

"Bru, tama na 'yan. Matulog ka na muna. Kasal pa ni Bella bukas at baka mag mukha kang zombie."

"Walang araw na hindi ko tinanong ang sarili ko kung saan ba ako nag kulang. Saan ba ako nag kamali? May nagawa ba akong hindi maganda? Sobrang sama ko ba noon kaya kinakarma ako ngayon? Walang araw din na hindi ko sinisi ang sarili ko. Ang sakit sakit bru. Ang sakit sakit!"

Binuksan ko ang na ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong umiyak na lang.

"Hindi mo kasalanan Lucia. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa kasalanang wala ka namang iniambag. Sila ang gumawa non. Kaya nasa kanila ang sisi at wala sa'yo." Sabi ni Dred. Tinignan ko siya at bakas din ang galit sa mukha niya.

"Pero bakit Dred? Bakit?"

"Bru, hindi rin namin alam ang sagot sa tanong na 'yan. Lahat tayo walang maisagot sa tanong nating 'yan. Dahil kami rin ay hindi makapaniwala. Kaya tama na bru. Pahinga ka na. Tangina talaga niya. Nang gigigil nanaman ako sakaniya."

"Matutulog na ako." Sabi ko sakanila at tumayo na ako sa may sofa at humiga sa kama.

I better sleep. Sleep is my beautiful escape dahil kung patuloy kong didibdibin ito ay baka isang araw naka bigti nalang ako.









KINABUKASAN ay maaga kami nagising at inayusan nila kami. Medyo namamaga pa ang mga mata ko ngunit inayos nang make up artist ang pagkaka make up niya sa akin kaya naman hindi na ito masyadong halata ngayon.

"Ganda, ano ba nangyari sa mata mo? Did you cry?"

"Ah no. Maybe I overslept." Sagot ko.

"Pero you still look pretty pa rin naman. Ang gorgeous mo talaga. Friend ka rin ba ni Bella?" Tanong niya.

"Ah yes. She's my friend."

"Lucia." Tawag sa akin ni Luke.

Napa tingin naman ako sakaniya at bihis na bihis na siya. Ang gwapo naman ng kapatid ko.  He's Jayden's best man. Naka sunod sakaniya si Ryoga at halatang antok na antok pa ito. Saan kaya siya nag punta kagabi?

"Good morning babe. Ang ganda mo naman."

Lumapit sa akin si Ryoga at mabilis niya akong hinila sa may upuan ko at siya ang umupo atsaka niya ako kinandong.

"Inaantok pa talaga ako." Dinig kong bulong niya. He wraps his hands around me at isinandal niya ang ulo niya sa may likod ko.

"So kapag inaantok, kailangan ganituhin mo ako?"

"Oo babe. Huwag ka na mag reklamo hindi ka naman lugi sa akin."

"Is he your boyfriend, girl? Ang gwapo ha."

"Thanks." Sagot niya sa bakla. Feel na feel talaga ni gagu.

"Did you eat?" Tanong ni Luke sa akin habang inaalis ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha.

"Yes. You?"

"Kumain na kami ni Ryoga kanina. Nasaan pala sina Kennedy at Dred? Dumating daw sila kagabi. I got a message from Kennedy last night."

The Casanova's QueenWhere stories live. Discover now