Chapter 19

9K 265 32
                                    

After our luch, we did a lot of things dito sa island. Nag island hopping kami. Nag jetski, snorkeling and many more. Namumula ngayon ang mga balat namin dahil sa sunburn. My face is sore.

Hindi na rin namin nakita si Laban. Maybe he left. Baka nasindak sa tattoo ni Luke. Mas lalo kong narerealize ngayon kung gaano siya ka powerful. Wooh! Buti nalang ako kapatid niya. Who you ngayon ang mga magtatangkang kalabanin ako. I have a powerful handsome brother!

"So what are we going to do now?"

"Tinatanong pa ba yan? We'll enjoy the night of course." Sagot ni Lancie.

"Alam na namin yan, Lancie! Ang ibig sabihin ng tanong ni Evan ay kung anong gagawin natin para ma enjoy ang gabi? Hina ng comprehension mo."

"Ay wow ha. Ikaw na matalino."

"Thank you."

"What about a drink for this night?

"Oh yes! Sure! Gusto ko 'yan!"

Mga lasinggero/ra talaga tong mga 'to. It's fine with me kung ano mang gusto nilang gawin. In fact, we're going home tomorrow dahil may pasok pa kami ng Monday.

"Saan tayo? Sa room ng girls or room namin?"

"Room nalang namin Kennedy. Para kapag nalasing ako hihiga nalang ako agad."

"I'll buy some drinks then. Tara tulungan mo ako Kennedy. Ikaw mamili ng iinumin natin."

"Bad influence talaga kayo. Bilin ni Mommy huwag ako iinom pero hays! Mag dadasal nalang ako bukas pag uwi natin at mag kukumpisal kay Pastor."

"You're so funny Kuya!" Tawang tawa si Barebears sakaniya.

Ako talaga nakakapansin na ako sa kapatid ng malanding manliligaw ko ah.

"What about Bella pala Evan? Is she allowed to drink?"

"She's already 17. So she can. As long as hindi alam nila Mom and Dad. I'm a cool brother."

Binatukan ko siya.

"Cool ka diyan!"

"But Ate Lucia, it's really fine. Umiinom naman na ako pero ka unti lang."

Tong magkapatid talaga na 'to.

"Sige na. Alis na kayo. Punta na kami ng room. We'll wait you there."

Tumayo na sila Egg at Kennedy at pumunta ng Bar counter para umorder ng drinks.

"Lucia, what about Luke pala? Aren't you going to invite him para jumoin sa'tin?"

I invited him this afternoon after naming kumain but he said na matutulog daw muna siya. Ewan ko ba sa taong yun at tulog ng tulog. Puyat na puyat ang peg.

"I don't know. I'll text him."

"Ate Lucia, sino pala si Kuya Luke? Kaibigan niyo rin ba siya?"

"Ah yes. He's our friend." I lied.

"Ganon po ba? Ang galing nga Ate e. Kasi kanina habang tinitignan ko siya at habang tumatagal ang titig ko sakaniya parang nakikita ko mukha mo sakaniya."

Naubo si Lancie sa sinabi niya. Jusko.

"Ganon talaga minsan kapag matagal ng mag kaibigan. Nagiging mag kamukha. Marami na rin nag sabi ng ganiyan sa'kin." Palusot ko ulit.

Malamang magiging mag kamukha kami dahil kapatid ko 'yun ih. Sa unang tingin wala kaming similarities ni Luke. But if you will stare at him or sa'kin ka tumitig makikita at makikita mo ang pag kakahawig namin. Hindi kaya nakikita ni Evan 'yun? Buti pa 'tong kapatid niya ang galing mang kilatis.

The Casanova's QueenWhere stories live. Discover now