Chapter 55

6.4K 254 50
                                    

We went home the next morning at hindi ko na nakita si Dred. Mas nauna na raw itong umalis kaysa sa amin. Nag i space out na ako dahil sa pag iisip kung anong gagawin ko. I'm concerned about him now. Hindi ko alam pero takot na takot ako ngayon. Takot na takot ako na baka may mangyari nanaman sakaniya.

"Lucia, kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni Luke na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Hindi pa. Busog pa ako."

"Iniisip mo ba si Dred?"

"Yes. I'm scared Luke. I'm really scared."

"Why?"

"Dahil baka kung ano nanaman ang mangyari. Katulad noon. Paano kung saktan nanaman niya ang sarili niya nang dahil sa akin? H-hindi ko yata kakayanin 'yon, Luke."

"Lucia, matagal kong pinag isipan 'to. Pero I think it's better if umalis nalang muna tayo dito."

"What do you mean?"

Umupo siya sa may kama ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's go outside of the country. Masyado nang magulo. And I think mas makakabuti para sa'yo ang lumayo muna dito. Kaka recover mo palang pero puro stress na ang natanggap mo."

Aalis kami? Saan naman kami pupunta? Mas makakabuti nga ba kung umalis kami dito?

"W-where are we going?"

"California."

"What about our parents? Paano ang pamilya mo?"

"My family will understand. I'll talk to Papa at alam kong papayag naman 'yon dahil magkasama naman tayo."

"I'll think about it first, Luke. Sasabihin ko sa'yo once na makapag desisyon na ako."

"Okay. Gusto ko lang ilayo ka dito. I don't want you to see you crying every day and na i stress dahil sa mga tanginang lalaki na 'yan."

Napa irap naman ako sa sinabi niya.

"Ang ganda ko kasi e." Pabiro kong sabi.

Nitong mga nakaraan ay hindi ko na nagagawang mag joke dahil sa pinagdadaanan ko.

Tumayo naman siya at binato niya ako ng unan tsaka na siya lumabas ng kwarto.

Napa isip naman ako. Umalis ako noon nang maayos ang lahat. Umalis ako dahil kailangan kong ayusin ang sarili ko para wala nang gulo. Para wala nang hadlang. Hindi ko akalain na sa pagbabalik ko naman ay ang iniwanan kong maayos ang biglang gumulo. Ang dami nang hadlang. Ang dami nang sabit.

Siguro nga mas makakabuti kung aalis nalang ako. Kung tatakasan ko nalang ang magulong sitwasyon na 'to. Dahil kahit umiyak ako ng dugo dito, hinding hindi na rin naman ito magbabago.

Natigil naman ako sa pag iisip at napatayo ako nang makarinig ako nang parang may sumisigaw sa labas. Who's that?

I looked at my window at nakita kong palabas si Luke sa may gate. Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at tumakbo papuntang gate.

I was shocked when I saw Evan with Jayden. He looks so drunk.

"Lucia! Baby, please. Talk to me."

"Evan, you're drunk. What are you doing here?" Tanong ni Luke.

"I want to talk to her."

"Sige na. Iwan niyo na muna kami." Sabi ko sakanila. Maybe this is what we really need.

A talk.

Iniwan kami ni Jayd at Luke at pumasok sila sa loob. Nag lakad ako papalapit sa kotse niya para doon kami mag usap na dalawa.

The Casanova's QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora