Chapter 25

8.2K 250 36
                                    

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko mahanap si Evan. I don't know where the fuck is he. I even went to their Mansion pero Mom niya ang nakausap ko at hindi raw siya napadaan doon.

I went to his unit at nag hintay ako doon hanggang gabi pero walang Evan na dumarating. Pina track ko na rin kay B ang cellphone nito pero hindi niya ma track dahil naka off ang phone niya. I'm so fucking worried. Para na akong mababaliw sa kaka isip kung saan siya nag sosoot.

I'm here now sa bar nila Kennedy at kasama ko si Lancie. Hinihintay namin si Kennedy dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa amin.

"Ang tagal naman ni Kenendy, bakla. Nasaan na ba 'yun?"

"Malapit na siya sabi niya kanina."

Bumukas naman ang pinto ng VIP room at pumasok si Kennedy.

"Bru."

"Grabe Kennedy ha. Ang tagal mo! Pagkatapos mo mag walk out kanina sa hospital."

"Bru, may alam ka ba sa ginawa ni Luke kanina?"

Umupo siya sa tabi ko at uminom agad ng alak. Aba himala!

"Hindi ko alam 'yun bru. Wala akong alam. Si Luke lahat ang nag plano ng lahat ng 'yun."

"You know what bakla, your brother is crazy sometimes. Pwede naman nating mapa amin si Evan in a nice way pero gusto niya yata yung sa masakit na way pa. Bakit kailangan niya pa gawin 'yun? Pati tuloy kami nadamay sa kalokohan niya!"

"Pero paano ka ba napunta doon sa hospital bru? Akala ko talaga totoong may nangyaring masama sa'yo. Muntik na 'kong mahimatay kanina. Tumaas ang altapresyon ko."

"Ako nga napa iyak ng bongga! Akala ko bakla mamamatay ka na talaga. Uunahan mo pa'ko."

"Grabe ka naman, Lancie. Ang sabi critical diba? Advance ka mag isip."

"E bakit ba?! Doon na rin naman papunta 'yon."

"Hindi ko rin nga alam. Basta kagabi after the gang fight, nag inuman kami ng mga ka gang ko dahil nanalo kami. Kasama namin si Luke. Treat niya pa nga lahat e. Tapos nagising nalang ako na nasa hospital na ako at binubugbog mo si Evan! Hayop ka Kennedy! Sinakal mo pa!"

"Hehehe."

Luke went last night at nanood siya ng laban namin. He was so happy that I beat Londonbridge. Talagang inilabas ko lahat ng galit at stress ko simula noong bata ako kay Lemon kagabi. Gigil na gigil ako e.

"So maybe Luke made the plan habang lasing ka. Para mapa amin si Evan at malaman kung ano ba ang totoong nararamdaman niya. Ibang klase rin e."

"Hindi kasi kumbinsido si Luke na hindi ka mahal ni Evan, bru. Sinabi niya sa akin noong isang araw."

"Pero palagay niyo ba, mahal talaga ako ni Evan? Kung ako ang nasa kalagayan niyo. Maniniwala ba kayo sakaniya kahit narinig ko na mismo sa bibig niya na hindi?"

I still want to know their opinion about this. Dahil ako mismo sa sarili ko ay naguguluhan ako. Iba ang sinasabi ng bibig niya sa pinapakita ng kilos niya.

"Siguro kung ako bakla, maguguluhan ako sa una syempre. Pero kung ako sa'yo noong oras na narinig ko mismo sakaniya 'yun, hindi ako tatakbo pa alis. Pakikinggan ko hanggang dulo at haharapin ko siya. Masaktan na kung masaktan pero kukomprontahin ko siya."

"Hindi ko rin naman masisisi si Lucia, Lancie. Kung ako, syempre ganoon na narinig ko papakinggan ko pa ba ang mga susunod na salitang maaring makaka sakit sa akin?"

"Kung ganon ang gagawin mo Kennedy, edi nagpaka duwag ka. Hindi ka a tapang a tao."

"Pero ano pala muna yung sasabihin mo bru? Sabi mo may sasabihin ka diba? Sabihin mo na at kailangan ko pang mahanap si Evan. Hindi ko na alam kung paano ko siya hahagilapin."

The Casanova's QueenWhere stories live. Discover now