Chapter 57

6.4K 235 41
                                    

We went home after the party last night. Kennedy got so much drunk at hinatid pa namin siya sa unit niya. He's been calling Bella's bestfriend name again and again. Ang sabi sa akin ni Luke ay jowa niya raw 'yon which made me actually shocked dahil may girlfriend na ang bestfriend ko. Binata na si gago.

"Lucia, what happened with you and Dred last night?"

We're eating our breakfast in our dining table.

"Wala naman."

"You kissed him back last night."

"Luke, I just did that bec-"

"Dahil naaawa ka? Natatakot ka? Lucia, mas lalo mo lang nilalagay sa alanganin ang nararamdaman niya para sa'yo."

"He wants a chance."

"Will you give him a chance?"

I don't know. Oo, natatakot ako sa pwede niyang gawin. Gusto ko siyang bigyan ng chance pero lolokohin ko lang ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon. Mag lolokohan lang kami at aasa lang siya sa wala.

"I want, Luke. Gustong gusto ko."

"But you love Evan."

Hindi na ako sumagot sakaniya at ipinag patuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Lucia, kapag pinagpatuloy mo ang pag entertain kay Dred masasaktan mo lang siya. Masasaktan mo si Evan at masasaktan ka lang din. So please, don't. Gawin mo kung ano ang tama at huwag ka magpadala sa takot at awa."

"Luke, hindi mo kasi ako naiintindihan."

"Ano bang hindi ko maintindihan, Lucia? Sige nga. Ipaliwanag mo. Ipa intindi mo sa akin."

"Nevermind."

Tumayo na ako at inilagay ko sa may sink ang pinggan ko atsaka ako umakyat sa kwarto.

My phone rings at tinignan ko kung sinong tumatawag. It's B. Mygosh! I missed my gangmates.

"Hi! Kamusta?" Bati ko sakaniya.

"Nandito ka na pala pero hindi ka man lang nag pakita sa amin."

"Sorry. I was so busy." Busy ako sa pag iyak at pag tunganga. Letse!

"Let's meet, Queen."

"Don't call me, Queen. I don't belong in your group anymore."

"Nope. You will always be our queen. Punta ka na dito sa hide out. We'll buy alcohol. Let's drink. Inuman tayo hanggang bukas. Kalabanin ka namin."

"Yes. Sure! Ligo lang ako tapos deretso na ako diyan."

"Yes. Ingat! Miss you Queen."

"Miss you too."

I ended the call at mabilis akong pumasok sa CR para maligo. After I took shower ay nag soot lang ako ng black pants at white tshirt. Just like my old fashion whenever I go sa underworld.

Kahit papaano ay namimiss ko ang mundong iniwan ko.

Bumaba na ako at dumiretso sa garahe. I started the car at lumabas na sa gate. It took me ten minutes only para makadating sa hide out. Minadali ko e. Excited!

"Uy shit! Nagulat ako! Ang bilis mo naman, Queen? Nag mamadali ka?" Tanong sa akin ni B at mabilis siyang lumapit sa akin at yinakap ako.

"Excited ako e. Nasaan na sila?"

"Nandoon na sa kwarto. Nag uumpisa na ang mga gago."

"Ay wow. Sila yata ang excited."

Pumasok na kami sa pinaka loob at dumiretso sa may kwarto kung saan pwede mag inuman at mag laro. Pagka pasok na pagka pasok ko ay nagulat ako nang may mga confetti at pasabog ang sumalubong sa akin.

The Casanova's QueenWhere stories live. Discover now