"Je ziet er defensief," (You look defensive) biglang sambit ni Mrs. Heidy habang pangiti-ngiti.

Alam nitong hindi pa nagkakaroon ng kasintahan ang kanyang anak. At ang problema ngayon ni Hailey sa isang lalaki ay mukhang malayo pa ang mararating.

"Mom! I'm not, duh!"

Umismid si Mrs. Heidy at palihim na napapangiti. "Okay, ano bang maitutulong ko sa problema mo? Gusto mo bang palitan ang partner mo, gusto mo bang kausapin ko?"

Ilang beses na umiling ang dalaga. "No, no, no huwag mo 'yun gagawin mommy. Baka kung ano ang sabihin niya sa akin. Wala ka pong dapat gawin, nakakainis lang talaga siya at nakakapikon."

"Be brave sweety, you can handle him. Makukuha rin ninyo ang ugali ng isa't isa. Sige ikwento mo sa akin 'yang project ninyo. Bibigyan kita ng mga payo. Is it prima met je?" (Is it fine with you?)

"Ja mama, ik hou van jou!" (Yes mommy, I love you!)

Naalala ni Hailey ang mga nangyari no'ng isang araw. Nang matapos ang huling klase nila ay nagpunta muna siya sa cafeteria para bumili ng mirienda. Naunang umuwi ang kanyang mga kaibigan na sina Aviana at Aubrille. Hindi niya naman makita si Knox kaya mag-isa lang siya sa mga oras na iyon.

Balak niyang dumaan sa man-made lake sa likod ng Octagon plaza ng Unibersidad para magpahinga sandali. Ilang beses na siyang pumupunta roon bago umuwi dahil maganda ang lugar at kahit papaano ay naiibsan ang bigat sa kanyang dibdib.

Lagi siyang natutulala sa klase kapag umaagaw sa kanyang atensyon ang natanggap na larawan ng ina mula sa hindi kilalang tao. Wala pa siyang sinasabihang iba tungkol doon at hindi niya rin alam kung papaano sasabihin. Simula no'n ay hindi na siya napapanatag, mas madalas na siyang nag-aalala sa sitwasyon ng kanyang ina.

Nawala sa isip ni Hailey ang natanggap niyang mensahe sa hindi kilalang tao na pinapupunta siya sa likuran ng Octagon plaza dahil ayaw niya naman iyon puntahan, hindi siya interesado. Gusto niyang umiwas sa mga taong hindi niya kilala subalit may misyon siya. Kailangan niyang kilalanin ang lahat na pilit pumapasok sa buhay nila.

Maayos siyang nakarating sa man-made lake. Dumaan siya sa likuran ng Octagon plaza dahil iyon ang pinaka-shot-cut na daan. Umupo siya sa isang bench doon katapat ng malawak na lawa na may mga puting bibe sa paligid. Napalilibutan ang lugar ng naglalakihang mga puno at halaman na alagang-alaga ng paaralan. Tahimik ang paligid dahil malayo ito sa mga gusali ng paaralan.

Kumurba ang kanyang labi at sumilay ang maganda niyang ngiti. Hawak ang kanyang telepono ay sinimulan niyang kuhanan ng larawan ang mga bibe. Nakisabay sa kanyang masayang pakiramdam ang pag-ihip ng sariwang hangin na nanuot sa kanyang mga balat.

Ilang sandali pa ang nilagi niya roon bago tuluyang naisipang umuwi. Habang siya'y naglalakad pabalik sa may Octagon plaza ay narinig niya ang ilang boses na mula sa kalalakihan.

"Where the hell is she?"

"Kalma ka lang Lourd, babae 'yun... matagal talaga sila."

"Fvck! She's wasting my expensive time!"

"Kami na lang ang maghihintay sa kanya, kami na ang bahala."

"Umuwi ka na Lourd Cai Cai, alam naming hindi ka sanay sa hintayan."

Hindi na tumigil katatawa ang mga kalalakihan. Habang papalapit si Hailey sa may Octagon plaza ay mas nagiging klaro ang naririnig niya.

"Mga tol, huwag ninyo asarin. Lourd sexy ba? Maganda ba?"

"Fvck! I'll kill you!"

"Yown you'll be dead! Hindi na namin makikita ang baduy mong mukha Zaid Kiah!"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now