(Edited) One

14.5K 272 13
                                    

Shine's Point Of View

Isang malabarbie na babae ang nakatayo sa harapan naming lahat. Tila lahat kami ay namamangha sa taglay niyang ganda. Bawat hawi sa maitim at bagsak nyang buhok ay parang slow motion namin itong nakikita.

Hindi ko alam kung sinasadya niya bang hinaan ang mga galaw niya o talagang nakakastar struck lang talaga ang ganda niya.

"I want to be friend of you all." Pagtatapos niya. Kahit pananalita ay malumanay pero nandun pa rin ang excitement.

"Okay miss Shai Chua. Thank you hija, you may sit beside miss Sy."

Pagkatapos magpakilala ni Miss Shai ay umupo naman ito sa tabi ko. So, sya pala yung transferee.

"Hi, I'm Shine, please to meet you." Bati ko sa kanya na may kasamang ngiti. Ngumuti naman siya pabalik at muling nagpakilala.

Since unang araw ay hinayaan muna kami ni Sir. Aliw na aliw naman kaming makipagkwentuhan nitong bago naming kaklase. At napag-alaman din naming wala pa syang naging boyfriend. Sa ganda nyang 'to? Kahit bakla ata mahumaling sa kanya e.

"You don't know me so much. Tsaka, mukhang playboy ka, kaya there's no way na ipagkatiwala ko sayo ang puso ko." Sagot nya sa tanong ng kaklase naming si Drake. Tinanong kasi siya kung pwede daw bang manligaw. Hanep talaga sa galawan 'tong mokong na 'to.

Napuno naman ng kantyawan at tawanan ang silid dahil sa naging sagot niya. Honesto kasi si ate.

Lihim akong napangiti. Ano ka ngayon Drake?

"Hindi ako titigil! Kahit na binusted mo na kaagad ako Shai, liligawan pa rin kita!" Hanep sa tibay ng loob.

Awkward tuloy na napangiti itong katabi ko. “Oy, Shine, may tanong ako sayo." Baling niya sa akin. Tumango ako sabay ngiti.

Lumapit sya sa akin at bumulong "Crush mo si Drake no?" Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. "T-teka, h-how d-did you know?" Napaatras pa ako ng konti. Sheez, umiinit yung pisngi ko.

"Nahulaan ko lang. Haha." Wengya! May lahing manghuhula pala 'tong isang 'to.

"Uy, joke lang.” Sabay peace sign. “Secret lang natin yun yung crush thingy. Ang totoo nyan, nahahalata ko kasi eh. Hehe sorry." Napalabing tugon niya. Ang kyot!

"Okay lang. Tsaka, may tanong rin ako sayo, anong lahi mo? I mean, mukha ka kasing hindi pinay , pero marunong ka namang magtagalog." Pilit kong inalis sa isipan ko yung sinabi niya. Tsaka, kanina ko pa kasi gustong itanong yan, kaso di naman maisingit dahil sa daming nagtatanong sa kanya.

"Ahh, I'm 1/4 Japanese, 1/4 Chinese, and 1/2 Spanish. I know tagalog very well kasi I've been here in Philippines for 13 years." Ang ganda ng lahi. Grabe! Girl version ba ito ni Rizal?

"Teka , hindi pa ba kayo nagugutom? Mukhang recess time na e." Pagkasabing pagkasabi ni Shai, bigla namang tumunog yung bell, hudyat na recess time na.

"Shai. Alam mo sa tingin ko, bagay kayo ng kuya ko I mean, kambal ko." Sabi ko habang naglalakad kami patungong canteen.

"Nande? Wait, may kambal ka?" Manghang mangha nyang tanong. "Uh-huh! And speaking of, ayun sya oh." Tinuro ko yung part na nasa dulo ng canteen. Kakapasok lang kasi namin.

"Ahh, di ba natin sya kaklase?"

"Actually , we are and also his friends or should I say ka-gangmates. Kaso nag cut na naman siguro yang mga yan. Wait papakilala kita ha." Lihim akong napangisi dahil sa naisip ko. I have a plan for both of you.

"Yo! Shin! Cut na naman?" Bungad ko kaagad nung nasa tapat na namin sila.

"Oh hi sipag. Sipag mo talagang mag aral no?"  Itong kulot na 'to talaga.

"Ganun talaga Shiki. Wait, meet Shai, my new friend, Shai ito si Shiki Fujiwara the brain of the gang, si Shinji Suzumiya naman the playboy, si Hiro Suzuki the pillow boy kasi lagi yang tulog and last kambal ko si Shin Sy the great kasi leader e." Nag hi naman silang lahat well except for Shin. What's new? Daig pa yata nito ang sementeryo sa tahimik e.

"So, you're the transferee now? Nice. Sa uulitin ha?" Oh, himala at nagsalita. Pero anong uulitin?

Sabay naman kaming napatingin sa kanya na seryoso lang na kumakain. Isang beses nya lang ata sinulyapan si Shai.

Magsasalita na sana ako ng maunahan ako nitong katabi ko.

"Sure. Better luck next time ha? Nga pala, nag enjoy ako dun."

Lahat kami napatanga dahil sa sinagot niya. Magkakilala sila?

Edited

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon