Chapter 44 "Reason #1"

Start from the beginning
                                    

Nahablot ko ang suot nyang mask at talaga namang nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yun.

Si Melissa Evans.....

"Sorry,Saisumi.Pero bago ka mawalan ng malay.....hayaan mo muna akong magpakilala."

Sinubukan kong kunin ang hawak nyang syringe pero nailayo nya kagad yun.

"Lady 'The Rook',Princess."

Pagkasabi na pagkasabi nya ng isinumpang pangalan na yun,itinusok nya sa leeg ko ang syringe.Nagpumiglas ako pero wala na yun nagawa ng unti-unti kong maramdam ang epekto ng gamot.

Hindi....hindi ako pwedeng mawalan ng malay sa lugar na to.Hindi dito.

"Matulog ka na,munting prinsesa."

Liryu's POV

Ayos lang kaya sya.....?Parang kinakabahan kasi ako.

"Okay lang sya."

Napalingon ako sa katabi kong si Louie.Nandito kami sa kwarto ni Ken sa main HQ.Nakatayo lang kaming tatlo nila Mirco at Louie sa gilid ng kama ni Ken habang si Nicka,natutulog sa couch.

"Ewan ko.Pakiramdam ko,may masamang nangyayari sa kanya."

"Paranoid ka lang."-Louie

"Si Saisumi ba yang pinag-uusapan nyo?"

Inilipat ko ang tingin ko kay Ken.Gising na pala sya.

"Kagabi...hindi ko alam kung anong motibo ng kalaban pero ginaya nya ang itsura ni Saisumi bilang Purple.Parehas sila ng kulay ng mata....."-Ken

"Baka contacts?"-Louie

"*shrug*Ewan ko pero sa tingin ko,hindi.Mukhang totoo kasi."-Ken

"Imposibleng may kaparehong mata dito si Saisumi."-Ako

"Tingin ko,posible yun."-Mirco

Napatingin ako kay Mirco.Naalala ko bigla yung sinabi ni Saisumi nung hinatid ko sya kaninang madaling-araw.

'Kasi tahimik sya."

Malakas ba talagang maka-attract ang mga katulad ni Mirco?

"Bakit?"

Takang tanong ni Mirco.Nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

"Ah wala."

Ano ba to?Kung ano-anong iniisip ko.

"Ken,nakilala mo ba kung sino sya?"-Ako

Napailing sya pero maya-maya lang,napatulala sya at parang may naalala.

"Tama....."-Ken

"Anong tama?"-Louie

"Yung babae.....narinig ko sya habang nakikipag-usapan sa phone.....Binanggit nya ang pangalang 'Hunter'."

Saisumi's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa mukha ko.Nagising akong nakadapa sa damuhan.Dahil sa pagtataka,lumingon ako sa buong paligid.

Sementeryo ba to.....?Argh.....ang sugat ko....

"Buti naman at gising ka na."

Tuluyan ng nagising ang diwa ko ng mapansin ang mga taong nakapaligid sakin.

Lima sila at lahat sila......kilala ko.

"Six Rings."

Ngumisi ang leader nilang si 'Sheol'.Hindi ko matanggap na naniwala akong sya si Khai.

Napansin ko ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid nya.

"Anong piyesa naman kayo dito,Gray at Matt?"

Seryosong tanong ko.Hindi na nakakagulat.Alam kong wala naman talagang mapagkakatiwalaan sa mga taong nakilala ko.Pwera na lang siguro.....sa mga piling tao.

"Cross 'The Pawn',Saisumi."

Nakakaloko ang ngiti ni Gray habang sinasabi nya yan.

Kung sya ang pawn,si Halo ang knight,Lady bilang rook at Sheol as king.....malamang si Matt ang bishop at ang may codename na Hunter.

"Ako si Hunter.Tumatayo bilang bishop."-Matt

Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa damuhan para makatayo.Nahawakan ko pa nga ang isang lapida pero nabigo akong tumayo dahil biglang kumirot ang lintik kong sugat sa tagiliran.

Inilihis ko ang suot kong blazer at kitang-kita sa puting polo ko ang dugo.

Eerrr...mukhang masyado akong napwersa kanina.

"Masakit ba,Saisumi?Kulang pa yan.Nagsisimula pa lang kami.Hindi masaya kung tatapusin ko kagad ang buhay mo."

Matalim kong tinignan si Sheol o si Cloud o kung sinong demonyo man sya.Nakakainis isiping kamukha nya si Khai.

"Ngayon lang kita nakilala,Cloud.Wala akong natatandaang naagrabiyad kita.Anong dahilan mo?Bakit gusto mo akong patayin?"

Lumebel sya sakin.Hinwakan nya ako sa baba at itinapat ang mga mata nya sa mata ko.

"Reason #1 why I feel eagerness to kill you,Saisumi.....?It's because.....you also killed the half of me."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now