Chapter 42 "Unmasked"

Start from the beginning
                                    

Malawak ang ngiting sumugod sakin si Lady.

Pagkasabik.

Yan ang nakikita ko sa kanya ngayon.Parang ang tagal na nyang hinihintay ang pagkakataong makalaban ako.

Sinubukan nya akong suntukin pero nasalo ko ang kamao nya gamit ang isang kamay.Nagtaka ako nung lalong lumawak ang ngiti nya.

"Gotcha."

Nakaramdam ako na may balak sya kaya sinubukan kong alisin ang pagkakahawak ko sa kamao nya pero hindi ko nagawa dahil agad nyang nahawakan ang kamay ko gamit ang isa nya pang kamay.

Dinala nya ako sa likod nya at buong pwersa akong inihampas sa sahig.Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng likod ko. 

Mula sa pagkakahiga,nakita ko si Halo na tumalon mula sa isang puno pababa sa pwesto ko habang may hawak na kunai.Napagulong ako sa kabilang direksyon para iwasan sya.

Pagkalapat na pagkalapat pa lang ng paa nya sa simento,agad akong tumayo at pinagpag ang dumi sa damit ko.

Mas mahirap pala to kesa sa inaasahan ko.

Liryu's POV

Napatihaya ako sa pagkakahiga ko sa kama nung biglang tumunog ang cellphone ko.

Purple calling.....

Yun ang nakalagay sa screen.Napaupo ako sa higaan at walang pagdadalawang-isip na sinagot ko yung tawag.

"Saisumi?"

Bungad ko sa kanya.

[L-liryu,s-si Nicka to.]

Okay.Aaminin ko.Nakaramdam ako ng dissapointment.

"Nicka?Bakit na sayo yung cellphone ni Saisumi?"

[A-ah...Liryu...s-si Ken...kailangan nya ng tulong.]

Halata sa boses nya ang kaba at pagpapanic.Hindi ko na kailangang tanungin kung anong nangyari dahil sigurado akong hahaba lang ang usapan namin at baka kung ano pang mangyari kay Ken (kahit hindi ako sure kung ano ngang nangyari sa kanya.)

Napatayo na ako sa kama at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Nasan kayo?"

[S-sa Shinra park,w-west side.]

Shinra park?Malapit lang yun dito.

"Okay.3 minutes,Nicka.Hintayin nyo kami."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now