Chapter 19 • The Heroine

95 54 60
                                    

KINAGAT KO ANG aking labi nang mapansin ko ang nag-aalalang boses ni Ralph. May kausap siya ngayon sa phone niya pero parang hindi magandang balita ang nilalahad sa kanya ng nasa kabilang linya.

Hindi kaya iyon 'yung tumawag sa phone niya nung isang araw na ako ang nakasagot? Ewan ko ba. Simula ng araw na 'yon, pakiramdam ko ay laging nasa panganib si Ralph.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nangyari kaso hindi ako makahanap ng tamang tiyempo. Pakiramdam ko kasi ay may kinalaman ang lalaking tinulungan ko kanina sa nangyari sa kanya. Tumagos sa akin ang takot ni Ralph kanina. Talagang nagpupumilit siyang lumayo sa lalaki.

Totoo naman ang sinabi ko. Wala akong ibang naramdaman kundi kabutihan sa lalaking 'yon. Normal lang ang kilos nito, mukha nga lang siyang college student sa university namin. Kahit pa gusto atang ipahayag ni Ralph na sinadya nito ang paghulog ng pitaka niya para mapulot ko. Kung gano'n nga, nasa panganib na rin ba ako? Ano ba kasing gulo ang pinasok ni Ralph?

Kasinungalingan ang sinabi ko kanina na kaya ko mag-isa. Ang totoo ay nababalot na ako sa takot. Hindi ko alam ang puwedeng mangyari sa'kin dito sa loob ng tatlong oras. Sa sobrang daming kamalasan ang naranasan ko nitong mga nakaraang linggo, himala na makahukay pa ako ng tapang.

"What happened?"

Pinapanood ko lang si Ralph, hindi ko alam ang dapat gawin. Mahigpit lang nitong kapit-kapit ang handle ng sasakyan niya. Narinig ko siyang tinanong ang nasa kabilang linya ng lugar kung nasaan ito ngayon, mukhang balak niyang pumunta doon. Ayoko sanang maging chismosa pero pati ako ay hindi komportable sa nag-aalalang boses ni Ralph.

"Anong nangyari?" Tumikhim ako. Hindi siya nakasagot agad. Hindi ko naman makita ang sinasabi ng mga mata niya dahil hanggang ngayon ay suot-suot niya pa rin ang shades.

"I'm going to the hospital. Are you coming?" Iba na ang lagay niya. Hindi na siya nakikipagbiruan ngayon.

"Ospital? Bakit? Anong meron?" Sunod-sunod kong tanong.

"It's my grandmother. Are you coming or not?" This time, tumataas na muli ang boses niya. Wala na siyang panahon para sa paikot-ikot kong tanong.

Nagpabalik-balik pa ako ng tingin sa gate ng dorm at sa motor niya. Sa huli ay napagdesisyunan kong sumama kahit pa hindi ko alam kung anong gagawin do'n. Ni hindi ko nga kilala ang pamilya niya maliban kay Ate Raine. Ang kapal lang ng mukha kong makisali sa malungkot na problema ng kanilang pamilya.

Hindi ko alam kung bakit sa parking lot lang ng ospital kami nakatambay. Hindi ko magawang tanungin si Ralph dahil iba na ang timpla niya ngayon. Bumalik na siya sa Ralph na hindi mo pwedeng tanungin o kausapin kung ayaw mong ikaw ang pagbuhusan ng galit niya.

Bukod ata sa mga bars at clubs, ospital lang din ang ganito kabuhay tuwing dis-oras. Sunod-sunod pa ang pagdating ng mga ambulansya na parang bawat oras ay may aksidenteng nangyayari. Hindi ko ata kayang magtrabaho sa ganitong lugar.

Nakasandal lang si Ralph sa motor niya habang bumubuga ng usok galing sa sigarilyo. Samantalang ako ay nakaupo lang sa parihabang kongkretong nakadikit sa sahig ng lote. Nilalaro ko lang ang maliit na bato na nagkakalat sa sahig. Gusto ko sanang patayin ang namumuong kaasiwahan sa paligid ngunit hindi ko alam kung paano. Natatakot na ulit akong magtanong kay Ralph. Gusto ko sanang pagaanin ang pakiramdam niya kaso natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

"She had a severe stroke."

Napabitaw ako sa nilalarong bato at inangat ang tingin kay Ralph. Tapos na niya ang sigarilyo, naglalakad na ito papalapit sa'kin.

"Last year, she suffered from a minor stroke nang malaman niyang humihithit ako." Umupo siya sa tabi ko. "They all blamed me. But I was more mad at myself. Pero hindi ko pa rin tinigil. Humithit lang ako nang humithit hanggang sa makalimot. I was so high that time that they forced me to enter rehab." Sarkastiko itong tumawa. "And now, they don't even let me see her," he softly sniffles before clearing his throat.

Tragedy Of The Fallen HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon