Chapter 13 • The Heroine

121 59 53
                                    

SIMULA NANG SAGOT-SAGUTIN ko si Ralph sa Samael's nung Linggo ay hindi na niya ulit ako ginambala pa. Pwera na lang kung pangangambala bang maitatawag ang hindi niya pagpapapansin sa'kin. Hindi na kasi ako sanay na wala siyang ginagawang kawirduhan kapag nasa tabi ang presensya niya.

Sinauli ko na rin ang panyo at kwintas na pinahiram niya sa'kin. Kaya wala na akong atraso sa kanya. Sana lang ay iyon din ang nasa isip niya.

Eksaktong alas dos lumabas ang mga estudyante sa classroom para sa next class namin. Ngunit bago pa man ako makaupo sa pwesto ko ay may lumapit na sa'king pamilyar na babae. Malaki ang bilog nyang salamin sa mata na bumagay naman sa hugis ng mukha niya.

"Ikaw si Erica, diba?" paglilinaw nito. Tumango lang ako.

Katunayan, hindi ko rin alam ang pangalan niya. Ang alam ko lang ay blockmate namin siya last semester at kaklase sa ibang mga subjects ngayon.

"Nahulog mo 'to kahapon." Nanlaki ang mata ko nang iabot niya ang gold necklace na iniwan ko sa lamesa ni Ralph.

"Paano napunta sayo 'to?" pagtataka ko.

"Nakita ko lang kahapon sa sahig. I guess sayo since nasa tapat ng upuan mo."

Tumango ako kahit hindi pa rin kumbinsido sa kanya. "S-salamat," sagot ko.

Nginitian niya ako bago lumabas ng classroom.

Pansin kong nakatingin lang si Claire sa akin mula sa kinauupuan niya. Mabilis akong tumabi sa kaibigan ko nang marinig ang boses ng professor namin sa Ethics.

"Ano 'yun?"

"W-wala." Agad kong tinago sa bulsa ng pencil skirt ang mamahaling kwintas.

"May inabot siya sayo, eh?"

Sabi ko na nga ba't nakita niya. Hindi ko na naman alam ang ipapalusot ko.

"Wala. Akala niya lang daw sa'kin."

"Ang alin?"

"Okay, class. Kindly submit your C.O.R. in front." Hindi ko na nasagot pa si Claire dahil nagsalita na ang professor namin. Buti naman at napunta sa iba ang atensyon niya.

"I hope that you've already printed your own copy. Ayokong makarinig na naman ng rason na nakalimutan. I already gave you a week to complete this," pagpapatuloy ng professor namin.

Isa-isa namang umugong ang kaluskos sa mga bag ng kaklase ko. Paniguradong hinahanap na nila kung saan nila naisuksok ang isang piraso ng papel na nagpapatibay na enrolled kami sa subject niya. Ang certificate of registration ang binibigay ng registrar sa mga estudyante kapag naka-enroll ka na. At importante 'yon sa ibang professor.

Kaya't heto ako, todo halungkat sa loob ng bag ko dahil hindi ko pa rin mahanap kung saan nakasuksok 'yung akin.

"Claire, hindi ko ba pinatago sayo?" Nagsisimula na akong pagpawisan.

"Wala kang pinapatago sa'kin. Bakit?"

"Hindi ko mahanap 'yung C.O.R. ko." Inisa-isa ko na ang mga pahina sa filler notebooks ko.

Saan ko ba inipit 'yon?

Malalagot ako nito, fifty points pa naman sa class record ang assignment na 'to.

"Please pass in front." Nang magsalita si Sir ay doon na ako nagsimulang kabahan.

"Baka naman naiwan mo sa dorm?"

Naiwan ko ba? Hindi ko nga maalalang nilabas ko 'yon.

Natapos na ang klase nang wala akong naipasa sa harap. Inisa-isa pa ni Sir bago siya umalis ang mga pangalan ng hindi nakapagpasa. Pupwede pa naman kami magpasa sa susunod na meeting kaso may bawas na.

Tragedy Of The Fallen HeroWhere stories live. Discover now