Prologue

379 80 112
                                    

Leaving rehabilitation may lead to perspective that someone is getting better but, the real temptation lies beyond the white-wall institution.

///

A HEAVY THUD echoed into the dusty glass walls as Ralph's head hit against it. Kaharap niya ang lalaking naka-itim na jacket na siyang nagtulak sa kanya. Napasinghap ang binata sa pag-untog ng kanyang ulo sa hindi madaling mabasag na salamin. Ramdam din nito ang mainit na singaw ng araw na tila ba inaabsorba ang kabuuan ng katawan niya.

Agad namang hinawakan ng dalawa pang misteryosong lalaki ang magkabilang braso ni Ralph upang hindi na makawala pa ang binatang matagal nilang pinaghahanap. Ito na ang pagkakataon ng grupo na bumawi sa binata.

Nang klaro na sa kanyang paningin ay pinagsusuntok ng kaninang lalaki ang sikmura ni Ralph.

Kahit ayaw ipakita ay bakas na sa mukha ni Ralph ang pananakit ng kanyang tiyan. Gusto nitong punasan ang lumabas na dugo mula sa kanyang bibig subalit mahigpit ang kapit sa kanya ng dalawang dambuhalang lalaki. Kung wala sana ang dalawang kamay na nagpupumiglas sa kanya ay kayang-kaya nitong patumbahin ang demonyong pumasok sa condo unit niya.

Ten minutes ago, aalis na dapat siya upang magtungo sa bahay ng kaibigan nang bumulaga sa pintuan niya ang apat na miyembro ng gang kung saan siya kabilang dati. Subalit heto siya ngayon, parang pulutang pinagpasa-pasahan.

May balak pa siyang magsalita kung hindi lang dahil sa panibagong suntok na tumama sa tagiliran niya.

"I'm just testing how sturdy this wall is," nakangising wika ng lalaki habang mahigpit na pinipisil ang balikat ni Ralph sa pader.

"Matibay 'yan 'coz it's bullet and shock proof." Sinagot ni Ralph ang lalaki na para bang walang iniindang sakit.

Parang hindi pa sapat ang pamumula ng upper abdomen ni Ralph kaya't isang upper-cut ang pinakawalan ng nagliliyab na lalaki. Maririnig sa kabuuan ng unit ang pagtama ng ulo ni Ralph sa matigas na glass wall. Wala pang limang segundo ay nakaramdam na ng pagkahilo ang binata. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. Ang pinakaayaw nito ay ang makita ang tagumpay na ngiti ng kalaban habang siya ay nilalamon ng pagiging talunan.

Nang matiyempuhan na nawawala na sa ulirat si Ralph ay lumuhod ang pang-apat na lalaki upang tanggalin ang susi na nakasabit sa pantalon nito.

"What the fuck are you doing?!" pagalit na sigaw ni Ralph. Sinisipa-sipa pa nito ang lalaki kaso biglang tumama muli sa mukha niya ang kamao ng isa.

"Boss, eto na 'yung susi." Nang matanggal ay iniabot ng ika-apat na lalaki ang susi sa lider. Tinernohan ng itim na leather jacket ang itim na sumbrerong nakapatong sa ulo niya. Bakas ang kaisa-isang kulay gintong ngipin niya, nagniningning ito kung masinagan ng araw.

Isang tawa ang umere sa kabuuan ng kwarto. Pinaglalaruan ng lalaking naka-jacket ang susi sa middle finger nito.

"Fuck you." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ni Ralph. Wala siyang laban, alam niyang talo na siya. Kahit magpumiglas pa ay wala itong magagawa; madaragdagan lang ang sugat sa katawan niya.

"Not my Heroine," patuloy ng binata, nagmamakaawa ang boses.

Hindi niya aakalaing ito ang una niyang gagawin matapos makalabas ng rehabilitation. Akala niya'y limot na ni Banerji ang mga utang niya. Subalit, nandito ang mga alagad —mga dati niyang kasama sa katuwaan na ngayo'y binubugbog na siya, tila may kanya-kanyang galit sa binata.

Tragedy Of The Fallen HeroWhere stories live. Discover now