Fake face

1.9K 50 4
                                    

"Hinahanap ka nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hinahanap ka nila. Kailangan mong makaalis dito."

Sa takot at kaba ko'y tumango ako. Tahimik akong sumunod, natigilan lang nang magsalita si Gatus, "Saglit, 'yung mga gamit namin nasa loob pa!"

Mabagsik siya nilingon ni Martin. "Bahala ka kung gusto mong mamatay gaya nila—" Nagbabadya ang luha sa mata nito, ngunit mabilis na nawala nang umirap at paandarin ang sasakyan. Dali-daling sumakay si Jasmin at Gatus sa back seat.

Diretso ang tingin ko sa daan. Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita kong tuliro siya. Napansin ko rin ang panginginig ng braso niya. They were full of dried wounds and blood. Nakipag-away ba siya? Teka, nasaan si Lani?

"Martin, si Lani? Bakit hindi mo siya kasama?"

Before he could answer me, we all startled when the car slowly died. Martin cussed and tried to start the engine but it's not working now.

"Putang ina. Ngayon ka pa talaga naubusan ng gasolina!" Binalya ni Martin ang manibela ng ilang beses kasabay ng malulutong na mura.

Nagsisimula na akong matakot sa inaasta niya. Gatus and Jasmin are obviously the same.

Nag-away ba sila ni Lani?

Nanginginig niyang tinanggal ang seatbelt matapos ay ang akin. "Maglalakad tayo. Kailangan nating makaalis dito bago tayo maabutan."

Nagkatinginan kaming tatlo, walang nasabi kung hindi ang sumunod na lamang. Hawak ni Martin ang braso ko. Hinihila ako sa paglalakad.

"Ano ba kasing nangyari? Kuwento ka naman Martin."

Nilingon ko si Gatus. He looked at me too. He shrugged his shoulder when Martin didn't respond.

"Aray!"

Sabay-sabay naming nilingon si Jasmin nang mapaupo ito, dinadaing ang paa. Pinulikat?

Before I could run, Martin cussed and released me from his hold. Gatus and I held Jasmin's feet. Sumigaw ito sa sakit, si Martin ay mabilis na tinakpan ang bibig ng aking kaibigan. Lumingon sa likuran bago pinigilan sa pagkomento si Gatus. Kinabahan ako nang makarinig ng tunog ng sasakyan.

"Huwag kayong maingay. Sila na 'yan," abiso ni Martin sa amin. Beads of sweat were evident on his forehead before he peeped from the bushes where we are hiding.

"Hindi pa 'yon nakakalayo. Hanapin niyo. Siguradong may kasama 'yon, patayin niyo. Itira niyong buhay si Julienne!"

"Yes, Sir!"

Nagkatinginan kami ni Martin. Ibig sabihin lumaban siya para iligtas ako, pero paano si Lani? Tears pooled on my cheek. Could it be possible? Lani might dead, right now?

"Tumakbo kayo sa gawi na 'yon. Kukuhanin ko ang atensyon nila, pagbilang ko ng tatlo," utos niya.

Umiling ako. Natatakot na baka mapaano siya, pero naluluha siyang tumango. Nahihirapang magsalita, "Hindi ko sasayangin ang sakripisyong ginawa ni Lani. Pakiusap, mabuhay ka Julienne at bigyan mo ng hustisiya si Lani at kababaryo namin na namatay. Isa."

The UnnoticedWhere stories live. Discover now